Chapter 6: Ignored

23 1 0
                                    

-------😔Jude😔-------

10 years ago:

"Kuya Jude, Kuya Jude pakibukas nitong water bottle" cute na boses ni Natasha.
"Pwede ba Tasha wag mo na akong tawaging kuya, hindi naman siguro ako ganun ka tanda, diba?" Sabi ko.
"Ahh okay, sige. Jude pakibukas nitong water bottle" binuksan ko ito.
"Thank you!" Ngumiti siya sa kin.

Bata palang kami ni Natasha magkakakilala na kami, ka edad lang siya ng kapatid kong si Juliana. Oo, maganda nga si Natasha sobrang sexy pa. Nagkagusto ako sa kanya simula bata pa kami.
Hindi ko akalain na tatamaan ako sa mas bata sa kin, 8 years old pa ako nun, 6 years old naman siya. Marami nang ipinakilala si mama sa kin na mga babae pero ni isa sa kanila hindi ko nagustuhan. Nagkakilala kami ni Natasha ng dahil ni Juliana, magkaklase kasi sila nong Kinder palang sila. Ako ang tagapagtangol ni Natasha kapag binubully siya noon.

"Mama, pwede po ba ako pupunta sa kanilang Tasha?" Sabi ng kapatid kong si Juliana.
"Oo, pero kailangang may kasama kang nakakatanda sayo, si yaya mo" sabi ni mama.
"Ako nalang Ma"
"Sigurado ka Jude?"
"Oo, ma malapit lang naman ang mansion nila Tasha"
"Ahh sige sige pero kailangan umuwi ng maaga ha! Pagpasok niyo sa mansion kailangan mag-mano muna kay Tita Nasie"
"Opo mama"

Umalis na kami ng kapatid ko, naglalakad lang kami malalakaran lang naman ang mansion nila Tasha.
"Kuya ba't bigla kang sumama diba may assignments ka?"
"Mamaya ko na gawin yun"
"Nandito na tayo kuya, dali pasok na tayo!"
"Hi po Tita Nasie, mano po"
"Hi Juliana, hi rin sayo Jude"
"Mano po"
"Kumain muna kayo, may cookies dun sa kusina"
"Sig-" tinakpan ko ang bibig ni Juliana.
"Wag na po, kakakain lang namin"
"Sige umakyat na kayo"
Umakyat kaagad kami sa kuwarto ni Tasha.
"hi tasha!"
"hi Juli"
Halos 1 oras sila naglalaro.
"Teka, teka Tasha punta muna ako sa CR, wait lang ha" lumabas si Juliana para mag-cr kami nalang dalawa ni Tasha.
"Hi tasha" sabi ko sa kanya.
Kumaway lang siya sa kin, nakangiti siya.
"Kumusta ka na?"
"Okay lang"

Nagtatawanan kami, at naglalaro masaya kami kasama ang kapatid ko. Wala kasi yung kapatid ni Tasha noon, nasa Japan sila nung panahon na yun.
Nung nag 15 na ako tapos 13 na siya. Transferee siya noon wala pa siyang masyadong kaibigan. Nung time na yun parang nag-change na ako, minsan kasi umaandar itong manyakan ko nahahawa kasi ako sa mga barkada ko minsan nga tumitingin ako sa internet ng mga ano-ano(alam niyo na)

Isang araw may pinupuntahan kaming party grabe ang ganda niya para siyang diyosa. Parang siya lang nakikita ng mga mata ko.
"Lapitan mo na pare" sabi ng isa kong kaibigan.
Tinulak nila ako ng mga barkada ko.
"Hi tasha"
"Hi"
"Ganda mo ngayon ahh"
"Ahh thanks.. Salamat"
"Pwede ba tayong lumabas muna?"
"S-sure"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Na-realize ko na bumabalik na naman ako sa nakaraan. Tawagan ko kaya siya, iinbitahin ko siyang mag-kape, or mag enjoy enjoy muna. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya. *ringing* . Hindi ako sinasagot, tama nga ang hinala ko hindi kay Natsha tong number na to kundi kay Nathaniel. Bwiset talaga yong Nathaniel na yon hadlang minsan sa relasyon. Puntahan ko nalang siya, hindi ko naman alam ang bahay nila.
"Bwiset talaga!"
Pumasok ang isa sa mga tauhan ko.
"Boss, natuntunan ko na ang mansion nila Natasha"
"Mabuti naman, ihatid niyo ako dun"
Sumakay na ako sa kotse, nakarating agad kami. Pero hinadlangan kami ng guwardya.
"Sino po sila?" Tanong ng guard.
"Kaibigan ni Natasha"
Binuksan agad yung gate at pumasok kami. Kumatok ako sa pintuan at pinapasok ng mga maid nila. Pumunta ako sa room niya, hindi na ako nagpasabi na nandito ako para surprise.
"Sino yan yaya? J-jude?" Sabi ni Tasha.
"Yep It's me!"
"Bakit ka nandito?!"
"Just wanna visit you, is there something wrong?"
"W-wala"
"Wala ka paring pinagbago noh? Sexy ka pa rin"
"Tumahimik ka!"
"Yaya iwanan mo muna kami"
"Sige mam" umalis agad yung maid.
"Labas!"
"Ganun mo ba tinatrato ang bisita mo ha?!"
"Oo, at wala kanang paki-alam dun kaya Labas!!"
I pin her to the wall. Parang nanginginig siya.
"Siguro nasa tamang edad ka na para sa mga ganito, hehe"
Tinulak niya ako bigla.
"Bastos ka!"
"P****g i*a mo! Mutik na akong madapa"
"Sana nga nadapa ka nalang"
"Ganyan ka na talaga maka salita noh? Saan mo naman na tutunan yan?"
"Sa akin lang, guards palabasin mo siya"
"Teka teka lang, pahingi muna number mo"
"09********8 O meron na kaya lumabas ka na please!!"
Hinalikan ko siya sa cheeks niya sabay kindat.
"Sige bye!"
Sumakay na ako sa kotse ko. Parang best day of my life.
"Musta naman boss?"
"Sayang hindi ko natikman, may mga guwardya eh"
"Uuwi na tayo boss?"
"Sige uwi na tayo"
Pagka-uwi ko sa amin nakita ko si Juliana naka upo sa wheel chair parang nag-alala
"Saan ka galing?" Sabi niya.
"Sa babaeng hindi pinapansin ang pagmamahal ko"
"Sino naman yan?"
"Si Natasha Stella Espinosa"
"Tss.. Natuntunan niyo talaga ang mansion nila"
"Oo nga, yung number na ibinigay sa tin ni Nathaniel ay hindi kay Tasha kundi sa kanya"
"Naloko na naman tayo, galing rin nila eh noh?"
"Oo nga"
"Akyat muna ako ha!"
"Sige sige"

[playing: Cantarella- Hatsune Miku and Kaito (Japanese)]

So si Karlos ang bago niya, tss.. No match yan sa kin.

When Rich Kid StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon