January 2

27 4 0
                                    

***

"Please Jan, just this one. I promise this would be the first and the last."

I poof a handful of air as I stared with my bestfriend. Pinu- pushed niya talaga ako sa date na sinet niya tonight without even consulting me. Gusto ko siyag yugyugin sa kabaliwan niya. I mean, a blind date, really?

Pinanlisikan ko siya ng mata, pero hindi man lang siya natinag, bagkus, ay nagpa-pacute pa ang gaga. Hindi niya bagay.

I shut my eyes tightly. "Fine. Nang matahimik ka na. Just make sure that there's no more like this in the future. Baka hindi na talaga kita matantiya."

"Awiieee, thank you bestie! I promise. He he." Hyper na sagot niya habang nagtitili na akala mo ay nanalo sa luto. Parang siraulo.

"Oo na nga. Manahimik ka na at nakakaabala na tayo, ipa-finalize ko pa tong powerpoint ko para sa klase ko mamaya." Panay ang palit ko ng background color sa powerpoint na ginawa ko for today's lesson na ituturo ko mamaya.

Panay pa rin ang yugyug sa akin ng kaibigan ko. Hindi pa rin yata maka-move on na pumayag ako sa blind date na sinet niya for me. She's been pushing me to have one ever since I accidentally mentioned that I never had a boyfriend with my age, that is 27. I don't know why she made a fuss out of it.

Breaktime kasi namin. Halos magkaparehas ang time schedule namin sa pagtuturo. We are both teacher here in Silliman University. Mag-aapat na taon na kami dito. She is a science instructor samantalang English naman yung sa akin. Masasabi kung maganda ang pasahod at may mga benefits pa kaming natatanggap na wala sa ibang paaralan. As expected from a prestigious school such as SU. Hindi naman kasi basta basta ang teaching system nila, even their program and curriculum is super advanced.

Buti nalang talaga wala masyadong tao ngayon dito sa Faculty Room. Kung hindi ay nakakahiya sa kadaldalan nitong kaibigan ko.

"Shoo, doon ka na. I need to finish this. Malapit na klase ko o. Ikaw din yata mayroon may klase pa diba?" Pagtatabuy ko sa kanya doon sa table niya na nakikita kong medyo makalat. Balahura talaga to minsan.

"O shoot! Maglo-long quiz pala ako ngayon."
Natatarantang sabi niya. Tapos ay nagmamadaling bumalik sa table niya at nagkakalkal ng kong ano doon. Natatawang hinayan ko nalang siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng lesson ko mamaya.

Bahagya kong inayos ang salaming suot at nag-focus na sa pagpa-finalize ng PowerPoint. I still have an hour before my class resumes.

I admit, being a teacher is not easy. There are so many things I need to consider. Ang dami dami ko na ring nasakripisyo. Minsan nga kahit christmas, nago-overtime ako para lang makahabol sa deadline. Hindi pa nakatulong ang pagma-masters ko. Lalo na ngayon nasa huling year na ako. The pressure is really on me.

Now tell me, how can I afford time for my love life? Sumasabay pa ang mga bills ko at tuitions ng mga kapatid ko na parehong nasa college na, graduating pa yung isa. Maintenance pa ni nanay.

But I'm still thankful despite all the circumstances that I'm in, may matino akong trabaho na pwede kong asahan sa lahat ng gastusin. Maswerte pa rin ako.

I can still remember the day I applied here. It did not occur to me that I will be accepted. I did not even ace the board exam. Yes, my transcript of records could pass above normal, but it doesn't change the fact that Silliman University is one of the best schools in the Philippines. So its given that they should hire teacher that will suit their standards. I was in awe for my first month of teaching in SU. Nakatulong rin talaga siguro ang pagpasa ko sa LET even without having a review center. Me, having the self review is the best choice that I've made.

January Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon