First day na pala ng school namin. 3rd year na ako! Yes!. Agad akong pumunta sa kusina para kumain.
"Good morning Ms.Espinosa" sabi nang mga maids namin
"Good morning"
Kumuha ako ng pandesal at margarine. "Ms. Espinosa, ayaw niyo ba mag rice?"
Tumingin ako sa maid namin.
"Wag na busog paman naman ak-" naputol ang aking sinabi nang biglang sumingit si kuya.
"Ang sabihin mo nag-di-diet ka!" Paasar niyang sinabi.
"Hindi kaya!!"
"Deny-deny ka pa!"
Tinignan ko yung relo ko. "Nako! 7:10 na!!!! Sige yaya, kuya mauna na ako!"
Nagmadali akong lumabas sa mansion, nakita ko yung driver ko na hinihintay ako. Agad naman akong sumakay.
"Hayyss.... Late na ako"
"Good morning Ms. Espinosa"
"Good morning!"Nang makarating na ako sa school. Pumunta kaagad ako sa classroom ko.
"Hi Natasha!" Sabi ni Lorenz . Hindi ko siya pinansin.
"Oy, Tasha naman o!" Hinawakan niya yung braso ko dahilan na akoy lumingon.
"Bakit ba?!? Ang kulit mo hindi kita gusto!" Binitawan niya yung kamay ko.
"Mayaman naman ako, lahat ng kailangan mo ibibigay ko"
"Mayaman na ako, nandito na lahat ang kailangan ko" napansin ko na nakatingin na pala ang mga kaklase namin.Pumunta agad ako sa upuan ko, malapit ako sa bintana umupo para makita mo rin yung view at makapag-isip ka ng maayos. Hinihintay ko yung teacher namin, sobrang ingay talaga ng mga kaklase ko para silang bata. May naghahabulan, may nagtatawanan, at nag-aaway. Ewan ko sa kanila. Kinuha ko yung iPod ko at nakinig ng music. May napansin ako isang lalaki. Tahimik lang siya, walang kausap naglalaro lamang siya ng PSP niya. Tekken ata yung nilalaro. Dumating na yung teacher namin.
"Good morning class! Okay class may bago kayong kaklase ngayon. Kindly introduce yourself"
Tumayo yung lalaki.
"I'm Karlos Santos"
Umupo agad siya. Wow, ganun lang kadali sa kanya ha!
"Seems like our new classmate is shy" sabi ni Lorenz. Nagtawanan yung mga kaklase ko
"HAHAHAHAHAHA!!"
"Silence!!" Tumahimik lahat.
BINABASA MO ANG
When Rich Kid Strikes
RomanceSi Natasha Stella Espinosa isang mayaman, maganda at matalino. Halos lahat ng kailangan niya, nandon. What she wants, she gets. Ang tanong nandon na ba talaga ang kailangan niya? Or may kulang? (Please vote my story if you like it)