Para dun sa nag-post sa message board ko at sinabing lagi na lang siyang napapaiyak dahil sa 2025, oh.
-----25 - You're wrong
"When was the first time you saw her?" Habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama, diretso ang tingin ni Jet noong nagsimula siyang magtanong. Bahagya niyang nilingon ang dalagang nakasandal sa kanyang balikat, pinapakiramdaman kung handa na ba ito sa ganoong usapan.
Napalunok si Yuan. Tulala din sa kanyang harapan, pabulong siyang sumagot. "When I walked out of Kenzo's burial."
Napabuntong hininga si Jet ng maalala ang araw na 'yon. Itinaas niya ang kanyang mga tuhod at doon ipinatong ang magkabila niyang siko. "Hindi talaga dapat ikaw ang pinagsukat namin."
Umiling si Yuan habang nakahilig pa din ang ulo sa balikat ng kaibigan. "That's the only thing I got to do for him that day."
"You are not required to do anything for Kenzo or for anyone, Yuan," mahinang sabi ng binata. Hindi na siya nag-abalang lakasan ang kanyang boses dahil hindi rin naman siya umaasang papaniwalaan ng kausap ang kanyang sinabi. "So how did you meet Luna?"
"I woke up in the middle of the street and she was there. She said she was playing hide and seek with the other kids." Sandaling napatigil si Yuan habang inaalala ang gabing iyon.
"Ikaw po ba si Ate Yuan? Kinuwento ka sakin nung bata."
"With everything that's happening, I didn't even find it odd that she's there alone." Malungkot na napangiti si Yuan. "The way she talked and the way she moved, plus all the faces she made..."
Iniangat ni Jet ang kaliwang braso at inakbayan ang kaibigan noong muli itong umiyak.
"God, una pa lang napansin ko ng magkapareho kami. Kung paano ko sabihin kay Kuya Wawie noon na hindi totoo ang mga multo, kung paano ako mamilosopo kay Ate Leanne. Naisip ko pa nung gabing 'yon, para siyang batang version ko o 'di kaya parang nauulit 'yung mga nangyari dati." Naitakip ng dalaga ang mga palad niya sa sariling mukha. "It was really repeating but that's because it was all in my mind."
"Sshhh. It's okay." Kahit si Jet ay napaiyak na din. Hindi niya inakalang dadating ang araw na makikita niyang magkaganito ang dalaga. Alam niyang hindi malakas ang pangangatawan nito pero sa limang taon nilang pagkakaibigan ay inakala niyang matatag ang kalooban nito. Nagkamali siya.
Matagal na binalot ng katahimikan ang silid hanggang sa kumalma si Yuan at muling nagsalita. Alam niyang kailangan niya 'to. Kailangan niyang ilabas lahat.
"I saw her again, wearing the exact same clothes, when Lolo died. I should've noticed sooner that she's only there when I'm alone. I may have created her in my mind because I wanted company." Napayuko ang dalaga at mapait na ngumiti. Maya-maya ay muli niyang naitakip ang mga palad sa kanyang mukha. "I'm so pathetic."
BINABASA MO ANG
2025: The Second Half
Science Fiction⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought for, the 20-year-old girl with the biggest heart continues to risk her life for everyone until the zom...