Therese POV:
Nagising ako at ang sakit ng ulo ko. Nakita kong nakahiga si Christian sa kabilang higaan malapit sa akin.
Doon lang nagsink in sa akin lahat ng nangyari.
"Christian.." mahinang sabi ko dito
Unti unti siyang gumigising at tumingin sa akin. Napahawak siya sa tiyan niya at nakitang may tahi na ito.
"Hailey.. okay ka na ba?" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako dito at ngumiti.
Pumasok naman ang nurse at kasunod nito si Alessandra at Althea.
"Shit! Thank God gising na kayong dalawa!" Sabi ni Alessandra sa amin
"Ilang araw ba kaming tulog?" Tanong ko
"3 days na. Mukhang nahirapan sila tanggalin ang box sa katawan ni Kuya. Tapos may nahanap sila sa katawan mo ate" sagot ni Alessandra
"Ano naman?" tanong ko
"Dalawang singsing, hindi namin alam kung para saan iyon" sagot naman ni Althea
"Mabuti at magpahinga muna kayo. Nalaman namin sa source na nagpaplanong sugudin tayo ng mga Williams. Nanghingi sila ng tulong sa pamilya ng mga Sanders" wika ng boses sa likod.
Si Chairwoman Racca.
"Sanders? Kasali din sila sa Trinity 10 diba?" tanong ko
"Oo, Rank 7 sila. Don't worry. We got help from the Anderson, ang Rank 3 sa Trinity 10" sagot ni Chairwoman
"Bakit? Nasaan ang mga Evans? Hindi ba sila tutulong?" tanong ko ulit
"They are rank 2 pero you know their family, Therese. They are very very private" sagot lang nito
Kumain kami ng tanghalian at nagsipasok na lahat ng mga pinsan ko.
"Uuwi na kayong dalawa bukas. Hindi tayo pwedeng manatili dito sapagkat madaming buhay ang mawawala kapag sumugot ang mga Williams. Idadamay din nila pati ang mga inosente" wika ni Chairman sa amin.
"Nandiyan na ang Anderson sa ibaba, Chairman" sabi ni Miguel sa kanya
Tumango lang ito at lumabas. Sinamahan naman siya ni Miguel at Van.
"Jones have the perfect weapons to end this war. Pero hindi pwedeng malaman ng mga Sanders at Williams na kakampi natin ang mga Anderson kundi ay magkakampihan na ang lahat." wika ni Chairwoman sa amin.
Pumasok na ang Chairman ng mga Anderson at kasama nito ang 10 reapers nito. Mukhang kaedaran lang namin sila. Kumaway naman sa amin si Shawn.
"What?! Your also a reaper, Shawn?!" nagulat na tanong ni Alessandra
"Yes, ate. Alam naman nila lahat, bakit ikaw lang ang hindi?" nagtatakang tanong nito
"HAHAHA nagpapadilig pa siya that time nung sinabi mo sa amin" sabi ni Miguel kaya natawa ang lahat.
Tumabi naman si Shawn kay Althea pero hindi siya pinapansin nito. Parang may lovers quarrel pa kahit hindi pa naman sila magjowa.
"Magpahinga na kayo at magkikita tayo bukas sa Mansion." Sabi ni Chairman atsaka umalis kasama ang mga Anderson at nagpaiwan lang si Shawn.
Kinabukasan ay nagtipon tipon kami sa sala kasama ang mga Anderson. Full force na talaga kami dito.
Hindi ko ineexpect pero 500 katao ang sinama ni Chairman Anderson para makipaglaban. Kung kaya't 500 din ang hinanda ni Chairman Racca sa mga tauhan namin.
BINABASA MO ANG
A Scar That Evokes A Painful Past
Novela JuvenilTherese Hailey Bueneventura. Nursing student. Mayaman. Matalino. Maganda. Mabait. Liam Harris Vertudez. Manliligaw ni Therese for 2 years. Gwapo. Mayaman. Nursing student. Christian Fifth Reyes. Kababata ni Therese. Gwapo. Mayaman. Therese and...