------😨Nathaniel😨------
"Nako! Baka malaman nila ate na hindi talaga ako sa bar pupunta" bulong ko sa sarili ko habang sumasakay sa aking sasakyan. At tsaka hindi naman si Mae ang pupuntan ko eh, si..... Basta, mamaya ko na sabihin.
Traffic na naman, bakit palagi nalang traffic sa lugar namin ewan ko ba ang yayaman ng mga tao ngayon maraming sasakyan :3. Malayo pa ang destination ko, sabihin nalang natin sa isang abandunadong lugar o bahay. Makikipag kita daw sa kin si Jude. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin, ayokong sabihin kay ate ang nangyari. Baka kasi di ako payagan non lalo na si Natasha a.k.a Aling Tasya. Ayoko rin naman na mag-alala sila. Sa sobrang pag-iisip ko muntik akong mabangga, truck pa! Nanlaki ang mga mata ko, buti nalang naka brake kaagad ako.
"gusto mo bang mamatay, bata?!?" Sigaw sa kin ng driver at agad umalis.
"Nagulat ako don" huminga rin ako nang maluwag.
Malapit na ako. Saktong-sakto mag-aalas 5 na. Nakita ko si Jude parang may dala siyang mga tauhan. Bumaba ako sa sasakyan ko.
"Pare, musta ka na?" Inakbayan niya ako.
"Ahh okay lang"
"Bakit di sinama yung mga kapatid mo?"
"Ahh busy, Oo busy sila"
"ahh ganun, parang kinakabahan ka ata"
"Ano? Wala ha!"
"Good then lets go inside"
Nang nasa loob na kami, walang tao kasi iniwan niya ang kanyang mga tauhan sa labas. Sirang-sira na rin yung mga kahoy at mga gamit.
"Anong gagawin natin dito?" Sabi ko.
"Wala lang" ngumiti siya sa akin.
"kumusta naman si Natasha?"
"Okay lang naman siya, nilagnat lang konti"
"Ahh talaga, naka-move on na ba siya"
"S-s-sa ano!?"
"Nagmama-angan ka pa, alam mo naman eh" kinakabahan ako sa sinabi niya, may binulong na naman siya sa kin "di ba nandon ka"
"Wala akong alam sa sinasabi mo!" Sigaw ko sa kanya. "Jude, ano bang gusto mong pag-usapan ha?!"
May sumingit na boses babae.
"Wag mong sigawan ang kuya ko!" Naka wheel chair siya.
"J-juliana?"
"Oo, ako nga" tumayo siya sa wheel chair niya, naka heels pa.
"Gumanda lalo si Natasha ah! Kaya pala gusto siya ni kuya" sabi ni Juliana.
"Tssss... Mapagbiro talaga tong kapatid ko" sabi ni Jude.
Parang kinakabahan ako, napapaligiran ako ng mga Abanes.
"Ahh parang tinawagan ako ni Natasha, uwi na ako"
"Teka!" Sabi ni Juliana.
"Pahinge naman number ni Natasha" ngumiti si Jude sa akin.
"Ahh sige ba" nag apir silang dalawa "09********1"
"Salamat" sabi nila.
Agad akong lumabas at sumakay sa kotse. Pagka andar ko ng sasakyan napansin kong nakatingin sila sa kin. Buti nalang napaikot ko sila, hindi naman talaga number ni Natasha yun, kundi sa kin. Nagdadalawang isip na naman ako, uuwi ba ako sa amin? O didiretso muna ako sa bar? Uuwi nalang ako. Naka go na yung sign, parang may sumusunod sa kin mga tauhan ni Jude. Lumiko nalang ako sa may Mall para hindi nila matuntunan ang bahay namin. Buti nalang nailigaw ko sila, ngayon na nandito ako sa Mall punta muna ako sa Starbucks, magpapalamig. Nagorder na ako tapos pumunta sa may bakanteng upuan.
"Hey"
Tumingin ako, si Chloe pala.
"Why are you here?"
"Hinanap kita kanina sa bar, wala ka pala don"
"May inasikaso ako"
"Ano naman yun?"
"Hindi ano, sino"
"Kung ano man yan, sana maging maayos rin" nag-nod siya.
"Break na tayo"
"A-ano?!? P-p-pero 1 month pa lang tayo?!"
"Hindi pa ba sapat sayo ang 1 month? Tapusin na natin to, ayoko merong masaktan"
"Bakit dahil ba yan kay Natasha ha?!"
"Walang kasali dito si Natasha!" Sinigawan ko siya. "Mahal ko si Mae, siya ang gusto ko"
"Okay fine" kinuha niya ang bag niya. "Sana magtagal kayo" umalis na siya.
"Tsss"
Umuwi na ako sa amin. Pagkarating ko sa bahay namin nandon si Mae!
"HOY! IKAW SAAN KA GALING?!?!" Sabi ni ate.
"Sa Bar"
"SA BAR? TALAGA LANG HA?! TAPOS KASAMA MO SI CHLOE!?"
"Hindi, hindi ko siya kasama, akala ko kasi nandon si Mae"
"Ehh nagtext naman sayo si Mae ahh na pupunta siya dito!"
"Ahh talaga, hindi ko na receive sa text"
"Hindi mo na receive o dinelete mo?"
"Ahh basta pupunta na ako sa kuwarto ko"
"hOy! Hindi pa tayo tapos!" Patuloy akong umakyat sa kuwarto ko.Sinara ko yung pinto ng malakas. May kumatok na naman.
"Sino yan?!"
"Si Mae"
Binuksan ko yung pintuan.
"Bakit ka nandito, eh galit ka naman sa kin"
"Pinapatawad na kita"
"Okay"
"Teka, ikaw galit ka paba sa kin?" Sabi ni Mae. "Alam kong hindi mo ako matiis" niyakap niya ako sa likod. "Anghel ka pa naman Nathaniel, grabe ang sikat mo na nandon ka na sa TV" paasar niyang sinabi.
"Oo, pinatawad na kita"
"Yehey!"
Nag-cuddle kami, grabe ang ingay ingay namin. Gusto ko nga sana mag Xbox kaso nandito ang babaeng mahal ko eh, sulitin na natin toh!
"Teka teka, may nag text sa phone ko" sabi niya. "Oy uwi na ako nandon na mommy ko, bye baby ko" hinalikan niya ako.
"Bye rin Honey ko!" Kumaway siya sa kin at agad umalis.
"Hay grabe ang araw na ito" humiga ako sa kama ko, nang biglang may nag text.-hi Natasha-
Alam ko kong sino toh.
BINABASA MO ANG
When Rich Kid Strikes
RomanceSi Natasha Stella Espinosa isang mayaman, maganda at matalino. Halos lahat ng kailangan niya, nandon. What she wants, she gets. Ang tanong nandon na ba talaga ang kailangan niya? Or may kulang? (Please vote my story if you like it)