( 10 ) Then Be It

2 1 0
                                    

Liam's POV:

Its been 2 months since I last saw Therese and Christian eating at Jollibee.

Grabe naman kasi, gusto ko lang naman magjollibee kasi bida ang saya doon! Pero bakit malungkot ako eh hindi pa naman ako pumapasok sa loob?

Kaya ang ending, diretso ako sa Mcdonals atsaka ako umorder.

"Ate, isang happy meal yung sasaya talaga ako ha, dapat bawat kain ko masaya ako!" sabi ko kay ate kaya naman natawa ito

"Mas sasaya ka kung ako ang pipiliin mo" bulong sa akin nung nasa gilid ko na babae.

Ito na naman si Shiela. Kapit-bahay ko kasi siya ngayon ng Condo. Hays kung minamalas ka nga naman.

"Paano ako sasaya eh nakita na naman kita?"

"Duh you are always happy to be with me!"

"Stop it Shiela! You are not even funny"

"Here's your order Sir, sana maging happy ka na!" sabi nung cashier kaya naman natawa si Shiela sa tabi ko.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa pinakagilid. Sabi nila mas magada daw magmove-on sa Mcdo.

* Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na

Tangina kung minamalas ka nga naman! Nagpatugtog pa nga! Aba'y ginagago talaga ako ng Mcdonalds!

* Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
At kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

AAAAAA! Ayoko na bakit kayo ganiyan ha?!

Nageemote ako ng may umupo sa harapan ko. Binigyan niya ako ng Burger Mcdo.

Si Shiela.

Nakalagay pa sa burger na, "I'm here"

Kaya naman napangiti ako sa ginawa niya.

* Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin

Sa dalawang taon kong panliligaw kay Therese, laging nangungulit sa akin si Shiela. Magkapitbahay kasi kami ng condo. Never ko pang nakitang mag kasama siyang lalaki. Ako lang naman ang kinukulit niya.

Nung gabing iyak ako ng iyak. Nung gabing iniiyakan at hinahanap ko si Therese, si Shiela yung andiyan.

She was there when I needed someone. She comforted my broken heart.

"Hoy! Tama na ang pagiinarte, Liam! Kanina ka pa nakangiti at nakatitig sa akin! Napaghahalata na kita ah, kung manliligaw ka sa akin ay wag mo ng ituloy kasi ayaw ko pang magpaligaw!"
sabi nito sabay inom ng mcfloat.

"Sira! San ka pagkatapos nito?"

"Uuwi na! Bakit magdedate tayo?"

"Hindi! Bawal ba magtanong ha?!"

"Tara na lang sa condo ko! Magmovie marathon tayo!"

"Movie marathon lang ba talaga? Baka lasingin mo ako tapos gagapangin mo ako ha! Manyakis ka babae"

Nagulat naman siya sa sinabi ko at napansin kong nagblush siya.

A Scar That Evokes A Painful PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon