Epilogue

6 1 3
                                    

Therese POV:

Magkasama kami ngayon ni Christian papuntang canteen. Ilang buwan na din ang nakalipas noong nangyari ang pakikipaglaban namin sa Williams.

"Looove! Grabe magfo-4th year na tayo tapos magiging nurse na tayong dalawa!" masaya sabi nito tapos inakbayan niya ako

"Tapos pakakasalan mo na ako" paalala ko sa kanya

Tumingin naman siya sa akin at tumawa

"Ang atat mo naman, Love. Di naman ako aalis eh" sabi niya lang sa akin.

Nakasalubong naman namin si Liam at Shiela na nagkekwentuhan.

"Liam! Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila

"Nagkekwentuhan kung san kami magtatrabaho. Baka sa hospital ng mga Gonza kami. Kayo ba?" tanong sa akin ni Liam.

"Sa hospital kami ng mga Williams" sabi ko naman sa kanya.

Nagsenyasan lang kaming mauuna na.
Nagsalita naman si Liam bago kami umalis.

"Chris! Thankyou! Thankyou for making her happy" sabi ni Liam sabay kaway sa amin ni Christian

"Oo naman. Stay strong sa inyo ni Shiela" sabi lang nito at hinila ako paalis.

Nakatingin lang ako sa kanya at nakangiti.

Sana laging ganito. Masaya kami.

Napagdesisyunan naming magkitang magpipinsan sa canteen kaya naman ng makarating kami doon ay andun na sila lahat pwera kay Vianca at Timothy.

"Therese! Halina kayo dito! Madaming pagkain" sabi sa amin ni Van habang kumakain siya ng pizza

"Oh late na naman si Vianca! Lagi na lang" sabi ko sa kanila kaya naman tumawa lang sila.

Nakaupo na kami lahat at pinagmamasdan ako ang bawat isa.

Napatingin naman ako kila Heleina at Ace na nagaasaran.

"Hon! Sabi ko sayo COKE! Kailan pa naging SPRITE ang COKE? Ha! Sabihin mo sa akin?" sabi ni Heleina sa kanya at inirapan ito

Niyakap lang ni Ace si Heleina at sinisiksik ang sarili niya.

"Sorry na..naubusan kasi.." bulong nito

"Wag mo kong pinagloloko ha! Lahat sila nakacoke tapos tayong dalawa lang yung sprite! Sabihin mo mas gusto mo lang talaga yang sprite!" sigaw ni Heleina sa kanya

"Hehe..sorry hon. Bibili na lang kita ng pagkain mamaya" sabi nito at ininom ang sprite niya.

Tumango na lang si Heleina at ngumiti.

Basta talaga pagkain.

"Hoy! YAM naman! Akin yan eh" sigaw ni Shawn kay Althea.

"Wala na, nakain ko na. Kunin mo sa tiyan ko" sabi naman nito

Sumimangot lang si Shawn kaya hinalikan siya sa pisngi ni Althea. Naging sila na pagkatapos ng laban. Masaya naman sila ngayon at ang cute nila tignan.

"Asawa ko, turuan mo naman ako sa assignment mamayaaa" pagpapacute ni Alessandra kay Enrique.

"Ang sabihin mo mangongopya ka lang! Hindi ka na naman gumawa. Hindi porket mahal kita gaganyan ka na, Alessandra!" sabi ni Enrique sa kanya

"Sorry na po, tinapos ko kasi yung ibang requirements natin kagabi kaya nakalimutan kong may assingment pala. Sorrryyy" pagpapacute na naman niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Scar That Evokes A Painful PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon