7 - Who am I?

6.6K 503 383
                                    

7 - Who am I?



"S-Should we wait for another rain?" nag-aalalang tanong ni Kevin habang pare-pareho silang nakatingala sa kalangitan.



Isa-isa na silang sumasakay sa bangka at napatigil lamang noong makarinig muli ng tunog ng mga helicopters. Lahat sila ay nag-angat ng tingin na tila ba hinihintay ang paglitaw ng mga sasakyang pang-himpapawid. Ilang segundo lamang ay natanaw na nila ang tatlong helicopters na papalapit sa kanilang direksyon.



Mabilis na ibinaba ni Kevin ang tingin sa mga kasama. Madiin at nagmamadali siyang nagsalita. "Decide now."



Nagkatinginan sina Yuan at Lucas na siyang natitirang hindi pa nakakasakay sa bangka.



"Bababa na ba tayo ulit?" tanong ni Dr. Vergara. Siya ang nakapwesto sa dulo ng bangka at nakahandang magpaandar niyon. Isa-isa niyang tinignan ang mga kabataan maging si Aiah na tahimik lamang at nakayuko.



Mula sa doktor ay inilipat ni Jet ang tingin sa mga kaibigan. "What are the odds that we survive the big waves kung umuulan?"



"The danger is greater," ani Kenzo. "Plus, we can't really just stay here, right?"



Tumango si Yuan. "That, compared to the probability of them dropping the zombies in a boat in the middle of the sea..."



Tahimik ang lahat habang nakikinig sa diskusyon. Maya't maya din silang napapalingon sa mga helicopter na paunti ng paunti ang layo ng distansya mula sa kanila.



"We should move," konklusyon ni Mariz. "Both alternatives have risks, but moving now seems to be the optimal way. Saglit lang din naman ang biyahe. Once we reach Itbayat, hindi na ulit sila makakalapit."



Muling nagkatinginan sina Yuan at Lucas. Noong tumango ang binata ay agad na sumakay si Yuan sa bangka. Naupo siya sa tabi nina Mariz at Kenzo habang sa kabila niya naman pumwesto si Lucas. Sa harap nila ay nakaupo naman sina Aiah, Kevin, Jet at si Manong Jules na ngiting-ngiti sa kanila.



"Muntik ko ng makalimutan na Industrial Engineering students nga pala kayo," proud na sabi ng matandang driver na nakapagpangiti naman sa mga kabataang tinutukoy.



"Baka makalimutan ko din na driver ka Manong Jules. Bakit yung doctor ang nagpapaandar nitong bangka?" Pabirong pinagalitan ni Jet ang matandang tumawa lamang.



Naiangat ni Aiah ang tingin noong nagsimulang mag-asaran ang magkakaibigan. Hindi niya maintindihan kung paanong nagagawang magsaya ng mga ito sa kabila ng sitwasyon na kinalalagyan nila. Imposibleng mawala sa isip ng mga ito ang kapahamakan dahil hindi nawawala sa kanilang pandinig ang malakas na tunog ng mga helicopters.



Sa kalagitnaan ng maiksing biyahe ay naramdaman ng dalaga na may mga matang nakatutok sa kanya at hindi siya nagkamali noong lumingon at magtama ang mga paningin nila ni Lucas. Napalunok siya dahil sa kakaibang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Mag-iiwas sana siya ng tingin ng makita sa mismong likod ng binata ang isa sa mga helicopters na inilaylay na ang isang zombie at akmang ihahagis patungo sa kanila.



"Duck!" sigaw ni Aiah saka mabilis na hinugot ang isa niyang baril. Umuga ang bangka dahil sa gulat ng lahat pero napanatili niya ang kanyang balanse.



Bago pa man maibaba ang zombie ay binaril na ng dalaga ang ulo nito. Muli niyang kinalabit ang gatilyo at tumalsik lamang ang bala noong tumama sa tila gloves na gawa sa bakal na suot ng kung sino mang naghahagis ng zombies.



"To the pilot!" ani Yuan at mabilis namang pinagbabaril ng dalaga ang unahan ng helicopter.



"What the fuck?!" inis na sigaw ni Aiah noong maramdamang may humugot sa isa niya pang baril. Agad na nawala ang galit sa kanyang mukha at napaawang ang kanyang mga labi noong binaril din ni Jet ang unahan ng helicopter, tumagos ang bala sa salamin, at kitang-kita nilang napasubsob ang piloto.



2025: The Second HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon