22 - The biggest heart
Isang oras ang lumipas. Matagal na mula noong narinig ang huling putok ng baril. Hindi na rin nasundan pa ang mga pagsabog. Unti-unti ng pumapatak ang mga butil ng ulan, pero nanatili pa din si Yuan na nakaluhod sa harap ng mga bangkay ng kanyang pamilya.
Maging si Lucas ay nanatiling nakatayo sa likod ng dalaga, hawak ang kanyang jacket na siyang itinatakip sa ulo ni Yuan upang hindi ito maulanan. Sa nakalipas na animnapung minuto, tahimik siyang nakinig sa bawat paghikbi ng dalaga. Wala mang maisip na kahit anong salita na makakapag-pagaan sa loob ni Yuan, hindi niya ito iniwan.
Lumalakas na ang ulan noong muling napaangat ang ulo ni Yuan. Napaawang ang bibig niya noong makita ang isang batang babae sa kanyang harapan. Tila balewala dito ang ulan. Nakatingin lamang ito sa kanya habang may malungkot at naaawang ekspresyon sa mga mata.
"L-Luna..."
Muling nag-init ang mga mata ni Lucas noong marinig kung paanong tinawag ni Yuan ang pangalan ng bata. Tumingala siya sa kalangitan at napapikit noong bahagya pang masilaw ng liwanag sa kabila ng makakapal na ulap.
"Take her in, Lucas," mahinang sabi ni Yuan na nagtunog pakiusap dahil sa basag niyang boses.
Kasabay ng tuluyang pagbuhos ng ulan ay nagbagsakan na din ang mga luha ni Lucas. Napatitig siya sa dalaga na nakatalikod sa kanya. Habag na habag ang kanyang puso dahil sa kalagayan nito.
Noong hindi maramdamang gumalaw ang binata ay nilingon ito ni Yuan. "Baka magkasakit si Luna. Please."
Napayuko si Lucas at hindi na nagsalita. Kinuha niya ang espada para makasigurado. Dire-diretso siyang humakbang patungo sa unahan ng dalaga, nilalagpasan ang mga bangkay na kanina pa nitong iniiyakan.
Pinanood lamang ni Yuan ang binata na nakayukong naglakad palayo at ang batang babae na agad na sumunod dito. Nang mawala ang dalawa sa kanyang paningin ay lalo niyang naramdaman ang katahimikan ng paligid. Lalo niyang naramdaman ang pag-iisa habang napapalibutan siya ng mga bangkay ng mga taong malapit sa kanya.
Muling umiyak si Yuan.
*****
"Where's Yuan?" Bakas ang matinding pag-aalala sa boses ni Kevin noong mag-isang pumasok si Lucas sa bahay. Napigil niya ang sariling paghinga noong makitang bitbit nito ang espada ng dalaga.
"I-Is she..." Hindi maituloy ni Mara ang tanong.
Kinakabahan ang lahat habang hinihintay na sumagot ang nakayukong si Lucas. Lalo silang nanlamig noong magangat ito ng tingin at nakita nilang umiiyak ito.
"Y-Yuan's gone?" halos pabulong na tanong ni Jet.
Umiling si Lucas at doon lamang nakahinga ng maluwag ang lahat.
"Nasaan siya?" tanong ni Gian. Muli siyang kinabahan noong sinalubong ni Lucas ang kanyang tingin.
"She saw her, again."
Muling natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Lucas. Si Pia lamang ang napakunot ang noo dahil hindi niya alam kung sino ang tinutukoy na 'she' at 'her'.
"B-But, it's still..." Hindi na natapos ni Jet ang sasabihin. Napaupo siya sa sofa at naisubsob ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.
"Lumalala na," malungkot na sabi ni Manong Jules na siyang nakapagpayuko sa lahat.
BINABASA MO ANG
2025: The Second Half
Science Fiction⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought for, the 20-year-old girl with the biggest heart continues to risk her life for everyone until the zom...