Dumating ako ng maaga sa school. Kaya pumunta nalang ako saglit sa locker ko, pagbukas ko may isang sulat. May maliit na envelope.
"Hmm, ano toh?" Binuksan ko yung envelope.-Hi Natasha, maganda ka at matalino. Sinu ba naman ang hindi magkakagusto sayo, ehh halos na sayo na ang lahat, parang kanta lang ni Daniel Padilla diba? Oo, gusto kita Natasha. Pwede ba manligaw?-
At sino naman kaya ang gagawa sa kin nito? Binalik ko nalang yung envelope sa locker ko. Pagka-sira ko sa locker ko bumalagta yung mukha ni Chloe. Nagulat ako.
"Hey there, Natasha!" Sabi niya.
"Hi" Sabi ko sa kanya.
"Asan nga pala yung kuya mo?"
"Bakit mo naman siya hinahanap?"
"Like hello!! Ako yung una nagtanong, tapos tatanungin mo ako?" Pasungit niyang sabi sakin.
Sinampal ko siya. "Bakit may relasyon ba kayo ng kuya ko, hmmpp"
"Bastos ka rin noh."
Sasampalin na niya sana ako, pero buti nalang nahawakan ko yung kamay niya.
"Ikaw ang bastos, nilalandi mo yung tao na may ka-relasyon na!" Agad akong nag-walkout. Charrrr naka heels pa ako.
"Palihasa kasi Rich Kid ka!!!" Sigaw niya sakin, habang naglalakad ako.
"Like I care" bulong ko sa sarili ko.Nagstart na yung class. Nandito narin yung teacher, ang sama ng tingin sa kin ni Chloe buti nalang napansin siya ni teacher.
"Is there any problem, Chloe?" Tanong ni Mam.
"W-wala po, mam"
Ngitian ko siya. At parang nagalit. May napansin akong nakatingin sa kin at si Karlos yon, akala niya siguro siya ang ngini-tian ko. Naka smile siya sa kin."Ano kayang problema non, parang baliw" bulong ko sa sarili ko.
"Okay class, I want you all to choose a partner. Dapat boy and girl ,Okay!" Sabi ni teacher.
"Yes, mam"
Tumayo ako at humanap ng partner, halos lahat may partner na maliban kay Karlos. Nakatayo lang siya nagbabasa ng Manga, yung komiks ha! hindi yung prutas.
"May partner kana?" Sabi niya sakin habang nagbabasa siya ng Manga.
"W-wala pa, ehh ikaw?"
"Wala rin" sinara niya yung libro. "Tayo nalang?"
Parang namula ako sa sinabi niya kanina. "Ahh s-sige"
Bumalik agad ako sa upuan ko.
"Seems like everyone has a partner now, good" sabi ni teacher. "Okay so may partner na kayo diba? Your partner will be your study buddy"
Whaaaaat?! Study buddy ko si Karlos?!
"So I want to study about Algebra okay..!"
"Sus algebra lang naman pala." Bulong ko sa sarili ko.Nag bell na. Lunch time.pumunta agad ako sa tambayan ko, agad akong kumain. Napansin kong may lumapit sa kin at si Chloe yun.
"Hoy, Natasha!"
"Bakit?"
"Asan nga ba yung kuya mo, hah?!"
"Nasa mansion" patuloy akong kumain.
"At may pa mansion-mansion ka pang nalalaman , ahh!"
"Bakit? Totoo naman ha, mansion yung bahay namin ehh sa inyo, kubo?!" Sabi ko nang paasar.
"Hindi kubo ang bahay namin!!" Galit niyang sinabot ang tanong ko. Sinampal niya ako. Agad ko naman siya binuhusan ng tubig.
"Ayan! Maligo ka muna, masyadong mainit yang ulo mo!"
Tinapon ko sa kanya yung water bottle at kinuha yung bag ko, saktong-sakto tapos na ko kumain. Tumayo ako. Lumingon ako saglit at hinagis ko sa kanya ang panyo ko."Sayo na yan, mahal yang panyo na yan, mahal pa yan sa buhay mo" agad akong umalis.
Pumunta ako sa classroom nakita ko si Karlos parang may hinihintay.
"Oh, nandito kana pala" sabi ni Karlos.
Ako pala yung hinihintay niya.
"Oo, nandito na ako so?!?"
"Diba study buddy tayo"
"Oo nga"
"Kaya mag-study na tayo!"
"Mamaya na, after dismissal. Punta ka sa amin"
"O sige, ikaw masunod"Nag bell na.
Na bored ako sa klase kaya nag-decide ako na lumabas muna.
"Mam"
"Yes, Ms. Espinosa?"
"May I go to the Comfort Room?"
"Okay"Agad naman akong lumabas. Nag-suklay ako sa buhok ko, magulo kasi eh. Kinuha ko yung wallet ko, tinignan ko yung wallet baka wala nang pera. May nahulog na picture, picture ng kaibigan este enemy ko.
"Parang kahapon 1st year pa tayo. Ngayon, ewan ko"Bumalik na ako sa classroom ang gulo kasi wala pa yung next teacher namin. Ayun magulo na naman sila. Dumating na yung teacher.
"Class, may project tayo sa HELE(home economics). I want you to pay 150 pesos"
"Yes, mam"After 30 minutes of discussion and 15 minutes of answering our book, dismissal na rin.
Pumunta na ako sa driver ko. Biyahe agad, pagod ako ehh.
"Nandito na rin sa mansion! Hay salamat!!"
"Ate! Si aling tasya nandito na!"
Sinuntok ko si kuya sa may tiyan.
"Tumahimik ka kuya, hah!"
Bumaba si Ate Natalie galing sa itaas.
"Natasha!"
"Yes ate"
"Tapos ka na ba kumain?"
"Ahh opo ate, kumain na ako sa labas"
May kumatok sa pintuan namin.
"Yaya paki bukas"
Pag bukas non , Karlos nandito.
"Hoy! Anong ginagawa mi dito?" Malakas kong pagkasabi.
"Di ba sabi mo sakin. Pupunta ako sa bahay niyo para mag study?"
"Ahh oo nga pala, s-sorry"
"Okay lang" ngumiti siya sa kin.
"Uhmmm ate punta lang kami sa kuwarto ko ha!"
Sumingit naman si kuya.
"ANO, KUWARTO YOU SAY?" Sabi ni kuya.
"Oo, kuwarto. Bakit?"
"At ano naman ang gagawin niyo sa kuwarto ha?!" Singit ni ate.
"Mag-aaral" sabi ko.
"Mag-aaral?! Ano naman ang pag-aaralan niyo ha?" Sabi ni ate.
"NAKO! NATASHA ANG BATA MO PA PARA SA MGA GANYAN!!" Sabi ni kuya.
"Teka!! Mag-aaral lang kami tungkol sa algebra. Hindi kami gagawa ng kalokohan"
"Maasahan ba yan?" Sabi ni kuya.
"Oo naman!" Sabi ko.Hay nako.
BINABASA MO ANG
When Rich Kid Strikes
RomanceSi Natasha Stella Espinosa isang mayaman, maganda at matalino. Halos lahat ng kailangan niya, nandon. What she wants, she gets. Ang tanong nandon na ba talaga ang kailangan niya? Or may kulang? (Please vote my story if you like it)