***
Hindi ko lubos maisip kong paano kami naging malapit ni Lien, yung pinsan ni Philo.
I don't know about her, pero palagi niya akong sinasamahan kapag wala akong ginagawa. Tumatambay rin siya sa resto na pinagtatrabahuhan ko just to wait for me to finish my shift. Aniya ay bored daw siya and she likes my company daw, which I found amusing.
She invites and brought me to shopping with her. Masaya siya kasama, halata mong mayaman dahil spoiled sa mga bagay-bagay.
She also told me that she's just vacationing here in the country, for two months. Wala daw siyang ibang friends maliban sa mga kaibigan ng pinsan niya na hindi naman daw siya maacompany dahil may mga kanya-kanya ng trabaho kaya sa akin siya nangungulit.
Minsan nga nagugulat nalang ako nakaabang na siya sa labas ng university. Close na close na rin siya sa kapatid ko, even my younger brother is obvious of being fond of her. She also calls Nanay her nanay.
Madalas siyang naglalagi sa bahay. Hindi ko na rin nakita pa muli ang pinsan niya. May kung anong inaasikaso daw abroad. Family business daw.
But just with his cousin's updates about his whereabouts, feeling ko tuloy kasama ko ito araw-araw. Lein never failed to tell me about her cousin's happening. Na hindi ko lubos maintindihan kong bakit kailangan ko pang malaman.
Katulad nalang ngayon, its Saturday, at birthday ni Wednesday. Naisipan naming Mag-barberque at ice cream bilang kaunting pasasalamat. Sinadya namin pareho ni Nanay na lumiban muna sa trabaho para icelebrate ang kaarawan ni Wednesday. But Nanay wanted to at least celebrate kahit daw konyi lang. Ayaw pumayag sa BBQ lang.
Kaya naghanda nalang kami as per her request.
We turned the small garden house, na siyang katapat lang ng bahay, into something comfy. May mesa na naman doon at mga upuan dahil dito lang kami madalas tumatamabay kapag nagpa-family bonding kami. Nilagyan lang namin ng table clothe, ay mukha ng espesyal ang lugar. The flowers themselves made the surroundings magical and homey.
Papalubog na ang araw ng simulan na ni Eight ang pagba-barbeque. Habang si Nanay at Wednesday ay namimili na ng kakantahin doon sa songbook. Tapos na naming iset-up ang table. Kanina pa nakaready ang pancit bihon, adobong manok at bulalo na si nanay mismo ang nagluto. May spaghetti na ako naman ang nagluto at lechon manok na binili ko sa bayan kanina. Nagpasadya rin ako ng strawberry cake na parehas naming paborito lahat. Ang tatlong gallon ng ice cream ay nandoon pa sa cooler na nilagyan lang namin ng maraming ice kasama ng dalawang coke at dalawang sprite dahil wala naman kaming ref.
Nangalahati na sa pag-BBQ si Eight ng may pumaradang pamilyar na pamilyar na sasakyan sa harap na bahay. Dahil nagdagdag kami ng ilaw sa labas at sa tulong ng malaking lamp post sa kabilang kalsada ay kita agad namin ang paglabas ni Lien sa shotgun seat ng sasakyan. Ang boses kaagad nito ang umalingaw-ngaw sa pagilid. May hawak itong kulay red na paper bag.
Sila Nanay na busy sana at magsisimula ng kumanta ay napahinto sa hindi inaasahang bisita na dumating.
I facepalmed remembering my last conversation with Lien, nabanggit ko nga sa kanya na birthday ni Wednesday ngayon. I didn't take seriously ng sabihin niyang pupunta siya.
Niyakap agad nito si Nanay at nagmano. Pagakatapos binalingan nito si Wednesday at niyakap din bago inabot ang regalo dito. Tuwang tuwa sila habang nag-uusap.
Napabaling ang tingin ko sa sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay. Bahagyang napakunot ang noo ko habang pinapagpag ang mga kamay sa mga hita.
Sa ilang weeks na magkasama kami ni Lien, I always saw her with her driver Nong Andres. At palaging ang black SUV ang gamit nito. I never saw Lien riding other car, much more Philo's Bugatti.
