Tumahimik ang lahat.
Nagstart na mag discuss yung teacher namin. About Jose Rizal. Pagkatapos mag discuss ng teacher namin agad naman siya nagbigay ng quiz.
"Hayss! Ang easy nito, Im sure perfect ten ang makukuha ko"
After 10 minutes of answering the test, pinasa ko yung papel ko sa teacher. Inanounce naman ni teacher yung scores namin."Gonzales you got.. 5/10...study hard!" Agad naman itong kinuha ni Lorenz yung papel.
"Espinosa... Good! You got 9/10" kinuha ko yung papel.
"Ano?!? Bakit nine?!?!"
Nainis ako sa score ko. Bakit saan ba ako nagkamali? Chi-neck ko yung papel ko at yun may wrong spelling pala.
"P**a naman oh, ba't yung spelling pa?! Ayssss..."
"Santos.. You got....WOW!.. 10/10.. Around of applause everyone"
Nagtinginan yung mga kaklase ko sa kanya, tsaka pumalakpak.
Pero pagtingin ko sa kanya, parang hindi siya masaya. Ano kaya problema non.Nag bell na so it means LUNCH TIME NA!!!!! Pumunta agad ako sa tambayan ko, kung saan don ako kumain, magbasa ng libro, at makinig ng music. Oo, ako lang mag-isa wala akong kasama. Meron kasi akong pagka-antisocial. Kinuha ko agad yung lunch box ko at agad akong kumain.
"Ansharap~"May narinig akong footsteps, kinakabahan ako. Baka may multo, wag naman sana. Tumingin ako saglit. Yung new student pala. Si Karlos.
"Anong ginagawa mo dito?!" Pasungit kong sinabi
"Dito ako kakain, bakit?" Kalma lang siya, walang expresyon yung mukha niya.
"Umalis ka dito!" Sumigaw ako.
"Bakit naman? Sayo ba itong school na ito?"
"Hindi"
"So pwede ak-"
"Hindi, umalis ka nalang. Hindi ka bagay dito" pasungit kong sinabi.
Kinuha niya yung bag niya at tumayo.
"Palibhasa kasi,"
"Ano?"
"Mayaman ka" umalis siya. Parang galit siya sa kin.
Nasabi ko lang yon kasi naman gusto ko mag-isa.Pagkatapos kong kumain. Pumunta ako sa library, nakita ko na naman siya.
Kumuha ako ng libro. Nakita niya ako.
"Hoy ikaw!" Sabi niya.
"What?!" Pa-slang kong sinabi.
"Umalis ka dito"
"Wow?! Anong gimik to? Bakit sayo itong library?!"
"Hindi"
"Eh ganon naman pala eh. Hindi mo ito-"
"Matuto kang lumugar, Ms. Espinosa" umalis agad siya.
Nagulat ako don.Nag bell na.
Nag-discuss na naman yung teacher namin about Math. Tumingon ako saglit sa kanya, nagbabasa lamang siya ng Manga, yung parang komiks na punong-puno ng anime. Nagbabasa lang siya."Aba, parang genius tong Santos na toh. Kabisado na yung Math" bulong ko sa sarili ko.
Umalis saglit yung teacher namin kasi may kausap. Nag-iingay na naman sila. Nagbatuhan ng papel at nagtatawan. Muntik akong matamaan. Sa sorbrang inis ko tumayo ako at sumigaw.
"TUMAHIMIK KAYO HINDI PLAYGROUND ANG CLASSROOM NATIN KAYA MAGSIUPUAN KAYO!"
Tumingin sa kin yung mga kaklase ko, at umupo. Saktong-sakto bumalik na yung teacher namin.
"Okay class dismiss"
Nagligpit agad ako ng gamit ko. Pagkatapos ay pumunta agad ako sa locker ko. Magkatabi kami ng locker ni Karlos. Wala eh, naka assign.Nakita ko siya sa may locker room, nakatayo habang naglalaro ng PSP. Tekken 6 Yung nilalaro. Umalis agad ako hindi ko siya pinansin, kasi naghihintay na yung driver ko.
Nakita ko yung driver ko at agad akong sumakay.
*riiiiingggggg!*
Tinignan ko yung cellphone ko este iPhone 6. Si kuya lang pala.
"Tasya-mamen!? Musta na you?! Okay na me?! Hahaahaha!"
"Kuya lasing ka na naman noh?"
"Hindi ako lasheeeng! Drunk lang! Hahaha!!!"Binabaan ko siya. Tahimik lang. Tumingin ako sa bintana ng sasakyan namin, grabe ang traffic!
"Driver"
"Yes, Ms. Natasha"
"Time?"
"6:11"
"Okay"After 30 minutes ng nakarating rin, may mga maids na sumasalubong sa kin.
"Good evening, Ms. Natasha"
"Evening, anong nangyari dito?"
"Si Young master, lasing na naman"
"Asan siya ngayon?!?"
"Pinakalma na siya ni Ms. Natalie"
"Ohh okay, ihanda niyo ako ng pagkain"
Pumunta ako sa kuwarto ko. Tsaka kumain. Pagkatapos kong kumain nag log-in ako sa Facebook ko.
"Oy may friend request"(Karlos Santos added you as friend)
What?! Wow ha. Nang dahil nun parang naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Ang sungit ko non. Hayysss nagstatus ako.
Feeling guilty today, first day? No way?
#guilty -feeling guilty😨Ahwww...
BINABASA MO ANG
When Rich Kid Strikes
RomanceSi Natasha Stella Espinosa isang mayaman, maganda at matalino. Halos lahat ng kailangan niya, nandon. What she wants, she gets. Ang tanong nandon na ba talaga ang kailangan niya? Or may kulang? (Please vote my story if you like it)