Chapter 3: Partner pt.2

61 3 0
                                    

----😄Karlos😄----

Pagkapasok ko palang sa mansion nila Natasha, natulala ako. Grabe! Sobrang laki may chandeliers pa, punong-puno ng diamonds.
Habang nag-uusap si Natasha sa mga kapatid niya, umupo muna ako sa sofa. Mahaba at malaki yung sofa nila gusto ko sana humiga kaso sa kin ang bahay na ito, nakakahiya. Kahit saan ka tumingin madami talagang maids na naka-abang. Naswelduhan ba talaga sila? Grabe mayaman nga talaga sila.
"Ganda naman ng mansion nila"
Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si Natasha. Nako galit na naman toh.
"Tumayo kana jan, doon tayo sa kuwarto ko mag-study" sabi niya.
"O sige" sabi ko.
Pumasok ako sa kuwarto niya, grabe! Malaki rin! May chandelier din.
"Dito ka umupo" sabi niya.
"S-salamat"

Binuklat ko yung aklat ko, para makapagsimula kami.
"Karlos"
Tumingin ako sa kanya.
"Pahinge number mo"
"Ehh wala akong cellphone ehh" parang nahihiya akong sabihin sa kanya na wala akong cellphone.
"Ahh okay, ang poor pala ng partner ko" sabi niya sa kin.
Ngumiti nalang ako, na-insultu ako sa sinabi niya pero tinago ko nalang yun.
"5:32 PM pa pala"
"Uhh oo"
"Dali i-review natin to, may pupuntahan tayo"
"S-saan?"
"Mag-review ka nalang, okay?" Ngumiti siya sa kin.
"K"
After 30 minutes of review. Tumayo ako.
"Sige Natasha uwi na ako"
"Teka May pupuntahan pa tayo" nakasuot siya ng dress. Ang ganda niyang tignan.
Natulala tuloy ako.
"S-s-saan"
"Basta, sasama ka o hindi?" Pasungit niyang tintanong.
"Oo, sasama ako"
Agad kaming lumabas sa kuwarto ko.
"Punta muna ako sa room ng kuya ko, diyan ka lang"

Tumingin muna ako saglit sa mga picture frames. Tatlo silang magkakapatid sina Natalie, Nathaniel at Natasha. "N" talaga sila noh. May napansin akong frame, hindi siya naka display kaya tinignan ko. Larawan ng isang masayang Natasha na may kasamang babae. May nakasulat na, binasa ko.
"Me and Juliana, age 12" sino naman tong si Juliana? Napansin kong may isang notebook este scrapbook pala, binuklat ko ito. Madaming pictures.
"Malamang matalik na mag kaibigan sila Juliana at Natasha" ngumiti ako. Ang laki ng ngiti ni Natasha dito sa mga pictures. May nakita pa akong pictures na naka-akbay si Juliana kay Natasha, nag-peace sign pa nga si Natasha. Binaba ko nalang yung scrapbook at picture frame. Baka dadating bigla si Natasha. At oo nga dumating siya.

