27 - Counselling
"Yuan."
Magkahalong tuwa at gulat ang naramdaman ni Mara noong buksan ang pinto ng kanilang silid at bumungad sa kanya ang dalaga. Hindi niya inaasahang lalabas ito ng silid at lalong hindi niya inakalang pupunta ito sa kanya.
"I brought you some food," tipid ang ngiting sabi ni Yuan saka bahagyang itinaas ang dalang tray.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Mara. "Pero diba last na yung stock natin ng pagkain para ngayong breakfast? They told me na sakto lang ang tag-iisang serving para sa ating lahat."
"You need to eat more." Dire-diretsong pumasok ang dalaga at ipinatong ang tray sa bedside table saka lumapit sa sanggol na nakahiga sa kama. "Hi, Tricia."
"Yuan, is that your food?" seryosong tanong ni Mara. Noong hindi nakakuha ng sagot ay bumuntong hininga siya. "Hindi natin alam kung kelan tayo ulit magkakaroon ng normal na pagkain, Yuan. Kainin mo na 'to."
"You're breastfeeding Tricia. You need to eat more," kaswal na sabi lamang ng dalaga habang nilalaro ang sanggol.
"Yuan..." Lumapit si Mara at umupo din sa kama. "If you're just punishing yourself--"
"I'm not," mahinang putol ng dalaga sa dapat na sasabihin ni Mara. Huminto ang kamay niya sa pakikipaglaro kay Tricia at bahagya siyang napayuko. "Just eat it, Ate Mara. Hindi rin naman ako nagugutom."
"You need a strong body if you want to fight," ani Mara na umaasang makukumbinsi ang dalaga kung tungkol sa paglaban ang gagawin niyang katwiran.
"I'll eat some fruits later."
Wala ng nagawa si Mara kung hindi ang bumuntong hininga noong muli ng nakipaglaro si Yuan sa kanyang anak. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman habang pinapanood ang dalaga na tumatawa. Parang gusto niya na lamang umiyak bigla.
"This feels like the new-new normal after the new normal due to the pandemic five years ago," naiiling pang biro ni Yuan habang nilalaro si Tricia. "Hindi pwedeng magutom ang baby namin."
"Kamusta ka, Yuan?" Kusang lumabas ang tanong na iyon mula sa bibig ni Mara. Ramdam niya ang pag-init ng sariling mga mata noong lumingon sa kanya ang dalaga.
"Wondering why you're all so worried about me," pabirong sagot ni Yuan ngunit hindi man lamang ngumiti ang kanyang kausap. Ibinalik niya na lamang ang atensyon sa sanggol na nakahawak sa isang daliri niya.
"Have you ever met someone like you, Yuan?"
"Someone who also sees things that are not really there?"
"You know what I mean, Yuan."
Nagkibit balikat ang dalaga. "They said Aiah has the same attitude as me."
"But you're two different poles."
Dahil sa huling sinabi ni Mara ay muling nag-angat ng tingin si Yuan. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo.
"Aiah wants people but she ended up repelling those who treated her as a friend. You always want to be alone but you unconsciously attract everyone who knows you."
"The world just never goes the way I want it to," kontra ni Yuan.
"Everybody wants to make it go the way they know you need it to." Malungkot na ngumiti si Mara. "I don't really know anything about you, Yuan. We just met in this apocalypse. But, I, too...just like every other person who fought with you... I want to do everything to make you live."
BINABASA MO ANG
2025: The Second Half
خيال علمي⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought for, the 20-year-old girl with the biggest heart continues to risk her life for everyone until the zom...