7/9/2020
***
"So okay na. Settled na tayo?," si Larissa. She's our EIC in the University's School Paper. Kasalukuyan kaming nagme-meeting for the volume I publication na ire-release for the semester.I've got the mystery/thriller genre for the fiction literature articles, and Philippine cultural issue for the news article.
Wala naman akong problema sa mga responsibility na napunta sa akin. Its part my work as their associate editor.
Nagakaroon lang ng kaunting aberya kanina after ng bunutan ng gagawin dahil yong iba kong mga kasama ayaw mag-settle sa mga nabunut. Saying its not their forty. Kaya ang nangyari, nagsipag-palitan sila ng nabunot. Aside from mine na hindi ko na sinwap.
Sinimulan ko ng gawin ang nakatuka para sa akin. Gamit ang isa sa tatlong laptop na provided ng university for the school paper, I found myself lost in the corner.
May mga sariling laptops ang ilan sa mga kasamahan ko kaya hindi kami naghihintayan kung sinong gagamit ng laptop na pinrovide ng school.
Perks din minsan ang pagiging part ko ng student publication dahil nahihiram ko minsan ang laptop na temporarily in my care sa reports and demos ko in my subjects.
I was so drown on making my task that I didn't notice the time. Namalayan ko nalang na mag-isa na lang pala ako sa office.
"O shoot!" Ang aking nausal pagkatingin ko na two minutes nalang ala-una na. Leon pa naman ang prof ko sa subject ko ngayon.
Basta ko nalang hinablot ang bag ko at inayos ang pagkakasuot ng sapatos kong hinubad ko kanina dahil naiinitan ako. Tinakbo ko na agad ang papuntang third floor kung saan ang class ko. Shuta talaga!
Hingal na hingal ang peg ko pagkarating ko sa palapag. Wala na akong paki sa itsura ko at basta ko nalang binuksan ang pintuan ng classroom.
Gulat-gulat ang mga kaklase ko sa ginawa ko. Nakita ko pang natatawa si March Sienna nung ang makita akong dinaig pa ang nag-marathon.
She mouthed, 'wala pa si Sir."
Pambihira! Buti nalang wala pa yung prof.
Awkward na napatikhim ako na pumasok sa loob ng classroom at nakayukong tinungo ang upuan ko.
Nakataas ang kilay ni March pagkaupo ko. Seatmate kami kaya ganun. "Anyare sayo? Mukha kang ni-rape ng sampung kabayo."
Natatawang turan nito habang palipat lipat ang tangin sa mukha at ulo ko. Particularly, sa buhok ko."Tse, wag ka nga. Akala ko kasi male-late na ako." Nakaismayd na tugon ko habang pini-fingercomb ang buhok ko. Then I wiped the sweat on my forehead and neck using the back of my palm.
Natawa lang ito sa sinabi ko at bumaling sa librong binabasa. Bookworm talaga. My eyes twinkled when I saw the title of the novel she was reading. She's reading The Crown.
Naramdaman siguro nito ang creepy na titig ko kaya napatingin ito sa akin. Then she arc her brow. "Problema mo?" Bahagya pa siyang napaurong sa upuan niya."Tsura mo uyy. Shit. Anong nahithit mo ba?"
Nag-papacute na tumitig ako sa kanya. I wiggled my brews habang palipat lipat ang tingin ko sa kanya at sa librong hawak niya.
Nangudngud niya sa mukha ko ang librong hawak ng pangusong lumapit ako sa kanya.
Napabungis-ngis ako ng mapasakamay ko na ang libro."Thaaanks!" Ang naiusal ko.
Napa-tsk ito habang naiiling na umupo pabalik sa upuan niya. "Ang weird mo kahit kailan. Pwede mo namang sabihin na manghihiram ka. Hindi yong magiging abno ka nalang diyan."
