15 - Calm (Part 2)
"Ngayon na lang ulit tayo nag-short," ani Mariz noong makalabas sila ng bahay. Kahit na nakasuot pa din ng t-shirt ay presko ang pakiramdam niya kumpara sa araw-araw na lagi silang naka-pants. "I feel so free."
"Sana lang walang mangyari today," mahinang sabi naman ni Yuan.
"Bawal magbanggit ng negative na bagay today, Luanne. Masaya lang dapat," pangaral ni Rina sa kaibigan at naglakad na sila palapit sa dalampasigan. Tanaw na nila ang mga matatandang nagaayos ng mga pagkain at ang iba ay naliligo na sa dagat. "Where are the kids?"
"May flashdrive pa si Sir Carlo na may cartoon movies. Hayaan na lang daw manood dun yung mga bata at delikado din naman kung dito sila maglalaro sa labas, lalo pa kung sa tubig," paliwanag ni Mariz.
"Sinong magbabantay?"
"Ma'am Bea and Ma'am Kyla will take turns."
"Pwede bang magbantay na lang din ako sa mga bata?" walang emosyong tanong ni Yuan.
"Ngayon lang may opportunity for swimming. We're lucky to have this chance in the middle of an apocalypse. Wag ka ng KJ," ani Aiah na agad namang sinang-ayunan nina Mariz at Rina.
Sumimangot si Yuan. "Ang init naman kasi."
"Nako, if I know 'di ka lang komportable kasi madaming tao," ani Rina. "Don't worry, di rin namin kilala yung mga sundalo kapag hindi sila naka-uniform."
"Ako nga, lahat ng hindi ko alam ang pangalan dito, kino-consider ko ng sundalo eh," sabi naman ni Aiah. "Si Kuya Gibo nga noong una ipinagpalagay ko na din na sundalo."
Bahagyang natawa si Yuan. "Pero, seryoso, mainit nga."
"True. If I only know that we'll get to swim, dumampot sana ako ng sunblock nung last grocery shopping."
Sabay-sabay na napatingin ang tatlo kay Mariz. Hindi makapaniwalang nakakapagsalita na ito tungkol sa araw na iyon.
Bahagyang natawa ang dalaga. "Chill, guys. Okay na ko."
"Are you sure you can step there again?" tanong ni Yuan na ang tinutukoy ay ang dalampasigan kung saan pilit ginigising ng pinakamatalik na kaibigan ang kasintahan nito noong araw na iyon.
Ngumiti si Mariz. "I always see him in my dreams, Yuan, and he's smiling at me. I'm already comforted by that. I'm really okay."
Napangiti na din ang tatlo. Nagpatuloy sila sa paglalakad at lumapit sa magkakadugtong na lamesa na ini-set up sa dalampasigan. Naroon nga ang lahat maliban sa mga bata at kay Ma'am Kyla na kasalukuyang nagbabantay sa mga ito.
"Luanne Ignacio, lasing ka din ba?!"
Naglaho ang ngiti sa mga labi ng dalaga ng makitang nagmamadaling maglakad si Henry palapit sa kanila. Mabilis siyang lumingon sa mga kasama na para bang nanghihingi ng tulong. Nang ibalik ang tingin sa ama ay nasa harapan niya na ito.
"H-Hindi po. Walang lasing sa'min," pagtanggi ni Yuan. Napalunok siya noong pinaningkitan siya ng sariling ama.
Sandali lamang ay bumuntong hininga si Henry at itinuro ang direksyon malapit sa dagat kung saan tila may pinagkukumpulan sina Gibo, Gian, Kevin at Lucas. "Puntahan niyo na nga lang 'yong kaibigan niyo doon."
"Ano pong meron?" tanong ni Mariz.
"Nag-cannon ball sa buhangin," naiiling na sagot ng ama ni Yuan. Muli niyang tinignan ng seryoso ang anak, pati na rin sina Mariz, Rina at Aiah. "Kung may tama din kayo, 'wag na munang maligo sa dagat. Malalaki na kayo, alam na ninyo kung kaya niyo o hindi."
BINABASA MO ANG
2025: The Second Half
Science Fiction⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought for, the 20-year-old girl with the biggest heart continues to risk her life for everyone until the zom...