( 5 ) That one night

4 1 0
                                    

Therese POV:

Ewan ko ba sa buhay ko at sobrang clingy ko na naman kay Liam.

"I love you baby"

Yan yung mga binitawan ko sa kanya. Andito na pala kami kila Miguel.

Nakangiti lang ako sa kanya kasi mukha na naman siyang tanga. Nagulat yata sa sinabi ko.

Hinalikan ko siya sa labi atsaka lumabas ng sasakyan. Naiwan siya sa loob ng nakatanga. Grabe ang lakas ng epekto ko sa kanya.

Iba talaga. Love talaga ako nun.

Naglalakad ako ng may humigit sa bewang ko.

"Baby, we'll talk about that later. Huwag kang aalis sa tabi ko, madaming tao dito." Sabi sa akin ni Liam kaya tumango lang ako sa kaniya. Hindi pa din nawawala yung ngiti sa labi niya.

Dumiretso na kami sa likod ng bahay nila Miguel. Konti lang naman ang tao kumpara sa birthday ni Aesthria. Miguel is such a private guy so konti lang ang friends nito.

Nagpaparty party na sila doon and then we saw my cousins at the pool. Kumaway naman ako sa kanila.

"Yow! Therese! Buti naman at dumating ka na! Where is Althea and Alessandra?" tanong sa akin ni Van. Nakaakbay pa ito kay Maureen, yung nililigawan niya for almost a year ngayon.

"Pasunod na sila, umuwi kasi sila daddy and mommy so sila na ang maghahatid kila Althea at Sandra"

"Happy Birthday Miguel!" Bati sa kanya ni Liam sabay nakipag-apir pa dito.

Tumango lang naman si Miguel at nagabot ng drinks kay Liam. Sumenyas sa akin si Liam na pupunta lang muna siya sa pwesto nila Miguel.

"Vianca! Late ka na naman!"

"Come on, Therese! What's new?" sabi ni Hera sa akin.

"Therese! Kwentuhan mo naman ako ng nangyayari sa buhay mo! Its been years! How are you?" tanong sa akin ni Vianca sabay abot ng drinks. I drink occasionally kasi mabilis akong malasing.

"Same old, same old. I'm happy right now. You know what? I'm planning to say yes to Liam on Christmas Day" kwento ko kay Vianca.

Pumalakpak naman siya at nakipagcheers pa sa akin.

"Go girl! Support ka namin diyan. Ilang years na yang nanliligaw sayo so its time na siguro." Ngiting sabi nito sa akin.

"Ate Faith! May sasabihin ako!" lumingon kami sa pinanggalingan ng boses which is si Aesthria. She's wearing a red dress that fits her body. She's beautiful. Napansin ko namang nakasunod sa kanya si Enzo. He is staring at Aesthria like she's the best girl he has ever seen. I know Enzo loves Aesthria pero hindi pa din kasi ready si Aesthria makipagrelasyon so naghihintay lang talaga si Enzo.

"Therese, talk to you later! At mukhang madami na naman chika si Aesthria!" Bulong nito sa akin sabay pumunta kay Aesthria.

Tumabi naman sa akin si Enzo at nagabot ng dessert. Ako lang kasi ang may alam na gusto ni Enzo si Aesthria. Sinabi niya sa akin last year kaya magaan loob niya sa akin.

"She's beautiful, diba Enzo?" Tanong ko sa kanya kaya naman napalingon siya sa akin.

"Sino si Lance sa buhay niya ate?" balik na tanong nito sa akin.

"Lance? Sinong Lance?" tanong ko dito.

"Nakakausap daw ni Aesthria this days, kwento niya sa akin. I tried asking her pero hindi niya lang sinagot." tumingin lang siya sa akin at uminom.

A Scar That Evokes A Painful PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon