Chapter 38: Save Me

1.2K 98 0
                                    

Acer's PoV

One week nang nawawala si Akira kahit anino nito ay hindi mahanap. Kaya lahat sila ay nag aalala pati rin ako nag aalala dahil sa kalagayan nito.

Naririto kaming lahat sa loob ng Dorm namin andito rin si Lexi at Mist pati narin ang isa sa mga kinaiinisan ko si Brix. Ewan ko inis na inis ako rito tuwing kausap nito si Akira.

"Wala pabang lead kung nasaan siya?" Nag aalalang tanong ni Lexi samin.

"Wala pa sinabi ko na rin kay Headmaster. Na nawawala si Akira kaya tumutulong rin ito." Paliwanag naman ni Renz.

"Sino naman ang gagawa nito sakanya?" Tanong ni Mist.

"Isa lang ang iniisip kong may kasalanan." Sagot ni Brix kaya napatingin kami rito. "Isa lang naman ang may mainit na mata kay Akira walang iba kundi si Sheena Grey." Dagdag pa nito.

"Paano mo namang nasabi siya. Hindi sapat na dahilan yun para gawin ni Sheena iyon" Sagot ko rito.

"Bakit? Sa tingin mo sino pabang iba?" Sarcastic na sagot nito saakin na kinainis ko.

"Wala kang karapatan pag bintangan siya dahil hindi mo siya kilala!" Sigaw na sagot ko rito.

"Really? Eh ikaw kilala mo ba talaga sya?" Sagot nito sakin. Tatayo na sana ako ng mag salita si Sanya.

"Pwede ba! Itigil niyo yang bangayan nyo? Hindi naman makaka tulong yang ginagawa niyo!" Galit na sagot samin ni Sanya.

Tumayo ako at dumiretso na sa kwarto ko. Alam kong di kayang gawin ni Sheena yun. Kahit alam kong nag bago na siya. Hindi kaya? Napatayo ako ng maalala ko kung sino pwede.

"Ang Darkins"




Akira's PoV:

Andito parin ako sa kagubatan matapos kong takasan ang mga taong gustong dumukot saakin marami narin akong sugat dahil sa natamo ko sa mga ito. Bago nila ako ialis sa Academy.

*Flashback*

Nagising ako ng buhusan ako ng sobrang lamig na tubig. Narinig ko ang mga yapak ng mga tao at narinig kopang nag salita ang isa sa mga ito.

"Gising na po sya Boss." Saad ng lalaking boses. ? Teka isa ba sa mga kaibigan ko ang gumawa nito? Pero bakit? Alam kong hindi nila ito magagawa sakin kaya alam kong hindi sila ito.

"Tanggalin niyo na ang piring niya." Utos nito sa lalaki. At tinanggal naman nito ang piring ko at nagulat ako sa nakita ko.

"S-sheena?" Gulat na bigkas ko.

"Hello? Faggot? Buti nagising kana?" Sarcastic na saad nito.

"Paalisin mo nako dito." Utos ko rito pero tumawa lang ito.

"Hindi ako tanga faggot pero sisiguraduhin ko nang hindi ka na nila makikita lalong lalo na ni Acer!" Galit na saad nito saakin.

"Sayong sayo na ang Acer mo! Wala akong pake basta pakawalan mo lang ako." Galit na sagot ko rito.

"Bugbugin niyo nayan hanggang sa mamatay iyan" Utos nito sa mga kasama nito. "At ipadala niyo sa Darkins Kingdom pag tapos" Dagdag pa nito at umalis na agad. Lumapit naman ang mga lalaki sakin.

"No! Please let me go!" Pag papaawa ko rito. Pero hindi ito mga nakinig sakin.

Binugbog ako ng mga ito hanggang sa mawalan ako ng malay. Nagising ako ng nasa karwahe kame. Ramdam ko rin ang pananakit ng buong katawan ko.

Ice Knife!

Summon ko sa isang maliit na knife at tinangal ko ang telang naka kabit sa kamay at paa ko. Nakita kong nagising ang mga lalaki dali dali naman akong nag summon.

Ice Wolf!

Ice Fox!

Ice Eagle!

Ice Sword!

Summon ko sa mga ito. Agad ko namang pinaatake ang mga ito at sumugod narin sakin ang mga lalaki. Sinalag ko ang mga atake ng mga ito. Hanggang sa isa na lang ang natira agad ko itong inatake at nag lahong parang abo.

*End of Flashback*

Naglalakad parin ako sa madilim na kagubatang ito. Ramdam ko nang bibigay na ang katawan ko anong mang oras. Hindi ko rin alam kung nasaan ako. Hanggang sa kunti kunti nang dumilim ang talukap ko.

Please help me.



Queen Elizabeth PoV:

Nasaloob kami ng palasyo ngayon ng asawa kong hari. Hanggang sa may isang Royal Guard ang dumating. Lumuhod ito upang mag bigay galang.

"Anong ginawa mo rito? Hindi bat may gawain kayo?" Tanong ng asawa kong Hari.

"Meron nga ho Mahal na Hari. Pero may mahalaga po akong sasabihin kong bakit ako naririto." Sagot nito.

"Ano iyon? Sabihin mo." Tanong ko rito.

"Mahal na Hari at Mahal na Reyna. May nakita po kaking isang babae na walang malay sa loob ng kagubatan kaya dinali namin ito kasama namin." Sagot nito na ikinatayo ko. Ano naman ang gagawin ng isang babae rito. "At isa pa po base sa suot nito muka itong estudyante ng Dawnbringer Academy." Dagdag pa nito.

"Ano! Nasaan siya? Dalhin mo siya rito." Utos ko sa Guard.

Dali dali naman itong dinala saamin nagulat na lang ako ng mamukaan ko ito. Hindi hindi ako nag kaka mali si Akira ang isang to. Ano naman ang ginagawa nito dito at puro sugat ang buong katawan nito.

"Papuntahin ang mga healer rito. At gamutin niyo ito bilisan niyo." Utos ko sa mga ito at mabilis naman itong tumalima.

"Hindi bat siya ang bagong Member ng S-List? Yung malakas na natalo ang tatlo sa S-List?" Tanong ni Arthuro sakin.

"Siya nga. Pero pinag tataka ko bakit napadpad ito dito at puro sugat ito." Sagot ko rito.

Nilapitan ko ang walang malay ns si Akira. At ang naka takaw pansin sakin ay ang kwintas na suot nito. Ganun ang kwintas ns binigay ko bago lumisan ng magic world ang anak ko.

Hindi kaya? Si Akira ang nawawala naming anak?




Itutuloy.....

Dawnbringer Academy (COMPLETED)✓Where stories live. Discover now