-------😒Natasha😔--------
Okay na ako. Im ready to go to school, sana maka habol akonsa mga lessons. Naglagay rin ako ng contact lens kulay blue para maganda. Pagpunta ko sa school dumiretso ako sa locker ko.
"Ba ka may envelope na naman"
Pero pag bukas ko wala. Buti naman wala, pagod ako sa mga ganyan.
"Okay ka na pala"
Tumingin ako sa likod ko si Karlos lang pala. Naka ngiti siya sa kin.
"Ahh oo"
"Buti naman"
"Hoy, musta yung phone"
"Buti pa ang phone kinukumusta mo"
"May sinasabi ka?"
"Wala, wala" sabi niya.
"Okay sabay na tayo" sabi ko.
"Saan?"
"Sa classroom saan pa ba?"
"Ahh oo nga"
Habang naglalakad kami papuntang classroom napansin kong ngumingiti siya.
"Hoy!"
"Pwede ba wag "hoy" itawag mo sa kin, may pangalan naman ako eh" sabi niya.
"Wow, requesting?"
"sige na nga, ba ka magagalit ka na naman" nag nod siya.
"Masayahin ka talaga noh"
"Oo, sabi kasi ni nanay palagi daw ako mag smile para confident ako, subukan mo rin mag smile para lalo kang gaganda" sabi niya.
"Maganda na ako, tsaka make-up lang nakapagaganda sa babae"
"Hindi naman lahat" sabi niya. "Sige ka, walang magkakagusto sayo"
"Meron kaya!"
"Sino?"
"Si Lorenz"
"Wehh, totoo ba talaga ang nararamdaman niya sayo"
"Hindi ko alam, sabi nila eh"
"Naniniwala ka talaga sa mga sinasabi ng iba, noh?" Tumingin siya sa kin. "Nako kung ganyan ka!, promise madali kang mauto!"
"Hay nako, wala naman akong choice eh-"
"Lahat may choice, hindi lang natin nararamdaman"
Ngumiti ako sa kanya. "Sarap mo rin kasama noh, tagabigay ng advice"
"Ahh hindi naman"
"Karlos!!"
"Bakit?!" Napasigaw siya.
"Nagblush ka!"
"H-ha? Ah wala yun"
"May crush ka sa kin noh?" Paasar kong sinabi.
"Ha? Wala kaya!"
"Oyy!~ deny-deny ka pa"
"Hoy! Sabi ko wala!"
"Meron"
"Wala"
"Meron"
"Wala"
"Meron"
"Wala"
"Meron meron meron meron"
"Wala wala wala wala"
Hindi namin napansin na pinagtitingan na pala kami ng mga schoolmates namin. Agad kaming pumunta sa classroom buti nalang hindi pa kami late. Pinagtitinginan kami ng mga barkada ni Lorenz ang sama makatingin.
"Ba't ang sama niyo makatingin sa min? Ha?" Sigaw ko sa kanila.
"Wag mo na sila pansinin" bulong sa kin ni Karlos.
Pumunta nalang ako sa upuan ko, tinignan ko sila ng masama. May ibinigay sa kin si Karl, isang mint candy.
"Para saan toh?"
"Palamigin mo muna yang ulo mo, subukan mong kainin yan while umiinom ng tubig di ba malamig" sabay kindat niya.
"Talaga?"
"Bakit hindi mo pa ba na subukan ang mga ganyan?"
"H-hindi pa"
"Then subukan mo na"
I chew the candy at drink a water. Wew malamig nga! Masarap mag ganito sa klase lol.
"Wow, ang cool"
"Hehehe yan ang ginagawa ko kapag mainit ulo ko"
"Magagalitin ka rin pala? Ang alam ko kasi masayahin ka"
"Hehe" ngumiti na naman siya sa kin at nag-blush.
"Oy! Nag blush ka na naman! Meron ka talagang crush sa kin!"
"Wala nga!!"
"Ang magalit totoo!"
"Hindi naman ako nagagalit ahh!" Nakasimangot siya.
"Hoy este Karlos, sorry na!" Hindi niya ako pinansin, nakatalikod siya.
"iiyak ako pag di mo ako haharapin" humarap siya sa kin.
"Sige nga umiyak ka!"
Hinampas ko sa kanya ang notebook ko.
"Nag-jojoke lang ako, dont take it easy" sabi niya sa kin, at ngumiti na naman.
"Ba't ba palagi kang ngumingiti sa kin?"
"Bakit nakakamatay ba?"
Hindi ko napansin na namumula na pala ako.
"Ahhh ikaw pala ang may crush sa kin!"
"Ah nagblush lang ako may crush agad, feeler mo" sabi ko sa kanya.
"Oyy! Ang unfair ikaw yung una nangulit sa kin niyan!" Sabi niya.
