A Note: I plan to make this story short. Let say, 20+ chapters. And maybe, because I'm inspired to push this one, I'll make sure to put justice for it as worth it as possible.Support me please. Salamat!
***
Naalimpungatan ako dahil sa sobrang lamig. Feeling ko nagyeyelo ang paligid.
Hindi ko alam pero, tila ang hirap ibukas ng mga mata ko. Ang sakit din ng buong katawan ko. Dinaig ko pa ang dinaganan ng sampung kabayo.
Tumambad sa akin ang madilim na paligid. My brows knitted when I realized that the room is not familiar.
I squinted my eyes, trying to recall what happened, and why I ended up in this unfamiliar room. Sa tulong ng liwanag mula sa malaking bintana, nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang kabuuan ng kwarto.
Its interior screams richness. From the curtains, the chandelier, down to the carpets, when meets the treaded lights that penetrates from the window, is sparkling.
With my disoriented self, I managed to sit on the bed. Pansin ko rin na kahit ang kama na hinihigaan ko ay napakalaki. Pwede siguro akong magtumbling dito.
Pinilit kong tumayo kahit pa sobrang sakit ng katawan ko. And to my horror, I'm wearing a silk pair of sleepwear!
Sleeveless pa yung upper! Kaya pala ang lamig lamig.
I ransacked my brain trying to remember what really happened but, bloody cocoon! Wala talaga akong maalala.
Panicking, I tried looking for the light's switch. I sigh with relief when light illuminates the room.
I was right, the room is really beautiful. Pero hindi pa rin nasasagot ang katanungan ko kung papaano ako napunta dito. Is this some kind of a dream?
I walk back and forth with my both hands gripping my head. Maliban sa dalawang flower vase na nasa magkabilang dulo ng malaking bintana that is made of glass, wala ng ibang palamuti ang naroon
Medyo nakatabing ang kurtina, kaya nagkaroon ng liwanag ang silid kahit nakapatay ang ilaw. There is this huge flat screen television that is perfectly hang on the corner, facing the bed.
May bedside table din kung saan nakapatong ang dalawang remote at isang led lampshade.
Nakikita ko rin ang reflection ko sa malaking salamin sa gilid.
Indeed, I'm wearing a pair of peach sleepwear. A very thin strap is what only helps the clothes hang on my shoulder blades. And for the love of God! Why its V neck! Emphasizing my two mountains with my peaks slightly protruding.
Mabuti na lang desenti naman ang kapares nito. Lagpas na kaunti sa tuhod. Hinati ko na lamang sa dalawa ang maalon-alon kong buhok, na hanggang baywang ang haba, at ipinatong sa dibdib ko. Anong klasing damit ba kasi to?
Gayun na lang ang tuwa ko ng may nahagip ang mata ko sa may ibabaw ng kama.
A silk peach longsleeves!
Dali-dali ko itong dinampot, isusuot ko na sana ito nang mahagip ng mata ko ang wallclock na nakasabit sa dingding malapit sa may pinto.
12:50 A.M?!
At parang magic na tuloy-tuloy sa pagdagsa ng mga ala-ala ko. Si nanay na nilagnat, kaya ako ang pumalit sa trabaho niya sa mansyon ng mga Amorrellaùo. Ang party, ang garden, si manang Aning, ang ginang na nag-utos ng strawberry wine, na naubusan kaya kumuha ako sa may bar counter, na hindi ko magawang abutin dahil bigla akong nahilo. Tapos, tapos...
![](https://img.wattpad.com/cover/230783753-288-k144435.jpg)