Therese POV:
Nakipagkita ako kay Althea sa bahay ng mga Bueneventura pagkatapos ko siyang makitang kasama si Troy.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero ang nasa isip ko lang ngayon ay saktan si Althea kung isa itong taksil sa pamilya namin.
She is a traitor.
Yun lang ang paulit ulit na naiisip ko.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Althea papasok.
"Nasaan ka kanina pagkatapos ng school?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Nagano lang ako, milktea" sagot niya
"Magisa mo?"
"Hindi, may kasama akong kaibigan"
"Sinong kaibigan?"
"Bakit ba kailangang malaman mo pa ate? Bat mo ko pinapakialaman?" galit na tanong nito
Binato ko ang vase sa harap niya. Halatang nagulat siya sa naging reaction ko.
"Bat ka nambabato? Ang OA mo!" sigaw niya at aalis na sana.
"Bakit kasama mo si Troy?"
Napatigil siya sa pagbukas ng pintuan dahil sa sinabi ko.
"Ate..."
"Punyeta Althea! Bakit kayo magkasama?!" sigaw ko sa kanya.
Halatang natatakot na siya sa akin.
"Ate, let me explain. I had a deal with him"
"What deal?"
"He would help us defeat his family in exchange we need to help him escape." mahinahong sagot nito.
"Nagpapatawa ka ba?! You can never trust a Williams! Paano kung ikaw pala ang ginagamit nila? Tangina! Papatayin ka nila Althea! Naririnig mo ba ako?! Wag kang padalos dalos! Hindi ka nagiisip." sigaw ko sa kanya.
Naghagis siya sa akin ng picture frame at nailagan ko naman iyon.
"Atleast ako may plano! Eh ikaw? Anong ambag mo?" sabi niya sa akin kaya naman napatahimik ako.
"I'd rather die atleast I helped, not like you a coward who will just follow the orders of the Chairman" sabi nito atsaka tuluyang umalis.
Iyak lang ako ng iyak. Pinagbabato ko ang mga gamit dito sa bahay. Walang lumapit na katulong sa akin at lahat sila ay nagsipasok na lang sa kanilang kwarto.
Galit na galit ako ngayon. Sa sarili ko.
Nagvibrate ang phone ko kaya naman sinagot ko ito.
*Mozes Calling
"Nasaan ka, Ate Therese?" wika ni Mozes
"Nasa bahay namin. Bahay ng mga Bueneventura. Bakit?"
"Kasama mo ba si Christian?"
"Hindi. Kanina lang. Makikipagkita daw siya ngayon kay Celestine, his sister. Bakit ba?"
"Paano kung nagsisinungaling siya?" sarkistong tanong sa akin ni Mozes
"Why the hell would he lie to me?"
"We tracked his location. You won't believe where he was right now" seryosong sagot ni Mozes
"Then where the hell is Christian?!"
"Williams' Mansion"
Napatigil ako sa binanggit niya. Paano makakarating si Chris doon? Galit din siya sa mga Williams. Hindi naman din sila magkaano ano. Bakit?
"Fuck you! Don't use that as a joke!" sigaw ko sa telepono.
"Then I'll send you his location"
Sabi nito at pinatay ang tawag.
Sinend sa akin nito ang location na sinasabi niya. Nakita ko din na andoon nga ang sasakyan ni Christian.
But why?
Naiiyak na ako sa mga nangyayari at nalalaman ko ngayon.
I can't hide here forever.
That's when I decided to go to Williams Mansion.
Kahit ano ng mangyari. I need to face Christian.
Malapit na ako sa Mansion ng mga Williams ng biglang...
*boogsh*
..may truck..
Pinipilit kong galawin ang telepono ko para tawagan ang kahit sino. Hindi ako pwedeng mamatay ng ganito.
*Calling Heleina
"Yes ate?"
"Track my location, nabunggo ako. Come immediately" sabi ko at pinatay ang tawag.
Pinipilit kong buksan ang mga mata ko. Hindi ako pwedeng mawalan na lang ng malay dito.
Ang dami ko pang pangarap sa buhay.
Lord, wag naman. Wag muna ngayon please.
Hindi ako makaiyak sa dami ng nakikita kong dugo sa mukha ko. Pinahid ko ang dugo pero tulo pa din ito ng tulo. Hindi ko din magalaw ang mga paa ko. Parang naipit pa ako.
Hindi ko na kaya. Nang papikit ako nakita ko ang anino.
Anino ni Miguel.
Salamat pinsan.
Miguel's POV:
"Magmatiyag ka sa Mansion ng mga Williams, Kuya." utos sa akin ni Aesthria kaya kahit ayaw ko ay sinunod ko na lang.
Nakatambay ako sa taas ng puno malapit sa Mansion nila. Habang nagpapahinga, nakita kong may papalapit na sasakyan. Mukhang pamilyar ito. Nakita ko na bumaba doon ang isang matanda at si.. Christian?
Bakit nandito si Christian? Isa din ba siyang traydor? Tangina dumadami talaga ang traydor sa paligid.
Bababa na sana ako ng tumawag si Hera sa akin.
*Hera Calling
"KUYA! Ate Therese is in danger! Tumawag siya kay Heleina at naaksidente daw siya malapit sa Mansion ng mga Williams. Go to her ASAP." sabi nito atsaka pinatay ko ang tawag.
Nagmadali akong tinungo ang location ni Therese. Mukhang truck ang bumangga dito dahil sirang sira ang kotse ni Therese pero wala na ni anino ng truck ang naroon. Hinanap ko si Therese at nakita kong nakahandusay na siya.
Binuksan ko ang pinto at nilabas siya. Nakita kong paparating na din sila Heleina at Hera papunta sa amin. Tinulungan nila akong tanggalin ang naipit na paa ni Therese.
Wala ng malay si Therese dahil sa sobrang daming dugo ang nawala sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Scar That Evokes A Painful Past
Roman pour AdolescentsTherese Hailey Bueneventura. Nursing student. Mayaman. Matalino. Maganda. Mabait. Liam Harris Vertudez. Manliligaw ni Therese for 2 years. Gwapo. Mayaman. Nursing student. Christian Fifth Reyes. Kababata ni Therese. Gwapo. Mayaman. Therese and...