38 - Connected
"Yuan, it's okay! You're okay!" sigaw ni Aiah sa dalagang bigla na lamang napabangon mula sa mahimbing nitong pagkakatulog. Pilit niya itong pinapakalma kahit siya mismo ay natataranta din. "Yuan, breathe!"
Malakas na napasinghap si Yuan at ilang ulit na napakurap. Inilibot niya ang tingin sa kanyang harapan bago pa nilingon ang kasama niya sa ibabaw ng kama. "A-Aiah, are you alright?"
"Don't ask me that!" Mabilis na tumulo ang mga luha ni Aiah. "Ikaw? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Sorry, Yuan. Sorry..."
Mabilis na pinakiramdaman ni Yuan ang kanyang katawan. Wala siyang nararamdaman na kahit anong sakit. Isa pa, iniangat niya ang kanang kamay at nakitang mayroon na ulit kulay ang kanyang balat. Malinaw niyang nakikita ang lahat sa silid at sa palagay niya naman ay may kontrol siya sa sarili niyang pag-iisip. Nakabalik ulit siya sa pagiging isang normal na tao. "Why are you--"
Hindi na naituloy ni Yuan ang tanong noong mapansin ang isang mahabang kadena sa ibabaw ng kama. Sinundan niya iyon ng tingin hanggang sa dulo na nakakabit sa isang makapal na bakal sa paa ni Aiah. Napaawang ang kanyang ibabang labi. Wala siyang kahit na anong gapos sa kanyang katawan pero si Aiah ay nakakadena. "B-Bakit? Bakit ka nila ginanyan?"
Patuloy man sa pag-iyak ay umiling si Aiah. "Okay lang ako. I punched my own father and they labeled me as a traitor, pero hindi naman nila ako sinaktan. Ikaw, Yuan? Please, tell me. May nararamdaman ka bang kakaiba? May masakit ba sa'yo?"
"I'm okay," kunot-noo pa ring sabi ni Yuan. Kitang kita niya ang paghinga ng maluwag ng kausap. Tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib. "What happened, Aiah?"
Sa tanong na iyon ay muling bumuhos ang mga luha ng dalaga. "I'm sorry, Yuan. Hindi kita naitakas dito. I'm so sorry."
"No. Sshh. It's not your fault. It's okay." Napalunok si Yuan. Bigla niya na lamang naramdaman ang panunuyo ng kanyang lalamunan.
"Hindi, Yuan. Wala ka dapat dito. Dapat bumalik na lang ako noon at sinabing napatay na kita." Muling umiling-iling si Aiah. "Wala ka dapat dito ngayon. H-Hindi sana namatay si Kuya..."
Natigilan si Yuan sa kanyang narinig. Ang huli niyang naaalala ay ang pagtungtong niya sa platform sa gitna ng laboratoryo hanggang sa pag-akyat din doon nina Aiah at Jun. "W-What are you saying?"
"Hindi pa nga nagre-register sa utak ko na may kapatid pala ako, nawala na siya." Napapikit si Aiah. Maya-maya ay huminga siya ng malalim. "He told me to save you. I want to but, I don't know how anymore."
Lalong natigilan si Yuan, iniisip kung isa nanaman bang Warren ang namatay para mailigtas siya. Kahit pa noong isang araw lamang nakilala ang lalaking 'yon, nakakaramdam siya ng lungkot sa pagkawala nito. "A-Ano ba talagang nangyari?"
Lalo lamang napaiyak si Aiah. Lalapitan sana ito ni Yuan kaya tinanggal niya ang kumot na nakapatong sa kanyang katawan. Hindi siya nakagalaw. Nanlaki ang mga mata niya noong mapansing panay bahid ng dugo ang damit na suot niya. Napalingon siya kay Aiah pero hindi na siya nagtanong. Sapat na ang reaksyon nito para malaman niya ang mga bagay na ginawa niya bilang isang zombie.
"I'm really sorry, Yuan."
"H-How about Ate Timmy?" tanong na lamang ni Yuan. Hindi pa rin siya sigurado kung paanong nawala si Jun pero hinihiling niyang sana ay hindi rin siya ang dahilan ng pagkawala ni Timmy.
Napayuko si Aiah. Dahan-dahan siyang umiling. "The last thing I know, some men were sent to find her."
Naibagsak ni Yuan ang kanyang mga balikat. Hindi sigurado kung dapat pa bang umasa na buhay pa si Timmy. "S-She's alone..."
BINABASA MO ANG
2025: The Second Half
Ciencia Ficción⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought for, the 20-year-old girl with the biggest heart continues to risk her life for everyone until the zom...