Chapter 4: Think pt.2

24 1 0
                                    

---------😄Karlos😄---------

Nagbell na sa school. Hmmmmmmmm napansin kong wala siya, si Natasha. Ba't wala siya? Parang nabaguhan ako. Sa kakaisip ko kay Natasha, hindi ko namalayang tinawag na pala ako nang teacher.
"Santos!"
"Ahh yes, mam?"
"Kanina pa kita tinatawag, don't tell you are also not feeling well just like Espinosa"
Ahhh may sakit pala kaya nag half-day.

Nag dismiss na, pumunta muna ako sa canteen at bumili ng ice-pop. May nakita akong magkasintahan na ang sweet sweet! Ngumiti ako. Ako kaya kailan kaya ako magka-lovelife? Hay nako ni wala nga akong crush girlfriend pa kaya. Pumunta ako sa tambayanan ni Natasha, baki kaya gusto niya mag-isa lang siya dito di ba siya natatakot. May nakita akong nakasulat sa puno. "bestfriends forever" ang nakasulat kaso parang inekisan yata. Teka baka si Juliana ang bestfriend ni Natasha! Wew. May bestfriend pala siya. Ang tanong nasan si Juliana? Teka bakit na curious ako bigla sa Juliana na yun? Umuwi nalang ako, wala akong kasama eh.

"Hi, ma!" Nagmano ako kay mama.
"Kumain ka na ba?"
"Opo, ma!"
"Kumusta ang bago mong school, okay lang ba?"
"Ahh okay lang, mama" ngumiti ako kay mama.
"Anak, uuwi na ako sa Japan bukas. Promise pag balik ko bibilhan uli kita ng action figures at Manga" ngumiti si mama sa kin.
"Ma, dito ka muna!"
"Nako anak magagalit yung boss ko"
"Sigi na mama!!" Para akong bata kung magsalita.
"Ito pera. Pang Internet mo basta maintain mo lang ang good grades mo"
"Okay.." Kinuha ko yung pera at lumabas.

Habang naglalakad ako iniisip ko si mama, minsan kasi binubugbog siya sa amo niya. Naawa ako. Wala man lang akong magawa. Nakakalungkot isipin, pero minsan hindi sapat ang sweldo niya para ipadala sa aking auntie sa probinsiya, marami kasing anak si auntie. Nakarating na ako sa Internet Cafe.

"Kuya, 1 hour" inabot ko yung pera sa kanya.
"Parang matamlay ka ata, Karl. May problema ka ba?"
"Ha? Wala-wala"
"Dota lang katapat niyan!"
"Hehe"

Naglog-in muna ako sa Facebook, online siya. Mamaya ko na ichat? O ngayon na?
Nagdadalawang isip ako, sayang naman yung perang binayad ko kung wala akong maggawa. Chinat ko nalang siya.

-Me: hi-
(Natasha is typing...)
(Natasha is typing...)
(Natasha is typing...)
(Natasha is typing...)
Tagal maka reply. Ano kaya ang sasabihin nito.

(Seen 6:32 PM)

P**a na-seenzoned ako!!! Ano ba naman yan! Na bad-trip ata ako.
(Natasha is typing...)
(Natasha is typing...)
-Natasha: hello-

What? Sa haba-haba ng "Natasha is typing" hello lang sinagot niya?!? XD. Parang hindi na to tama, ha! Nilog-out ko ang facebook at nag............Dota!!! XD. Oo gamer nga ako, pero hindi ko pinabayaan yung grades ko, oh diba! Ganda pakinggan sa tenga noh, after 1 hour of playing hindi ko napansing nag text pala si mama sa kin, syempre may phone na ako. iPhone pa!
-anak uwi kna dito.-
-malapit na ako matapos ma, wait lng-

Nag-log in muna ako sa fb ulit. May friend request, dalawa.
(Renz Gonzales added you as friend) Sino toh? Si Lorenz?
(Jude Abanes added you as friend) Sino naman toh?
Kinon-firm ko si Lorenz pero yang Jude hindi pa, hindi ko kilala eh tsaka bago rin ako sa school namin kaya hindi ko pa kilala yung mga famous. Hindi ko nakita yung oras, kaya nag-off bigla yung computer.
"Teka! Teka! Hindi ko pa nalog-out yung Facebook ko!"
"Umuwi kana Karl, hinihintay ka na ng mama mo. Ako na bahala sa Fb" parang nag troll face siya.
"Ikaw na bahala ha!"
"Oo, ako pa!" Ngumiti siya sa kin, sabay kindat.

Umuwi na ako, nakatulog na pala si mama. Dapat rin siguro matulog na rin ako. Para ready na naman ako bukas.
Sana okay na si Natasha.

When Rich Kid StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon