January 5

14 3 0
                                    

***

"Table 8 Jary, ito na ang orders." Kuha ni Ate Violy sa attention ko. Nasa counter siya naka-assign ngayon. Abala kasi ako sa pagsusulat ng orders ng costumers sa may resibo na siyang ibibigay at ipapasok sa loob.

Sampu kami ngayong waitress and waiter na nakaduty. Halos lahat ng table ay occupied. Dinner hour kasi kaya maraming costumers.

Nasanay na rin ang paa ko kakatayo unlike dati na halos sumuko ako sa sobrang ngalay at sakit.

Kumuha na ako ng tray pagkatapos kong icheck kung tama ba ang order na lumabas. At ng masiguro kong okay na saka ko ito inarrange sa food tray. Nakangiting inilapag ko ang mga pagkain sa table 8, pagkatapos ay swabe na tumalikod.

Tumayo ako sa gilid kasama ng mga waiters and waitresses. Waiting for our costumer's orders to come out from the kitchen.

May mga receptionist naman na umaalalay sa mga queries and such ng mga costumers. Kaya steady lang kami sa tabi. Maliban na lang kung may mali sa mga orders kung saan kami ang nagse-serve, that's the time that we need to attend the costumers.

So far, wala pa namang pumalpak sa amin tonight.

I glanced at my old wristwatch. Its past nine. 7PM to 11PM ang duty ko. I still have an hour and a half para makauwi na.

Napapunas ako ng pawis sa aking leeg gamit ang panyo ko. Muntik pang masali dito ang ilang tigwa-one hundred na tips ko galing sa mga costumers ko kanina.

Pasimple ko itong binalik sa bulsa ko. Mahirap na, dragon pa naman ang manager na naka-duty ngayon.

Napatuwid ako ng tayo ng makita ang kapapasok palang na mga costumers. Narinig ko pa ang impit na tili ng mga kasamahan kong waitress.

Halos umabot hanggang Mindanao ang ngiti ni Trina habang iginigiya ang mga ito papunta sa reserve VIP table. Kita ko pa mula rito ang pamumula ng pisngi niya habang kinakausap siya ng isa mga ito. Hindi tuloy siya magkakanda-ugaga sa pag-aabot ng menu sa mga ito.

Namukhaan ko ang naka-eyesglass na isa sa mga ito. Siya yung lalaking kausap ni sir Philo sa kwarto sa mansion kagabi. At base sa puting coat na nakasabit sa kaliwang braso nito, alam ko na agad kong ano siya. A doctor!

Familiar din ang tatlong lalaking kasama nito. Pero isa lang ang masasabi ko. They scream elegance and power.

Buti nalang wala si...damn!

Speaking of! Tuloy tuloy na pumasok si sir Philo papunta sa kinaroroonan ng mga ng mga ito.

At base sa biruan at tawanan na naririnig namin mula dito ay sure akong magkakaibigan silang lima.

Pasimple akong yumuko ng magtama ang tingin namin ng lalaking nakasalamin. Recognition is written on his face.

Bago pa man ako maituro nito kay sir Philo ay walang kasimbilis na nagsumiksik ako sa mga nakahilerang waiter na kasamahan.

Napapantaatikuhan napatingin ang mga ito sa akin. Lalo na si Lemuel na naparalisa na yata sa biglaan kong pagtabi sa kanila. Pansin ko lang, palagi yata siyang nago-overtime?

Patay malisya akong hilaw na ngumiti sa mga nagtatanong nilang mata. Ako man ay hindi ko alam kong bakit ako nagtatago.

Dahil siguro sa sobrang kaba ay hindi na matino ang galaw ko. Bigla akong nawala sa lohikal na pag-iisip.

Dinaig ko pa ang poste sa sobrang tuwid ng pagkakatayo ko. Iniiwasan kong mapatingin sa gawi nila sir Philo. Hindi ko talaga alam pero sobrang kinakabahan ako.

Isa sa mga waiter ang lumapit sa kanila para
kuhanin ang kanilang orders. Gustuhin ko mang manatiling tuod sa gilid ay wala na akong magawa ng lumabas na yung order ko.

January Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon