-----😒Natasha😒-----
Gumising ako ng maaga. Una kong inisip si Karlos, sinampal ko yung sarili ko.
"Ba't ko naman siya inisip, new student lang siya" sabi ko sa sarili ko habng tumingin ako sa salamin. Binilhan ko lang naman siya ng phone kasi, naawa ako sa kanya. Kinuha ko yung picture frame namin ni Juliana. Napaiyak ako nung nakita ko yung picture naming dalawa napansin ko na may luha sa frame, kaya itinapon ko palayo.
"May susunod ba sayo? Juliana" umiyak ako nung sinabi ko yun.
I hear footsteps na papunta sa kuwarto ko, si ate lang pala.
"Natasha is there any problem?"
"W-wala ate!" Sigaw ko sa kanya habang pinupunasan ko yung mukha ko.Agad akong lumabas sa kuwarto at bumaba para kumain.
"Morning, Aling Tasya!"
"Tumahimik ka jan, kuya ha!" Kinuha ko yung pandesal. Nag-ring bigla yung phone ni kuya. Tinignan ko kung sino, Si Chloe!!!' Sinagot naman to agad ni kuya."Oh, babe musta ka na" sabi ni kuya. Tumayo siya at lumakad palabas.
"I'm sure si ate Mae yun" sabi ni ate.
"Are you sure ate?"
"Y-yeah why?"
"Nothing just continue eating" ngitian ko siya.
"Don't tell me, my ibang babae na naman si kuya?" Sabi ni ate.
"Maybe"
"Natasha I have to go" tumayo siya, at nag,adaling lumabas.
"Okay"Pumunta na ako na school dumiretso muna ako sa locker. May maliit na envelope na naman.
-hi Natasha-
"Sino kaya toh"
Pumunta ako sa classroom ko.
"SINO ANG NAGBIGAY O NAG-IWAN SA KIN NITO SA LOCKER KO" Sinabi ko habng hawak ko yung envelope.
"Hindi ako"
"Hindi rin ako"
"Baka si Lorenz!" Sabi ng isa kong kaklase.
"ahh oo nga, baka siya, sayang absent siya ngayon."
"Ayieee!" Sigaw ng mga kaklase ko.
Tinapon ko yung envelope sa basurahan. Nagulat yung mga kaklase ko.
"Teka ba ka pinaghirapan yan ni Renz, sayang naman tinapon mo" sabi ng isang miyembro ng barkada ni Lorenz.
"I. Dont. Care" sabi ko habang umupo ako sa upuan ko.
Tinignan ko si Karlos, nagbabasa siya ng Manga. Hindi ko nalang siya pinansin, seryoso sa pagbabasa eh. Teka yung phone.
"Hoy!" Tumingin siya sa kin.
"Musta na yung phone?"
"Okay lang, binilhan ko na ng sim card" sabi niya.
"Globe? Sun? Smart? O baka naman ABS-CBN mobile yan"
"Ahh hindi, globe nalang para parihas tayo hehe"
"Ahh okay"Lunch time na rin sa wakas. Pumunta na sa tambayan, naalala ko na naman si Juliana. Dito kami naglalaro nong elementary pa kami. Dito nga kami nag-chichinese garter, ngayon wala na. Hindi ko na alam kung nasan na siya ngayon. Ayaw ko na ring alamin.
"May naalala ka?" Lumingon ako saglit, si Jude.
Si Jude ay kapatid ni Juliana, fourth year student siya. Matalino, mayaman, masungit rin minsan. Protective siya sa kapatid niya. Barkada rin siya ni Lorenz, pero hindi sila ganun ka close. Tahimik lang siya, wala pa nga siyang girlfriend, yep single ayaw niya daw muna mag-ka girlfriend kasi mas uunahin niya muna yung pamilya. Naiinis ako minsan sa kanya, masama ang ugali minsan. Sabi-sabi na rin na may feelings daw siya sa kin o crush.
"Wala, wala akong naalala, aalis na ako" agad akong nagligpit ng gamit ko.
Lumapit siya sa kin at hinawakan ang braso ko, unti-unti namang lumapit ang mukha niya sa tenga ko, may binubulong siya.
"Hindi pa tapos ang laban" bulong niya sa kin.
"Anong ibig mong sabihin, ha!" Sigaw ko sa kanya.
Nag-evil smile siya sa kin. Hinawakan niya parin ang braso ko habang yung isa niyang kamay ay hinawakan ang buhok ko. Medyo nanginginig ako.
"Hindi ko alam, subukan mo kayang alamin" nag-evil smile na naman siya. Hinalikan niya yung cheeks ko at hinawakan yung noo ko. Tinulak ko siya palayo at agad akong lumakad palayo sa kanya. Tumakbo ako sa CR.
"Parang kinakabahan ako sa sinabi niya" tumingin ako sa salamin.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ang driver namin.
"Hello, driver sunduin mo ako, masama ata yung pakiramdam ko" *tooot*
Habang wala pa yung driver ko naki-usap muna ako sa teacher namin na mag-excuse muna kasi masama yung pakiramdam ko, buti nalang pumayag si teacher na mag-excuse muna ako. Lumabas ako room at pumunta sa parking lot sakto nandito na yung driver namin.
"Ms. Natasha, dinalhan ka ni Ms. Natalie ng gamot" inabot niya sa kin yung gamot.
"Thanks." Pumasok na ako sa sasakyan. Sa sobrang traffic hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.-------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Natasha!" I hear an echoing voice.
"Natasha!" Kilala ko ang boses na yun.
"Natasha! Samahan mo ako sa mundo ng mga bulalak, samahan mo ako" inabot niya ang kanyang kamay sa kin.
"Samahan mo na ako Natasha"
"Ayoko"
"Kung ayaw mo, kukunin ko sayo pinakamamahal mong tao"
"Anong ibig mong sabihin?"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------Nagising nalang ako sa katotohanan. Hindi ko namalayang nasa kama na pala ako. Hinawakan ko ang noo ko. "Wala pala siya dito."
Pinakamamahal daw, sino naman yun hindi ko naman mahal si Lorenz tsaka si Jude, hindi rin kami magkaibagan ni Karlos. Kaaway ko naman si Chloe.
Pagod lang siguro ako, pumasok si ate sa kuwarto ko may dalang gamot at pagkain.
"Natasha, are you okay?"
"Yes, ate pagod lang siguro ako"
"Pagod ka ba talaga o may iniisip ka"
"Both, ate"
"Si Juliana na naman?"
"Oo, hindi siya maalis sa isip" Niyakap ako ng ate. Unti-unting tumulo ang luha ko.
"Sino ba ang nagpa-alala sayo niyan, si Jude ba?"
"Oo"
"Sabi ko na nga ba eh, gulo na naman ang dala non"
"Siguro nga.."
"Isusumbong ko siya kay daddy"
"Wag na ate, baka isipin nila na sumbongera ako"
"Yan ka na naman eh, iniisip mo yung sinasabi ng mga tao"
"S-sorry ate"
Pumasok naman si kuya.
"Oy, anong nangyari sa yo?" Hinawakan niya yung noo ko.
"Nilagnat siya, pero parang okay na rin para makapagpahinga naman siya"
"Ahh okay, punta muna ako sa bar ha may aasikasuhin lang ako don"
"Si Mae ba yan?"
"Ahhh Oo, si Mae nga" parang nag-dadalawang isip siya nung sinagot niya ang tanong ni ate.
"O sige, umuwi ka ng maaga ha!"
"Oo, aling Tasya magpagaling ka diyan." Lumabas na siya.
"Natasha gusto mo bang lumabas muna sa kuwarto? Doon lang tayo baba manuod ng TV"
"Sigi ate" tumayo ako at dahan-dahang lumakad papuntang living room.
"Dahan-dahan lang"
Maya't-mayay may kumatok sa pintuan namin.
"Yaya, paki bukas!"
Pagbukas sa pintuan nagulat nalang si ate.
"MAE?!?" gulat na gulat si ate.
"Oo, ako nga Natalie bakit?
"D-d-diba nandon ka sa bar?"
"Ha?! Hindi noh. Pumunta lang ako dito para kausapin si Nathaniel" sabi ni ate Mae.
"Ehh wala siya dito, kaka-alis lang nya papuntang bar sabi niya sa kin may aasikasuhin daw kayong dalawa sa bar?"
"Ha?! Wala noh!"
"Ayy nako"
Nagsisinungaling na naman si kuya.
"Natasha pumunta ka muna sa room mo, may uusapin lang kami ni ate Mae mo"
"pero ate-"
"Sigi na punta ka na don"
Pumunta nalang ako don, hindi na ako bata! Omygerd~
BINABASA MO ANG
When Rich Kid Strikes
RomanceSi Natasha Stella Espinosa isang mayaman, maganda at matalino. Halos lahat ng kailangan niya, nandon. What she wants, she gets. Ang tanong nandon na ba talaga ang kailangan niya? Or may kulang? (Please vote my story if you like it)