"Dalian mo na diyan Jary, tulungan mo na muna kami sa labas." Hindi magkanda-ugaga si manang Aning, ang mayordoma sa malapalasyong bahay ng mga Amorrellaûo, sa pagtawag sa akin.
May malaking handaan kasi sa bahay ng mga amo nito. Wedding anniversary. Kaya naman lahat ng tao sa mansion ay busy.
Dapat kasi si nanay ang narito dahil siya ang kanang kamay ni manang Aning. Pero inaapoy siya ng lagnat kaninang dumating ako galing paaralan. Nagpumilit pa ngang pumasok sa trabaho, dahil mahigpit daw ang bilin na hindi pwedi ang umabsent ngayon particular na araw. Sisisantihin daw ang sinumang aabsent. Kaya heto siya, substitute ng nanay niya.
Ayos lang naman, sanay naman siya sa mga trabahong ganito. Maliit na bagay. At saka kilala naman siya ni manang Aning, kaya't agad itong pumayag ng sinabi niya na siya muna ang papalit sa nanay niyang may lagnat.
Dito sa kusina siya nakatalaga. Iche-check kung sakaling kakaylanganing i-refill ang mga naka-buffing pagkain sa labas. Sa may malawak na harden kung saan idinaraos ang selebrasyon.
Siguro dahil sa sobrang dami ng inimbitahan ay umabot sa loob ng bahay ang mga bisita. Rinig na rinig niya kasi ang kasiyahan hanggan dito sa may kusina. Kaya din siguro pinapatulong siya ni manang Aning na mag-serve.
Napatingin ako sa lumang relo sa aking bisig. Pasado alas8 na ng gabi at medyo kumakalam na rin ang aking tiyan.
Paniguradong lahat kaming katulong ngayon dito ay wala pang kain. Nakakatawa, ang dami-daming pagkain, pero heto kami, tiis gutom.
Pinalis ko ang pawis sa aking noo gamit ang likod ng aking mga palad pagkatapos kung higpitan ang pagkatali ng aking buhok. Binaliwala ko na lamang ang tiyan kong nag-aalburoto, at tinungo ang labasan.
Huling ayos ng apron na kapares ng aming uniporme ay tuluyan na akong lumabas para tumulong sa pag-aasikaso sa mga bisita.
Napadaan ako sa may main sala, kung saan may mga bisitang naroroon.
Pito silang naroroon. Tatlong babae at apat na lalaki. Lahat sila may mga kakaibang vibes.
Kung hindi lang ako pagod, tiyak na mamamangha ako sa kakaibang taglay nilang anyo. They looked sinfully regal. Tipong out pa sa out of reached na level.
Magmumukha siguro akong uhugin kapag pinagtabi sa kanila.
Medyo tumagal ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa gilid ng armrest ng eleganting sofa kung saan nakaupo ang mga babaing tila iniluwa ng magazine sa ganda at postara. Nasa bulsa nito ang isang kamay, habang ang isa ay may hawak na wine glass. Bahagyang nakabend ang isang tuhod nito dahil medyo nakasandig ito sa sofa.
Para lamang silang nag-photoshoot at ini-endorse ang sofa.
Hindi ko maiwasang mapakunot noo sa kung papano ako nito tingnan. Dahilan para mapatingin din sa gawi ko ang mga kasama nito na kanina pa yata siya kinakausap.
Ganun pa rin ang tingin niya sa akin.
Napaiwas nalang tuloy ako ng tingin.
Bahagya silang natahimik ng medyo dumaan ako malapit sa kanila, kaya't yumokod nalang ako bilang pagbibigay galang sabay deretso sa nakabukas na main door.
Halos kapusin ako ng hininga ng tumabad sa akin ang gadagat na mga bisita. Buong Pilipinas ba ang inimbita ng mag-asawang Amorrellaûo?
May mga nagkalat pang media personnel sa paligid. Ang nagkikislapan nilang mga kamera ay sumasabay sa tema ng okasyon.
Gold and red. Regally wealthy.
Hilo at gutom man, ay minabuti ko nalang na tumulong sa pagsilbi. Triple daw ngayon ang sasahurin ni nanay ngayon buwan kung saka-sakali.
May nakita akong ginang na nag-taas ng kamay. Pihadong may kailangan. Agad ko naman itong nilapatan at tinanong kung ani ang kailangan nito.
Gusto daw nito ng wine. Strawberry flavor. Pansin kong may dalawang empty wine bottle ang naroon sa mesa nito. Mygod!
Hindi ho tubig ang wine ma'am. Piping usal ko.
Pagkatalikod ko ay nakita ko kaagad si manang Aning na sinisenyasan akong lumapit.
"Ano daw sabi Jary?" Agad na usisa nito.
"Po? Ah eh, strawberry wine pa daw po." Alanganing ngiti na sagot ko.
Napansin siguro nito ang itsura ko."Hayaan mo na anak. Kuha ka nalang doon sa may bar counter sa loob. Alam mo na naman kung nasaan yon diba? Ubos na kasi yong strawberry flavor na inilabas natin kanina eh." Mahabang turan nito. Ngumiti na lamang ako at tumango.
Imbis na sa main door ako dumaan, ay mas pinili kong tahakin ang daan kung saan papunta sa may laundry area. May pintuan doon papasok sa kabahayan, at mas malapit yun sa may bar counter.
Tahimik kong binaybay ang marmol na sahig papunta sa may bar counter. Bukas ang ilaw doon pagkapasok ko. At tulad nong una akong makapasok dito, ay namangha pa rin ako. Klase klasing wines. Na paniguradong hindi biro ang presyo.
Malawak sa loob. Maaliwas sa mata. May mga high stools sa may counter. Wine glasses were neatly hanged. Tulad ng nasa bar talaga. May three long couches and dalawang single sofa na sadyang inilagay din sa esapasyo sa loob.
I let out a heavy sigh. Medyo nakadaramdam ako ng pagkahilo. Bahagya rin nag-blurry ang paningin ko. Napakapit tuloy ako sa may counter.
Nang medyo kaya ko na ay pumasok na ako sa loob kung saan naroon ang flavor ng wine na kakailanganin.
Kunot noo akong nag-angat ng tingin sa strawberry flavor na nakahilira sa pangalawang hanay ng glass closet.
I stood 5'6 at ang abot lang ng kamay ko ay ang pagbukas ng mismong pinto nito.
I drew a deep breath before I attempt to reach one bottle again, but to no avail. I tried again. I almost reach it if not because of the stinging pain of my head that causes me to stumble a little. Automatic na napakapit ako sa konkretong dingding na naroon.
Nagsimula ng magdilim ang paningin ko kaya napapikit ako ng mariin. "Are you okay miss? Here, I saw you reaching for it."
With my blurry vision, I tried to look for the source of the voice. Kahit hirap ay pinilit kong umikot. Una kong nakita ang ang pamilyar na suot nito at ang crescent moon na pendant ng silver nitong kwentas. Hawak nito ang strawberry flavored wine na pilit kong inaabot kanina.
Kalevel ko lang yung dibdib niya kaya hindi ko kita ang itsura niya. I saw his lips moving, pero wala akong maintindinhan sa sinasabi niya.
I painfully squinted my eyes trying to focus my vision to his face but it was so hazy. I panicked when I felt my body numb. Until everything went dark.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/230783753-288-k144435.jpg)