January 3

32 4 0
                                    


***

"Alis na po ako manang." Pagpapaalam ko kay manang Aning. Alas singko palang ng madaling araw at naghahanda na ito ng lulutuin para sa agahan. Tulog pa halos lahat ng tao sa mansiyon gawa ng party kagabi na halos madaling araw na natapos.

Binuksan nito ang ref at may kung anong hinahanap doon. "Magkape ka man lang muna Jary, sobrang aga pa naman para ikay umuwi."

Nahihiyang napangiti ako dito." Naku, hindi na po manang. Tiyak hinihintay na ako ni nanay. At tsaka ho, maaga po akong tutungo sa paaralan eh." Ang tanging paliwanag ko.

Napabuntung-hiningang itong napaharap sa akin. "Ganun ba. O ito," aniya sabay abot ng perang tigbibente sa akin.

"Dagdag pamasahe mo anak." Nakangiting turan ni manang.

"Po, naku huwag na po manang. May kunting pera naman po ako dito. Kasya na po ito, kahit magtaxi pa po ako." Pagliwanag ko pa ngunit pilit na isiniksik ni manang ang pera sa bulsa ko. Wala na akong magawa ng ipagtulakan ako nito palabas ng tarangkahan.

Napangusong napapalingon ako dito. "Sigi na, mag-iingat ka pauwi, hane?"

Napalabi ako bago marahang tumango.

"Salamat manang Aning. Kayo din po, mag-iingat kayo palagi." Ang tanging nasabi ko nalang.

Sinimulan ko ng tahakin ang napakahabang pathway palabas ng eksklusibong subdibisyon na kinatitirikan ng mansion.

Isang beses ko uling nilingon si manang at kinawayan ito bilang pinal na pamamaalam na ginantihan din nito ng munting pagkaway.

Nginitian ko ang mga guard na nakabantay sa may gate. "Magandang umaga po sa inyo." Bati ko pa.

Magiliw naman nila akong tinugunan ng pagbati bago binuksan ang mahabang gate.

Sumasayaw ang maalon kong buhok sa pang-umagang simoy ng hangin. Kinipkip ko ito sa aking mga kamay habang nag-aabang ng taxi. Hanggang sa main road lang kasi dumadaan ang tricycles at dyip. Tanging mangila-ngilang taxi lang ang umaabot dito sa mansion.

Thirty minutes yata ang oras na gugulin bago ako makarating sa amin. Kaya minsan, ay hindi na umuuwi si nanay kapag masyado ng malalim ang gabi.

Hindi naman nagtagal ay may taxing dumaan at swerting wala itong pasahero.

Sinabi ko dito kung saan ako papahatid pagkatapos kung makapasok sa likurang bahagi ng sasakyan.

Hindi nga ako nagkamali dahil after thirty minutes ay nakarating na ako sa amin. Hindi ko na pinanghiyangan ang pamasahe kong halos pumatak ng 400 pesos. Safe naman akong nakarating, kaya worth it. At tulong narin kay manong driver kasi maaga palang namamasada na siya.

Nakangiting inayos ko ang bagpack na dala habang bumababa sa taxi.

Medyo lumiliwanag na. Kita ko kaagad si nanay na nagwawalis sa bakuran.

Hindi talaga ito mapipigilan. Parang kahapon lang nanginginig ito sa lagnat, ngayon naman at tila ba...

Haay...

Si Wednesday ay nagpupunas ng bintana habang si Eight naman ay nagdidilig ng bulaklak. Parehas ko silang nakababatang kapatid. Sumunod sa akin si Eight, bunso naman si Wednesday.

Naaliw akong naglakad papunta sa aming munting tahanan. Ang tahanan namin na pinagsumikapan naming buuing apat. Sanggol palang kasi si Wednesday ng mamatay si itay.

Its a one storey house na may tatlong kwarto. Gawa sa kahoy ang kalahati habang hallow blocks naman mula sa lupa . May munting sala kung saan makikita ang kusina na tanging kurtina lang at nagsisilbing dibisyon. Isang palikuran. May teresita na siyang bubungad sa entrada ng bahay. Napapalibutan ang kabahayan ng klase-klasing bulaklak. Lahat kasi kami ay flower lover.

January Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon