Chapter 9: Dawnbringer Academy

1.5K 106 2
                                    





Akira's PoV:



"Tito Ricky? Hinde po ba kayo sasama?" Tanong ko kay Tito Ricky dito sa tapat ng bahay. Sabi kase ni Tito Ricky hinde daw sya makaka sama dahil may gagawin pa daw sya.

"Pasensya na Akira. Pero mag kikita pa naman tayo panigurado." Sagot naman saakin ni Tito.

"Halika napo aalis napo tayo. Para po hinde tayo gabihin sa daanan natin." Pag aya naman sakin nung lalaking naka black na suit. Infairness ang pogi netong lalaking to.

"Oh sya sige na Akira! At baka gabihin pa kayo." Sabat naman ni Tito Ricky sakin.

"Sige po Tito Ricky. Aalis napo kame" Pag papaalam ko kay Tito Ricky. At niyakap ko ito ng mahigpit. "Tito Ricky. Salamat mo pala sa lahat! Salanat po sa tulong at pag babantay pati narin pag aalaga saakin." Saad ko habang nakayakap ako kay Tito Ricky. Hindi ko mapigilang hinde mapaiyak dahil maramk narin natulong saakin si Tito Ricky. Sya ang sumagot sa pang pa libing ni Nana Rosa. At sya narin nag alaga saakin.

"Oh sige na! Tama na ang dramahan natin Hahaha!!" Pag papatawa ni Tito Ricky. Pag tapos ko mag paalam sumakay nako sa kotse. At kumaway pa ulit ako kay Tito Ricky bago umalis ang kotseng sinasakyan namin. Sana maging maayos ang pag aaral ko sa lilipatang kong paaralan.






Tito Ricky's PoV:

Sobrabg bait. At mabibong bata matulungin at higit sa lahat matapang na tao. Alam kong kakayanin nya ang mga pag subok na tatahakin nya sa bago nyang paaralan. Pag alis ng kotseng sinasakyan nila Akira ay umakat na ako sa bahay nila. Pumunta ako sa kwarto nya. Alam kong mahirap para sakanya iwan ang pamamahay na ito. Dahil dito narin sya lumaki kasama si Dama Rosalita/Nana Rosa niya.

"Mga Prinsipe at Mga Prinsesa bumalik na kayo sa Academy. Dahil kailangan niyo pang mag ensayo. Dahil hindi pa sapat ang inyong lakas" Pag utos ko sa mga Prinsipe at Prinsesa gamit ang Telekinesis. Pag tapos kong iparating ang mensaheng iyon. Dali dali na akong nag Teleport. Pa punta sa Academy.






Acer's PoV:



"Mga Prinsipe at Mga Prinsesa bumalik na kayo sa Academy. Dahil kailangan niyo pang mag ensayo. Dahil hindi pa sapat ang inyong lakas." Ayan ang mensahe saamin ni Headmaster. Alam kong narinig din nila iyon. Pero nakakapag taka. Bakit parang biglaan ang pag papa uwi saamin ni Headmaster. Saka hindi pa tapos ang mission namin dito. Sa mortal world kailangan pa namin hanapin ang Prinsipe ng Luxianna Kingdom.











Akira's PoV:


Andito ako sa loob ng kotse. Tinitignan ko ang mga tanawin na nadadaanan namin. Maganda ang mga nadadaanan namin. Habang tumatanaw ako ng mga tanawin nag salita ang lalaking nasa tabi ko.

"Pwede ka munang matulog. Dahil malayo layo pang destinasyon natin. Maaari ka munang mag pahinga. Upang may lakas ka para mamaya." Saad ni kuyang driver. Well medyo antok parin ako dahil kunti lang ang tulog ko kanina. Kaya ipinikit ko muna ang aking mata at hinayaang kainin ako ng antok.

ZzzzZzzZz.....




Nagising ako nang may tumatapik saakin. At nakita kong si kuya driver ito. Kaya idinilat ko ang mga magaganda kong mata at kinusot kusot ito.

"Andito napo tayo maari ka nang bumaba." Saad nya sakin ng makita nya akong gising na. Bumaba ako sa kotse at nilingon ko ang paligid. Goshhh!!! Ang creepy naman dito puro puno lang ang nakikita ko. Nag simula nsng bitbitin ni kuyang driver ang gamit ko at lumakad na papalapit sa isang gate. Teka? Gate paba to? Sobrang laki nito. Pero medyo creepy. Kase may mgs ugat ng mga puno ang naka paligid sa gate. Pag lapit ng kuyang driver sa gate meron syang binangit na salita. Pero hinde ko ito naintindihan. Pag tapos bangitin ni kuyang driver ang salita bigla na lang nag si alisan ang mga ugat sa gate. Wow ayan agad yung salitang lumabas sa bibig ko. Pag tapos maalis ang mga ugat bumungad saamin ang isang nspaka gandang gate masasabi kong maganda ito. Kulay gold na gate ito at may silver lining sa gilid. Ng gate at psg angat ko ng ulo ko nakits ko ang nakapangalan sa gate

Welcome to Dawnbringer Academy. 

Ayan ang nabasa ko sa tuktok ng gate na nasa harapan namin. Masasabi kong napaka ang elegante ng paaralan nato. Dahil sa labas palang ay mapapa nga nga kana. Pano pa kaya kapag nasa loob kana. Nag simula nang lumakad sa harap ng pinto ang lalaking driver. Sinundan ko ito at pag lapit ko bumukas ang pinto.

Wahhhhhhh!!!! Jusko ko lord!!!!!
Ano itong lugar na ito?

Sino bang hinde mapapa sigaw kung nakikita nyo lang ang nakikita ko. Maganda ang tanawin pero.. Pero.... May mgs lumilipad na hayop na sa Fairytale mulang makikita.

Dragon,Kabayong may Pakpak,at marami pang iba!!!!

Nag simula na ulit mag lakad ang lalaki at sinundan ko ito. Tinignsn ko ito pero naka ngisi lang ito sakin. Ano problema neto? Pinag tatawanan ata ako dahil sa reaction ko. Putek! Sino ba naman kase hinde magugulat! Ganyan bubungad sayo? Ano bang mundo to?

"Ito ang Magic World kung saan ang magic ay nag eexist." Panimula nya. Kaya napa tango na lang ako. Nag lakad na uli ang lalaki at dumiretso ito ss isang pinto. Headmaster's Room. Ayan ang nabasa ko sa pinto. Pag pasok ko sa pinto may naka upo ditong lalaki. At unti unti itong humarap laking gulat ko na lang ng humarap ito.




"Wahhhhhhhhhh!!!!!!!"










Itutuloy.....

Dawnbringer Academy (COMPLETED)✓Where stories live. Discover now