10 - Deepest

5.8K 430 222
                                    

10 - Deepest



Bagaman komportable na sa mga kasama sa kwarto, naalimpungatan si Yuan sa kalagitnaan ng gabi. Sinubukan niya pang bumalik sa pagtulog ngunit tuluyan ng nagising ang kanyang diwa. Nagpasya na lamang siyang bumangon muna.



Maingat na umalis ang dalaga mula sa pagkakahiga sa tabi ni Mariz at tahimik na nilaktawan sina Rina at Aiah na natutulog sa foam na nakalatag nasa sahig. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pilit na hindi gumawa ng kahit anong ingay hanggang sa makalabas.



Nang makalapit sa hagdanan ay natanaw na agad ni Yuan ang binatang mag-isang nakaupo sa dining area at seryosong nakatutok ang atensyon sa isang laptop. Bahagya siyang napangiti bago tuluyang bumaba sa hagdan at lumapit.



"What are you doing?"



Natawa ang dalaga noong halos mapatayo si Kevin dahil sa gulat. Sa sobrang focused nito sa ginagawa ay mukhang hindi nito namalayan ang pagdating niya. Napahilamos pa ito ng palad sa mukha na para bang pinipilit ang sariling magising.



"Bakit gising ka pa?" Hindi inaalis ni Kevin ang tingin sa dalaga. Pilit niyang binabasa ang mga mata nitong walang buhay sa kabila ng masigla nitong mukha. Hindi pa nila nakukumpirma ni Dr. Vergara pero hinala nila ay naapektuhan din ng virus o ng antidote ang emosyon ng dalaga. Walang makapagpaliwanag kung bakit tila bumalik na ito sa dati. Masaya silang hindi na ito nagmumukmok pero hindi sila sigurado kung makabubuti ba ito sa dalaga.



Hindi pinansin ni Yuan ang tanong. Hinila niya ang upuan sa tabi ng binata at pumwesto doon. "May internet?"



Bumuntong hininga si Kevin. "Wala nga, eh. May kuryente dito pero wala namang signal. I've been reading the journals, articles, and studies that Dr. Vergara had saved in his flashdrive, since last week. Hindi pa din ako nangangalahati."



"Mukha ka na ngang zombie."



Kahit pa natawa si Kevin ay hindi pa rin nawala ang antok at pagod sa mga mata niya. "Aiah said that Crescent did some modifications with the contents of the virus so it's slightly different with what Dr. Vergara accidentally made."



"So, that means hindi rin perfect yung antidote?"



"Yeah. That's why you're still under observation, and we're still doing research." Bahagyang iniharap ni Kevin ang screen ng laptop sa dalaga. "Do you want to help me?"



Sandaling pinaningkitan ni Yuan ang screen upang magadjust ang mga mata niya sa liwanag at sa maliliit na texts at charts. Agad siyang napangiwi. "I really hate chemistry."



"It's microbiology," nakangiwi ding sabi ni Kevin.



Napairap ang dalaga. "Whatever it is, I don't get it."



"Come on, you're good at analysis."



"Tamad ako."



Kahit pa naiiling ay hindi mapigilan ni Kevin na mapangiti noong isinubsob ng dalaga ang mukha nito sa lamesa. Masaya na siyang hindi ito naiilang sa kanya matapos niyang sabihin ang tunay niyang nararamdaman. Hindi niya na ito pinilit at muli niya na lamang iniharap ang laptop sa sarili.



Maya-maya ay napansin ng binata na bumabagal na ang paghinga ni Yuan. Ilang minuto na din ang lumipas noong huli itong gumalaw. Bahagya niyang iniatras ang sariling upuan upang makaharap ng diretso sa dalaga. Marahan niya itong tinapik.



"Go back to your room. Baka sumakit ang katawan mo dito."



Kunot-noong nagmulat si Yuan. Ilang segundo pa niyang hinayaang mag-adjust ang paningin bago nagsalita. "Are you done?"



2025: The Second HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon