( 19 ) Protect yourself

2 1 0
                                    

Therese POV:

"Tara na, Love. Antok na ako" sabi lang ni Christian sa tabi ko.

Tinignan ko siya at hinalikan. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero humalik din siya pabalik.

Bumitaw ako sa halik at yumakap sa kaniya.

"Wag mo kong iiwan ha, I love you" sabi ko sa kaniya.

Niyakap niya lang ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

Pumasok na kami sa loob ng magkahawak kamay.

Nakarating kami sa loob ng kwarto atsaka humiga. Lumapit siya sa akin at hinigit ako sa bisig niya.

Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko at hinalikan iyon.

"I feel horny, stop doing that" sabi ko sa kaniya.

Tumawa lang siya at hinalikan ako sa noo.

"Oo na, napagod ka ngayon kaya let's sleep na." sagot lang nito atsaka sumiksik ulit sa leeg ko.

Ang swerte ko kay Christian. Sobra.

Nagising ako ng may dumidila sa leeg ko. Dun ko narealize kung sinong gumagawa sa akin non.

Tangina si Christian na naman.

"Ano ba! Para kang tanga! Ang aga aga eh" bulyaw ko dito.

"Goodmorning din, Love" sabi nito atsaka sumiksik sa leeg ko.

May kumakatok sa pintuan kaya naman napabangon ako.

Tangina laway laway pa leeg ko. Parang tanga.

Binuksan ko ang pintuan at nandun na si Van at Miguel.

Nakangisi lang silang dalawa sa akin at parang nanloloko ang ngiti.

"Ano na namang kailangan niyo ha? Ang aga aga!" sigaw ko lang sa kanila.

"Tara na daw sa baba, kumain na tayo. Kayo na lang ang wala. Mukhang napagod kayo kagabi" tukso sa amin ni Van.

Binatukan ko lang siya at tumawa.

"Hindi kami katulad niyo noh. Natulog lang talaga kami!" sagot ko sa kanila.

"Ahh kaya pala may kissmark diyan" sabi ni Miguel at tinuro ang leeg ko.

Bwisit! Humanda sa akin si Christian!

Sinaraduhan ko ng pintuan si Van at Miguel. Tumatawa pa silang dalawa sa labas.

Hinanap ng paningin ko si Christian at nagulat ako ng may pumulupot sa bewang ko.

"Bakit mo naman nilagyan ng kiss mark yung leeg ko, Chris. Alam mo namang mapapansin yon agad ng mga tao dito" reklamo ko sa kaniya.

"Hahahaha. Para alam nilang akin ka" sagot lang niya.

"Alam naman na nila eh! Bwisit ka talaga!" Sabi ko dito atsaka hinila siya palabas.

Nakarating na kami sa hapag-kainan at nakita naming andun na ang lahat.

"Ang tagal niyong bumaba, ate" reklamo ni Althea sa amin.

Inirapan ko lang siya at umupo.

"Umalis na si Natalia at Franz kagabi." bulong sa akin ni Heleina.

"Ha? Bakit daw?" tanong ko sa kaniya.

"Family matters yung kay Natalia tapos yung kay Franz talaga nagwalk out siya. Mukhang nakapili na kasi si Alessandra" sabi lang nito at tinuro si Alessandra na sinusubuan si Enrique.

A Scar That Evokes A Painful PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon