***
Nanay was beyond shock when she saw me. Halos kurutin niya ang singit ko dahil sa nasaksihang ayos ko.
Hindi ko kasi talaga kinaya ang makihalubilo sa mga amo ni nanay, na para bang isa ako sa kanila, kaya minabuti kong tulungan nalang siya sa pagsisikbi sa mga bisita.
Ayaw ni nanay dahil hindi daw angkop sa suot ko, which I find ridiculous. E ano ngayon kung ganito ang ayos ko? Is there any law that say, there's a definite dress for helpers?
Ngunit pinilit pa rin ako ni Nanay na pumaroon nalang sa may pool at makiparty, total daw ay isa akong invited guest ngayon gabi at hindi katulong, might as well sulitin ko na lang daw.
Wala na talaga akong nagawa ng mahanap ako ni Lien, na nahalata na yatang pinagtataguan at iniiwasan ko sila.
Ayaw ko sana talaga pero naging mapilit ito. And worst, ginawa pa akong entertainment!
Isali daw ba ako sa larung kalokohan.
Its a contest slash pageant type of game. Pagandahan ng katawan at pagalingan lang daw ng sagot. At kung sino ang may pinakamalakas na hatak at audience impact ang siyang magiging winner. And the price? Maka-sama ang birthday boy sa isang exclusive full package Caribbean Cruise Trip sa loob ng isang buwan. Gift daw ito ng mga kaibigan ng birthday celebrant.
Sinong baliw ang papayag sa ganung kalokohan? Definitely not me.
Naiba na ang set up ng pool pagdating namin doon. Ang dulo ng pool ay nagmistulang stage for miss universe, small version nga lang na hindi ko malaman kong papaano nila nagawa.
May limang babae na nakatayo sa gitna ng mini-stage. Posing like a secret model with their firmed and toned body goals. In a fucking two piece bikini. At lahat sila confident na confident na nakatayo doon like they already won the game.
Hindi na magkamayaw ang mga kalalakihan habang nanonood. Kanya kanya na silang sigaw ng pangalan. Perhaps the names of the girls on stage.
"Wooh!" Ang sigaw ni Lien sa aking tabi. Tuwang-tuwa sa mga kaganapan. Nanindig ang balahibo ko ng tiningnan ako nito mula ulo hanggan paa. Then she smirked and laughed like crazy. Para siyang may nakikita na hindi ko nakikita.
She wiggled her right brow and whispered. ''What are you waiting for?" She smirked playfully. "Take it off." She added at siya na mismo ang naghuban ng sheer dress ko.
I instinctively cross my arms on my tummy. Nakuha na namin ang ilang pares ng mga mata ng mga nanonood.
Lien then laughed like she won in a freakin casino and murmured. "I can smell victor."
Ewan ko kong ako lang ba, but I think the loud cheers slowly faded. Ang kaninang masigabong kasiyahan ay biglang tumahimik ng sinimulan ko ng tahakin ang mini-stage. Na hindi ko naman intention kung hindi lang ako pinagtulukan ni Lien. Nakakainis na talaga siya.
Though uncomfortable, I managed to make it on stage, along with the girls. I can feel the drum of my hearts multiplied.
Alanganin akong ngumiti sa mga nanonood habang mahigpit na nakahawak ang isa kong kamay sa isa pa, forming a number four.
Lalo pang nadagdagan ang kaba ko ng mapansin ang sobrang tahimik ng paligid. May narinig pa ako ng kalansing ng mga kutsara't tinidor sa sahig. And I swear I heard glasses crashing on the floor.
Halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan pagkatapos ng mahabang katahimikan. What the hell?
Natapos ang laro ng wala man lang akong matandaan. Ang alam ko lang ay nakatayo na ako ngayon sa gitna ng mini-stage kasama ang mga kaibigan ni sir Philo, and ilang mga kalalakihan taking pictures with me.