Hello! This is the final chapter! Thankyou for supporting A Scar That Evokes A Painful Past! Thankyou very much!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Therese POV:
Bumukas ang pintuan ng Mansion at napalingon kami lahat doon. Wala munang nagpakita at hinihintay namin kung sinong papasok.
Nakita naming dahan dahan naglalakad ang mga assassins ng mga Williams. Nang nasa gitna na sila ng sala ay nahuli sila lahat ng patibong na ginawa ni Aaron. Nakasabit na sila sa itaas at nawalan lahat ng malay.
Nakita naming sumunod ang mga reapers ng mga Sanders. 10 lang sila kaya kayang kaya namin.
Kasunod naman nito ang mga ibang guards ng mga Williams. Sumilip ako sa bintana nang makita kong maraming guard ang nasa labas. Estimated ko ay 500 lang ang mga ito.
Akala kasi nila ay hindi namin sila napaghandaan.
Nagpasabog na ng bomba si Vianca at tuluyan na kaming nakipaglaban.
Nagulat naman ang mga kalaban kung bakit nandoon na kami.
Hinawakan ko sa leeg ang isang babae at pinilipit ito. Nawalan siya ng malay at kinuha ko lahat ng armas niya.
Ganun din ang ginawa ng mga pinsan ko. Pumasok sa loob ang mga guards pero napigilan sila ng mga guards namin. Nakipaglaban ang mga ito sa kanila.
"Therese! Halika na sa taas! Andoon ang mga bala!" sigaw sa akin ni Timothy na katabi ko ngayon.
Hindi ko na alam kung nasa saan ng iba pero sana naman ay okay sila.
Nakita namin si Althea at Enrique na magkasama at nagkakasa ng mga baril.
"Andiyan na sila" sabi ni Enrique
Kaya naman pumwesto kami at nagsimulang magpaputok.
Dumadami ang kalaban namin at parang hindi sila nababawasan.
Naghagis ako ng dalawang knife sa dalawang lalaki. Napahiga naman agad ang mga ito at pinagtatadyak ko. Binawi ko naman ang mga kutsilyo.
Umakyat ako sa taas para makita ang nangyayari sa ibaba.
Nakita ko si Christian na nakikipagsapakan sa maskuladong lalaki. Nang may maghahagis sana ng kutsilyo sa direksyon niya ay binaril ko ang kutsilyo.
Tumalon ako at pinagsasampal ang babae. Binaril ko naman sa likod ang lalaking sumapak kay Chris.
"Thanks, Love" sabi nito sabay hila sa akin papuntang kusina.
Naabutan namin si Vianca doon na nagkakasa ng mga baril. Tinignan namin siya at wala naman siyang tama.
"Vianca, nasaan ang iba?" tanong ko dito
"Therese..hindi ko alam pero may sasabihin ako" sabi nito sa akin
"Ano yon?" tanong ko sa kanya
May kinuha siya sa bulsa niya at binigay iyon sa akin.
"Yan ang spare key, sigurado akong hinahanap nila yan. Ingatan mo yan kasi yan na lang ang pagasa natin" sagot nito.
Nasa safe place kasi ang treasure box at ang dalawang singsing na nahanap sa kawatan namin. Binabantayan iyon ni Troy, Trish, Natalia, Jacob, Liam at Shiela.
Hindi ko alam kung bakit nagtiwala ulit kami sa kanila pero wala na kaming choice.
"Andiyan na sila" sabi ni Christian sa akin sabay yuko.
BINABASA MO ANG
A Scar That Evokes A Painful Past
Teen FictionTherese Hailey Bueneventura. Nursing student. Mayaman. Matalino. Maganda. Mabait. Liam Harris Vertudez. Manliligaw ni Therese for 2 years. Gwapo. Mayaman. Nursing student. Christian Fifth Reyes. Kababata ni Therese. Gwapo. Mayaman. Therese and...