"Ako? Hindi kaya!"
Dahil sa pagkukulitan namin, hindi namin napansin na nasa likod na pala namin si teacher.
"Mr. Santos and Ms. Espinosa go out!"
Nako lagot. Lumabas nalang kami para hindi na sasabog yung ulo ni teacher.
"Mam, ako po ang unang nangulit sa kanya kaya ako nalang po ang lalabas"
tumayo siya. Nagulat ako sa sinabi niya, hindi pwede na siya lang ang lalabas kasama rin naman ako sa kalokohan ah!
"Mam, lalabas rin po ako kasi nakisabay ako sa kalokohan ni Santos"
Nanlaki ang mata niya, nagulat rin ata siya.
"Lumabas nalang kayong dalawa" sabi ni teacher.
At agad naman kaming lumabas. Pagkalabas namin:
"Ba't ka ba sumama sa kin ha? Masisira yung record mo dito sa school" sabi niya
"Record lang yan" sabi ko sa kanya.
"Tigas mo rin noh?"
"Oo, ako pa!"
"Pano yan, pinalabas tayo"
"Sa canteen nalang tayo. Hihintayin pa natin na matapos ang subject ni Mam para makapasok tayo sa next subject"
"Ahh ganun ba" nako lagot ako nito "sorry ha"
"Tsss.. Kasalanan ko rin naman eh" ngumiti pa rin siya.
"Di bale ililibre nalang kita"
"Kung gusto mo edi, sige"
Nilinre ko siya ng Ice pop yun kasi gusto niya, edi yun din binili ko.
"Natasha"
"Bakit!?"
"Pwede ba kitang tawaging Nutella?"
"B-bakit naman?"
"Kasi di ba pangalan mo ay "Natasha Stella" ang Na papalitan U nagiging Nu+t tapos yung Stella kukunin yung Ella para maging "Nutella" hehehe ayos ba?"
"Oo, sige!"
Masaya kaming nagkwekwentuhan, nagtatawanan parang bumalik na yung dating ako. Oo nga yung dating ako. Nakabalik na kami sa klase namin. Hindi muna kami nagpansinan para hindi uli kami palabasin. Busy na naman siya sa pababasa ng Manga serious mode ata. Nag bell na kaya uuwi na ako may gagawin pa kasi ako."Nutella, mauna na ako ha, bibili kasi ako nang fishball sa labas nagugutom kasi ako sige bye!" Sabay kaway niya sa kin.
"Driver asan kana?"
"Nasa labas po ako, Ms. Natasha wala na kasing bakanteng lote don sa parking lot"
"Sige lalabas na ako diyan"
Lumabas na ako. Nakita ko na yung sasakyan namin, agad kong nilagay yung bag ko sa kotse biglang nahulog yung mamahalin at paborito kong ballpen gumulong ito sa may kalsada. hindi ko napansin na nasa gitna na ako ng daan.
"Hay salamat" pagkapulot ko sa ballpen ko, na silawan ako sa ilaw, may paparating na kotse pala ang bilis tumakbo, yung parang hindi ka na makakagalaw patakbo na sana ako nang biglang may tumulak sa kin. Pinikit ko yung mata ko, pag dilat ko si Karlos naka patong sa kin.
"Okay ka lang ba?" Nararamdaman kong parang nanginginig siya.Natulala ako bigla. Umalis na siya sa pagka patong sa kin at inabot niya ang kamay niya, kinuha ko naman ito, niyakap ko siya ng mahigpit pagtingin ko sa kanya naka ngiti na naman siya.
"Salamat"
"Mas mahalaga talaga sayo ang mga gamit noh? Kesa sa buhay mo"
"S-sorry"
"Sa susunod hayaan mo nalang sana"
"Ms. Natasha are you okay" sabi ng driver ko.
"Oo, okay lang ako. Teka lang driver ha maghintay ka muna sa kotse susunod ako" umalis na yung driver ko.
"Salamat Karlos"
"Okay lang yun"
"Friends?"
"Okay, friends na tayo"
Ngumiti na naman siya sa kin, maybe it's time na mag-move on na ako.[plays: Everything has changed - Taylor Swift ft. Ed Sheeran]
"Cause all I know is we said, "Hello."
And your eyes look like coming home
All I know is a simple name
Everything has changed
All I know is you held the door
You'll be mine and I'll be yours
All I know since yesterday is everything has changed"
BINABASA MO ANG
When Rich Kid Strikes
RomanceSi Natasha Stella Espinosa isang mayaman, maganda at matalino. Halos lahat ng kailangan niya, nandon. What she wants, she gets. Ang tanong nandon na ba talaga ang kailangan niya? Or may kulang? (Please vote my story if you like it)