20 - You need him
"Now."
"Now."
"Now."
Hindi na kinailangang ulitin ni Yuan ang tanong. Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang utak ang sinabi ni Aiah. Halos patakbo siyang lumapit sa pinto.
"Yuan, they're here to rescue me! They'll just get me!"
"Stay there!"
Napasalampak na lamang ng upo si Aiah sa sahig noong marinig ang malakas na pagsarado ng pinto. Ni hindi siya nilingon ni Yuan bago ito lumabas.
"Sergeant! Sergeant!" Halos madapa si Yuan habang paakyat sa unang palapag ng bahay. Natataranta siya sa hindi malamang dahilan. Nang makarating sa walang katao-taong living room ay tila doon niya lamang naalala na nasa kabilang bahay ang lahat. Lalo siyang kinabahan. "Shit."
Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa main door ng bahay ay naririnig na ni Yuan ang mga palahaw at sigawan na nagmumula sa labas. Nanginginig ang mga kamay na pinihit niya ang doorknob.
Napaatras ang dalaga noong bumungad sa kanya ang humahangos na si Mara bitbit ang kanyang anak, kasama si Manong Jules. Halatang takot na takot ang dalawa at nagmamadali.
"Get in! Anong nangyayari?!"
"H-Helicopters, Yuan," umiiyak na sabi ni Mara habang mahigpit na yakap ang sanggol na si Tricia.
Napaawang ang mga labi ni Yuan, may ideya na sa nangyayari sa labas. Lalo siyang kinabahan noong kumpirmahin iyon ni Manong Jules.
"Umuulan ulit ng mga zombies, hija. Mas madami kaysa dati."
"Where are the others?" mabilis na tanong ng dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit kinailangang magpunta nina Mara at Manong Jules sa pinakaunang bahay gayong magkakasama na ang lahat sa loob ng ikalawang bahay.
Napakagat lamang si Mara sa kanyang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Dahil sa reaksyon na iyon ay nag-init ang mga mata ni Yuan. Inilipat niya ang tingin kay Manong Jules na tila kinakabahang nakatitig sa kanya.
"Kailangan ka nila, Yuan."
Napayuko na lamang ang matanda at maging si Mara noong patakbong lumabas ng bahay ang dalaga. Hindi man nila gustong mapahamak ito, naniniwala silang mas maraming malalagay sa panganib kung pipigilan nila itong lumabas.
"Kuya Gibo!" tawag ni Yuan sa nakatalikod na lalaki. Ito ang pinakamalapit sa labas ng bahay na pinanggalingan niya.
Lumingon si Gibo at nanlaki ang mga mata ni Yuan.
"N-No..."
Nanigas ang dalaga sa kanyang kinatatayuan noong nagsimulang lumapit sa kanya ang naglalakad na bangkay ng lalaking minsan niyang iniligtas. Malapit na ito sa kanya ng may tumamang bala sa ulo nito.
"Yuan, we need you to fight right now!" sigaw ni Jet. Bitbit ang isang rifle na galing sa mga sundalo, hinila niya ang dalaga.
"Where's my sword?!" tanong ni Yuan noong matagpuan ang sariling tumatakbo kasama si Jet. Kinailangan niyang sumigaw dahil sa naghahalong putukan ng baril, tunog ng mga helicopters, pagsabog ng mga bomba, at sigaw ng mga kasama nila.
"Nakay Fidel!" sagot ni Jet saka biglang huminto upang paulanan ng bala ang mga zombies na bumagsak sa kanilang harapan.
"Sinong--" Nagsalubong ang mga kilay ni Yuan habang inaalala kung sino ang Fidel na tinutukoy. "Ha?!"
BINABASA MO ANG
2025: The Second Half
Science Fiction⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought for, the 20-year-old girl with the biggest heart continues to risk her life for everyone until the zom...