40 - Saying Goodbye

6.3K 419 534
                                    

40 - Saying Goodbye



"Pia! Pia!" natatarantang sigaw ni Mara habang hinahanap ang dalaga. Mahigpit niyang kapit ang sanggol na umiiyak dahil sa malalakas na tunog ng mga helicopters na dumating. Maging siya mismo ay napapaiyak na din. Aapat na lamang sila sa isla ay mayroon pang lumusob. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asang mayroon pang kinabukasan.



Nagmamadaling bumaba si Pia sa hagdan. "What the hell is happening?! Where's Jet?!"



"He went out!" kinakabahang sabi ni Mara.



"That idiot!" kunot-noong sigaw ni Pia saka patakbong lumapit sa main door.



"Pia, saan ka pupunta?!" habol ni Mara sa dalaga.



"I'm getting that idiot! Sa tingin niya ba kaya niya 'yon mag-isa?!"



"Sa tingin mo ba, hindi ka aatakihin ng mga zombies kapag lumabas ka?!" Hindi napigilang sumigaw ni Mara sa dalaga.



Sa halip na mainis ay ngumisi lamang si Pia. "Alam ko namang maraming may gustong mamatay ako."



"Pia!" Napasigaw na lamang si Mara noong biglang lumabas ang dalaga. Napahigpit ang kapit niya sa anak at agad na napapikit para umusal ng dasal.



Saktong pagkatapos magdasal ay napadilat si Mara. Napalingon lingon siya sa paligid. Naroon pa rin siya malapit sa main door ng bahay ngunit wala na ang nakakabinging tunog ng helicopter. Kunot-noo man, buong tapang siyang lumabas ng bahay at nagtaka sa kanyang nadatnan.



"Ate Mara!" ngiting ngiti na tawag ni Jet habang kumakaway pa. "Ate Mara! May tulong na dumating!"



Hindi agad nakapag-react si Mara habang inililibot ang paningin sa tatlong helicopters na nag-landing sa harapan mismo ng mga bahay. Dalawa sa mga iyon ay puno ng mga armadong lalaki, habang ang isa ay puno ng mga taong sa tingin niya ay mas bata pa sa kanya. Wala sa sariling humakbang siya palapit at natigilan pa noong makitang isang bulag na babae ang kausap ni Jet. Inilibot niya pa ang paningin upang hanapin si Pia at nakitang kausap ito ng isa pang babae na may kulay pulang buhok.



Lumingon din si Pia noong maramdamang nakatingin si Mara sa kanya. Alam niyang tumatakbo sa isip nito na handa na siyang mamatay kanina ngunit hindi pala mga kalaban ang dumating. Nagkibit-balikat siya. "Masamang damo nga yata ako."



"Ate Mara, siya si Ate Timmy," pagpapakilala ni Jet sa bulag na babae. "Naging hostage din daw siya ng Crescent at nakatakas siya dahil kina Yuan at Aiah."



Tumango-tango si Mara. "Aiah told Gian and he told me. They're from Palawan, right?"



Dahil sa mabagal na pananalita ay naramdaman ni Timmy na hindi pa rin makapaniwala si Mara sa nangyayari. Nginitian niya ito. "Let's save your friends."



*****



"Oh, come on, I did the right thing," tila inosenteng sabi ni Sylvester. Labis ang kasiyahang nararamdaman niya dahil sa naging reaksyon ni Yuan matapos niyang ipapanood ang video recording ng ginawa nito kay Kevin. Hanggang sa pagpapabaril niya sa naging zombie din na binata ay napanood ng dalaga na ngayon ay wala ng tigil sa pag-iyak. "I know he doesn't want to hurt you, too so I asked my men to kill him before he does. I actually did him a favor."



"Yuan..." Sinubukan ni Lucas na tawagin ang dalaga ngunit nanatili itong nakayuko habang humihikbi.



"Kevin c-could've been transformed b-back," matigas ngunit napapaos at walang lingon na sabi ni Yuan.



2025: The Second HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon