Christian's POV:
"Okay lang ba sayo kung maglive-in na tayo?"
Nagulat ako sa tanong ni Hailey.
Grabe hindi pa ako prepared.
Ang dami ko pang pangarap sa buhay mama.
Magdodoctor pa ako girl.
Ano ba yan! Ano na?
Pero dahil marupok ako, sige na nga!
"Huy di ka naman sumasagot!" sabi ni Hailey sa akin.
"Ano, biglaan ka naman magaya! Ano ako si Dora? Laging may back pack?" sabi ko sa kanya
Tumawa lang siya at niyakap ako ng mahigpit.
"Dun tayo titira sa Mansion ng mga Racca. Kasama mga pinsan ko. Ilang buwan lang naman siguro. Ieexplain ko sayo lahat pag nandun na tayo" pagpapaliwanag niya.
"Ano? Now na? Kasama pa mga pinsan mo? Wow"
"Wag kang mag-alala, sound proof naman iyong kwarto ko" kwento niya
Oh ano namang pake ko kung sound proof?
"Ano naman kung sound proof?" Tanong ko sa kaniya.
Tumawa lang siya at lumapit sa akin.
Tapos..
Tangina. Dinakma niya ang sandata ko!
Pinisil niya pa! Ng paulit ulit!
"Hoy! Bat mo ginawa yon!" Sigaw ko sa kaniya.
"Kaya soundproof, para hindi nila marinig yung mga ungol mo!" sabi niya sa akin sabay tawa.
Oo nga noh. Matalino. Magaling ang pagkakagawa ng kwarto.
"Magaayos lang ako ng gamit. Diyan ka muna." sabi ko sa kaniya.
Tumango lang ito at sumenyas na may tatawagan.
Umakyat ako sa kwarto at kinuha ko lahat ng mga gamit ko. 3 Malalaking maleta ang hinanda ko. Wow parang mangingibang-bansa ako nito ah.
Therese POV:
Pinagmasdan kong umakyat si Chris sa kwarto niya saka ko nilibot ang buong buhay nila.
Tama nga ang hinala ko, may nakakabit na camera sa bawat sulok ng bahay nila. Nakalagay pa doon yung Sign na sa mga Williams ito. Kinuha ko ang lahat ng iyon at nilagay ko sa likod ng sasakyan.
Tinawagan ko din si Miguel para ipaalam ang nangyari.
*Calling Miguel
"Miguel, nasaan ka?"
"Andito ako kila Sofia"
"What?! Nagkabalikan kayo?"
"Ahm..mamaya na ako magpapaliwanag. Bakit? Ano ba yon?"
"Icheck mo ang paligid ng bahay nila, may mga nakakabit sigurong camera sa paligid. Tinignan ko ang kila Christian at maraming camera ang nakalagay. Baka meron din diyan. Sabihan mo din lahat ng mga pinsan natin." paalala ko kay Miguel.
Pinatay ko ang tawag at pumasok na sa kwarto ni Christian.
Tinulungan ko siyang magayos kasi sobrang dami niyang dinadala.
"Tama na yan, ibibili na lang kita ng maraming damit. Ang dami mo ng dala, hindi pa naman tayo magpapakasal" sabi ko sa kanya.
"Ah, so pakakasalan mo pala ako?" mayabang na tanong niya
BINABASA MO ANG
A Scar That Evokes A Painful Past
Teen FictionTherese Hailey Bueneventura. Nursing student. Mayaman. Matalino. Maganda. Mabait. Liam Harris Vertudez. Manliligaw ni Therese for 2 years. Gwapo. Mayaman. Nursing student. Christian Fifth Reyes. Kababata ni Therese. Gwapo. Mayaman. Therese and...