33 - Questions and Answers (Part 2)

4.2K 369 148
                                    

33 - Questions and Answers (Part 2)



"Look what I found!" ngiting ngiting sabi ni Jet habang naglalakad pabalik sa van. Itinaas niya ang kamay na may hawak na maliit na speaker kung saan may nakasaksak pang flashdrive.



"Aanhin natin yan?" nakangiwing tanong ni Yuan.



Nagkibit balikat ang binata. "Awkwardness eliminator habang bumabyahe tayo?"



"Sino bang awkward?" patay malisyang tanong ng dalaga.



Ngumisi lamang si Jet. Sabay nilang nilingon si Gian na kanina pa nila kasama ngunit hindi nagsasalita at magkasalubong lamang ang mga kilay.



"Are you sure Kevin likes you?"



Nagkatinginan muli sina Yuan at Jet dahil sa biglaang pagtatanong ni Gian.



"He said he's doing that research for me."



"Can't he do that alone?"



Napataas ang dalawang kilay ni Yuan habang si Jet naman ay unti-unti ng napapangisi.



"We've been traveling for two weeks."



"And?" kunot-noong paghingi ni Yuan ng paliwanag.



Inis na nag-iwas lamang ng tingin si Gian. Pumunta siya sa likod ng van at inilagay doon ang mga nakuha nilang pagkain mula sa bagong bahay na kanilang pinasok. Ramdam niyang sinundan siya ng dalawa.



"And noong first day niya lang nakatabi si Aiah." Si Jet ang sumagot habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.



Agad na pinanlisikan ni Gian ng mga mata ang magkaibigan. Madiin siyang nagsalita. "Mali pa rin 'to."



"Wala namang nagsasabing gawin mo ang tama." Sinundan ni Yuan ng tingin ang binatang umalis na sa kinatatayuan at akmang papasok na sa loob ng van. "You can't avoid making mistakes, Gian. But you can choose which mistakes to make."



Dumiretso lamang ang binata sa pagpasok sa loob ng van. Napabuntong hininga na lamang si Yuan.



"Excuse me."



Halos mapayakap ang dalaga kay Jet dahil sa gulat noong marinig ang malamig na boses sa kanyang likuran. Nang lingunin ay nakita niya si Lucas bitbit ang isang kahon na ilalagay din sa likod ng van kung hindi lamang siya nakaharang.



"Ah...s-sorry," mahinang sabi ng dalaga saka mabilis na naglakad palayo.



"You really can't avoid making mistakes." Tumatawang sinundan ni Jet ang dalaga na agad siyang siniko sa tagiliran.



Muling bumyahe ang mga natitirang survivors sa buong isla. Nakuha na nila ang mga magagamit na supplies at edible pang pagkain sa lugar na iyon kaya kailangan na muli nilang maghanap ng iba pang bahayan.



Walang nagsasalita. Ang iba ay natutulog, ang iba ay nakikinig lamang sa kantang Your Song ng Parokya ni Edgar na tumutugtog mula sa speaker na nakuha ni Jet.



"Gusto niyo bang huminto muna tayo dito?" tanong ni Manong Jules. Kasalukuyan silang dumadaan sa isang kalsada na ang kaliwa ay bundok at ang kanan ay bangin na diretso sa dagat. Nakababa ang mga bintana sa sasakyan at rinig na rinig ang paghampas ng mga alon.



"Okay lang po," sagot ni Mara. "Para makapag-lunch na din tayo."



"Opo nga," pag-sang ayon naman ni Yuan. "Naririndi na rin ako."



2025: The Second HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon