( 23 ) Welcome to the family

2 2 0
                                    

Christian's POV:

Nakatingin lang ako kay Hailey habang umiinom ng milktea.

Mas masarap pa din talaga ang frappe. Haha

Nakikita kong may bumabagabag sa isip niya. Bakit kaya? Hindi kaya masarap yung milktea niya?

Inabot ko yung milktea niya at ininom yon. Tumingin lang siya sa akin na parang nagtataka pa.

Nagulat ako ng tumayo siya at hinalikan ako sa labi.

"Hoy! Bat ka nanghahalik diyan? Magnanakaw ka talaga ng halik!" sabi ko sa kanya.

Tumatawa lang siya at uminom ulit.

"Indirect kiss kasi yong ginawa mo kaya ang ginawa ko naman direct kiss na talaga. Atsaka inaakit ako ng labi mo eh" sabi niya sa akin sabay ngisi.

"Hoy! Ang kapal mo! Kissable lang talaga ang lips ko!" sabi ko sa kanya sabay tawa.

"Pakiss pa garod! Isa pa!" sabi nito.

"Aba! Sumosobra ka na! Mamaya ka sa akin! Hindi lang kiss ang gagawin ko sayo!" Sabi ko sa kanya sabay tawa.

Haha. Humanda ka babae! Gagapangin kita mamayang gabi.

Nagkekwentuhan lang kami ng may tumawag sa telepono ko. Lumabas muna ako at sinagot iyon. Hindi naman nakaregister sa phone ko pero sinagot ko na lang.

"Are you ready?" Boses ng lalaki

"Ready get set go? Gago! Wrong number ka!" Sigaw ko dito. Papatayin ko na sana ang tawag ng nagsalita ito.

"I can see you, Christian"

"Paano mo ko nakilala? Stalker ka noh!" seryosong sabi ko dito

"I know you recognize my voice, Reyes." Sabi nito.

"SHET! SIRI?!" sigaw ko sa kanya




"I am your father"

Dahil sa sinabi niya na iyon ay napatahimik ako.

"Meet me at the cafe that we own. See you there at 7"

Sabi nito at pinatay ang tawag.

Si Dad. 5 years ago ko pa siya last na nakita.

Bakit pa siya bumalik? Okay na ako.

Okay na kami ni Mama. Kasama ngayon ni Mama si Celestine sa America.

Bakit kailangang bumalik ni Daddy?

Pumasok na ako sa milktea shop at nagkwentuhan ulit kami ni Therese. Ayokong ipahalata sa kanya ang nangyari. Dadagdag na naman sa iniisip niya yon.

"Love, umuwi dito si Celestine. Magmimeet kami mamaya. Mauna ka na sa Mansion" pagsisinungaling ko sa kanya.

"Kailan pa umuwi si Celestine?" pagtatakang tanong niya

"Hindi ko din alam. Tumawag lang siya sa akin at sinabing matagal na siya dito kasama yung yaya niya at magkita na daw kami kasi miss na daw niya ako" pagsisinungaling ko dito. Wala naman talagang yaya si Celestine. Nerd yon kaya mas uunahin niya pa ang libro.

"Okay, magkikita din kami ni Althea mamaya. Ingat ka." Sabi lang nito.

Nasa biyahe na ako papunta sa cafe at kinakabahan talaga ako. After 5 years andito na naman si Dad. Tangina. Ang kapal ng mukha niyang magpakita ulit pagkatapos niya kaming iwanan.

Umupo na ako sa nireserve ni Daddy. Nasa private room kami.

"Anak. How are you?" Boses sa likod ko. Lumingon ako at si Daddy iyon.

"Anong kailangan mo?" Matapang na sagot ko sa kanya.

"I can't find your sister and mother. I only found you. Namimiss ko na kayo" malungkot na sabi nito

"Gago ka ba?! All these years, where are you?! Kailangan ka namin noon Dad! Nagmakaawa kaming magstay ka pero anong ginawa mo?! Umalis ka para sa negosyo!" sigaw ko sa kanya at hawak ko na ang kamao ko.

"You know I don't have any choice! Kailangan ako ng tatay ko! Your Lolo is dying! Ako na lang ang tanging anak niya na nandiyaan! He needs me" malungkot na tugon nito

"We also need you. Sabi naman sayo sasama na lang kami pero ayaw mo! Bakit ba kasi ayaw mong ipakilala sa amin yang si Lolo! Even Mom don't want to talk about your family!" sigaw ko sa kanya kaya naman napaiwas lang siya ng tingin.

"Forgive me, Son. I promise babawi ako. May pinapatayo kaming bagong Hotel na ipapangalan namin sayo. We can start a new, Christian" sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Tinabig ko naman iyon at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi ko kailangan ang pera mo! Marami ako niyan! Ang kailangan ko ikaw! Ang kailangan ko Tatay! Limang taon, Dad! Ang hirap. Ang hirap hirap." Naiiyak na sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at niyakap akong mahigpit.

"I will introduce you to your grandfather. Come with me. Let's go home, son" sabi nito sa akin.

"Ngayon na, dad?"

"Yes. May mga gamit ka naman na doon sa sarili mong kwarto. I just need you to come with me." sabi niya sa akin.

Tumango lang ako at sumama na sa kanya. Tinextan ko si Therese na hindi muna ako uuwi at magistay muna ako sa condo nila Celestine. Tinawagan ko pa siya para hindi siya magalala at pumayag naman ito.

Nakarating kami sa napakalaking bahay. Kasinglaki ng Mansion ng mga Racca.

Bumaba na kami sa sasakyan at binati kami ng lahat ng mga tauhan nila.

Pinaupo ako ni Dad sa main living room. Nagmasid masid ako sa paligid at mas maganda pa nga ang mga gamit dito kaysa sa Mansion ng mga Racca.

Naglibot libot ako at nakita ko ang mga pictures sa gilid. Picture nung bata pa si Dad kasama ang buong pamilya nito. Hindi ko pa kasi nakikita ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Dad. Dalawa silang magkapatid pero namatay daw yung nakababata niyang kapatid dahil nagsuicide ito.

Ang saya saya pa ng itsura ni Dad dito samantalang ngayon parang pinagsakluban na siya ng langit at lupa.

Magaganda ang mga gamit dito at halatang mayaman ang may-ari. Ibigsabihin kasing yaman lang din kami ng mga Racca? Pero imposible yon. Sila yata ang pinakamayaman sa balat ng lupa.

Buti na lang at walang matapobre sa kanila at hindi sila maaarte. Ang swerte ko talaga kay Therese.

Nakapagdecide na kong tapusin ang house tour kaya umupo na ulit ako sa sofa. Kinapa ko ang bulsa ko dahil nagvibrate ang cellphone ko. Nakita kong may tumatawag.

Tumatawag sa akin si.. Aesthria?!

Close na ba kami? Parang ayaw nga niya sa akin

"Hello Aesthria! Napatawag ka?"

"Hi kuya! Nasaan ka ngayon?"

"Andito sa condo ng kapatid ko, why?"

"You're such a liar" sarcastic na pagkasabi nito

"A..anong ibigmong sabihin?" sabi ko dito at nauutal pa ako.

"Bakit ka nandiyan?" tanong lang nito.

"Saan?" maang maangan na tanong ko sa kanya.






"You are in the Williams Mansion" sagot nito.


Ano?! Sa mga Williams ito?! Reyes ang apelyido ko!



Napalingon ako ng may marinig akong yabag ng sapatos. Si Dad kasama si Lolo.

Yumakap sa akin agad si Lolo at nagsalita..






















"Welcome to the family, Christian Fifth Reyes Williams"

A Scar That Evokes A Painful PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon