Therese POV:
Traitor for love.
Are we really the same?
Nakahiga kami ngayon ni Christian. Tulog pa siya ngayon at pinagmamasdan ko lang siya.
One week has passed since my last conversation with Natalia.
Nilalaro ko ngayon ang dibdib ni Christian. Wala akong magawa eh. Inikot ikot ko ang palad ko doon.
Hinahalikan ko din ang mga labi niya ng paulit ulit para magising na siya.
Nagulat naman ako ng humalik din siya pabalik sa akin.
"Goodmorning Love, papasok na ba tayo ngayon?" Naantok pa na tanong niya.
"Yes, Mahal. Kaya tumayo ka na diyan at maligo ka na." sagot ko dito sabay tayo ko.
Nauna na akong naligo at nagbihis. Sumunod na din siyang maligo sa akin.
Bumaba na ako at naghanda ng kakainin namin ni Christian for breakfast.
Nandoon din si Hera at Vincent na naglalaro na naman ng ML habang kumakain ng umagahan.
"Hoy Vincent naman! Parang tanga wag kang pabuhat gago!" sabi ni Hera dito.
"Patayin mo na yung kalaban! Kahina mo!" sigaw lang sa kaniya ni Vincent.
Narinig kong may tumawa sa likod ko at napansin kong si Aesthria yon kasama si Althea.
Mukhang ok na si Aesthria. Naging tahimik kasi siya nitong nakaraan dahil kay Natalia.
"Are you okay now, Aesthria?" tanong ko sa kanya
"I'm always okay" tipid na sagot nito at kumuha ng tinapay.
Nagulat ako ng binatukan ako ni Althea.
"Gago ka bat ka nambabatok!" sigaw ko sa kanya.
"Bobo mo! Yung kape mo hinahalo mo eh wala namang tubig!" sigaw niya sabay tawa.
Napatingin ako sa hinahalo ko at totoo nga walang tubig.
Ang lutang ko naman masyado.
Habang kumakain kami nakita namin si Vianca at Timothy na tumatakbo palabas. Mukhang nagmamadali sila pareho. Engineering student kasi kaya maaga daw protocol nila ngayon.
Nakita ko namang bumaba na si Christian.
Wow ang gwapo naman nitong lalaking ito.
Ang sarap.
Ngumiti naman ito sa akin at nginitian ko din pabalik. Binigyan ko siya ng pagkain at nagsimula na siyang sumubo.
Habang nagaayos ako ng hapag, may nagtext sa akin.
Nang buksan ko ang cellphone ko, message ni Liam ang bumungad sa akin.
Liam: May nagtanong sa akin kanina kung close daw ba tayo. Sinabi ko na medyo pero hindi na tayo masyadong naguusap tapos umalis din naman agad. Sino ba yon?
Ganun ang text sa akin ni Liam. Wala man lang pagkaHello. Same old Liam.
Nabother naman ako sa nagtanong sa kaniya kaya naman nagtext lang ako na magkita kami sa school at isama niya si Shiela.
"Mahal, nagtext sa akin si Liam" sabi ko tapos napatingin lang siya sa akin at tumigil sa pagsubo.
"Anong sabi?" tanong niya.
"May kumausap daw sa kanya at tinatanong kung close daw ba kami. Iniisip ko na baka gamitin nila si Liam laban sa akin kaya naman patutuluyin ko muna siya dito kasama si Shiela." Pagkekwento ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
A Scar That Evokes A Painful Past
Teen FictionTherese Hailey Bueneventura. Nursing student. Mayaman. Matalino. Maganda. Mabait. Liam Harris Vertudez. Manliligaw ni Therese for 2 years. Gwapo. Mayaman. Nursing student. Christian Fifth Reyes. Kababata ni Therese. Gwapo. Mayaman. Therese and...