"Bumaba na tayo" parang nainis siya.
Agad naman akong bumaba baka magalit na naman yon.
"Driver, punta muna tayo sa bar" utos niya sa kanyang driver.
"Ha?! Sa b-bar" sabi ko.
"Oo, sa bar. Bakit?"
"W-wala"
Na-traffic ata kami. Tinignan ko siya, wala lang nag-lalaro sa iPad niya. Gravehh rich kid talaga! Pero teka bat naman kami pupunta sa bar? Ene be nemen yen~
"Karlos" nabigla ako nang tinawag niya yung pangalan ko.
"Mayaman ba kayo?" Tanong niya sa kin habang naglalaro siya ng iPad.
"Ahh kami? Hindi slight lang, poorch" sabi ko.
"Anong poorch?"
"Half poor, half rich"
"Ahh okay, wait paano ka nagka-PSP? diba mahal yun?" Itinaas niya yung eyebrows niya.
"Bigay sakin ni ninong yon" ngumiti nalang ako para hindi halata na nainis ako, baka kasi mag-isip yun ng malisya.
"Ohh, si ninong nga naman.."
"Hehehe"
"So yung ninong mo rin ang nagpasok sa sa academy?"
"Ayy hindi yung nanay ko" ngumiti ako.
"Ohh, what's your mother's work anyway?"
Ano ba yan, tanong ng tanong. "Ano, kasi-"
"Oh wait nandito na pala tayo, dali bumaba ka na"
"pero hindi ako pwedeng pumunta sa bar"
"At bakit naman?"
Hinila niya ako palabas sa kotse.
"Hindi pa ako pwede mag-disco" sabi ko sa kanya.
Nabigla ako nang tumawa siya bigla.
"Disco?!" Sabi habang tumatawa siya. "Ehh hindi naman tayo mag-didisco eh!!" Tumawa pa rin siya. "Excuse me hindi kaya ako mag-didisco sa katulad mo, may pupuntahan lang tayo dito, at yun ay ang kuya ko!"
Nakakahiya yun!! Omygod! Pero teka nasaktan ako sa sinabi niyang ayaw niyang makipag-disco sa kin. Ouch! Pumasok na kami sa loob, ang ingay sobrang ingay may mga nagsasayawan, at nagiinoman.
"Dito ka muna, maghintay ka lang tatawagan ko muna si kuya" umalis siya.
"Teka!" Huli na. Umalis na siya papuntang second floor. Hay anong gagawin ko dito?
May babaeng lumapit sa kin.
"Pogi, sayaw tayo" hinila ako ng babae.
"Ahh hindi na!" Pero huli na, nasa dance floor na ako, kaya napasayaw ako.
Hindi ko namalayan na nandon na pala si Natasha, agad akong tumakbo.
"Wow, sabi mo sakin hindi ka nag-didisco, eh ano yun? Dance lang?"
"Kasi"
"Malandi ka rin siguro noh? Kagaya ka rin ba ni Chloe?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Yung babae na kasayaw mo kanina, may boyfriend na yon"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Hindi naman ako malandi, yung babae lang yung humila sa kin para sumayaw"
"Awww okay, good you explain it to me para maliwanagan din ako" ngumiti siya sa kin.
"Salamat at naintindihan mo" sinabi ko nalang yon para hindi yun magalit.
"Driver punta tayo sa mall" utos niya.

Ano na naman ang gagawin namin sa mall? Hay, nako...
Hinila niya ako sa papuntang iStore.
"Anong ginagawa natin dito!? Bibili ka ng phone? Eh meron kanang iPhone ahh!"
"Hindi ako bibili, ikaw!"
"Eh wala akong pera!"
"Ahh basta ito piliin mo" inabot niya sa kin yung iPhone 6
"iPhone 6!? Ahh oo, ito nga gusto ko pero-"
"Edi bilhin na natin"
"Ha?! Bibilhin natin yan"
"Ayaw mo?" Sungit ng tingin niya sa kin.
"Gusto ko-"
"Ayun naman pala eh"
Inabot niya sa cashier, siya yung nagbayad. Nakakahiya naman toh! >.<
"O, sayo yan pag-ingatan mo!"
"S-salamat!" Hindi ako makasalita. Binilhan niya ako ng phone?!
"Ngayon ikaw na ang bumili ng sim niyan, at naka save na yung number ko diyan"
"Thank you!"
"Wag mo sanang isipin na friends tayo, hindi tayo friends okay" ngumiti siya sakin.
"Eh ba't mo ko binili nito, kung hindi naman rin tayo kaibigan?"
"For emergency lang yan"
For emergency lang pala.
"Punta mo na tayo sa Starbucks"
"Wag na, nakakahiya"
"Uuwi kana?"
"Ahh oo"
"Ihahatid na kita sa inyo"
"Sige na, para makita ko yung bahay niyo"
"Sigi na nga" mapumilit eh.

Nakarating na kami sa bahay ko. Hindi na siya bumaba.
"Ingatan mo yan ha"
Umalis na yung sasakyan, binuksan ko kaagad yung paper bag. Grabe! Ngayon lang ako naka-experience nito.

Nag-review ako saglit, baka kasi malimutan ko. Habang nagre-review ako, iniisip ko siya si Natasha. Tumingin ako sa langit "Lord, salamat dahil binigyan mo sa kin si Natasha" 8:34 PM na matulog na ako.

Good night. Teka sino nga pala si Juliana?

When Rich Kid StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon