Chapter 2: Sunday Morning

65 3 0
                                    

"Kuya!"
Bumaba ako galing sa kuwarto.
"Ku-"
"Wala po si Young master, Ms. Natasha" sabi nang maid namin.
"Ehh asan?"
"Maaga po siyang pumasok sa bar niya, may ini-inspeksyon daw"
"Ano na naman kaya yon"

Busy na naman si kuya sa bar niya. Meet my kuya Nathaniel Louis Espinosa, may pagka-basagulero at parang may tumor sa utak, lakas tama eh. Siya ang may ari ng "Fantastic Bar". Oo, may sarili siyang bar minsan nga hindi siya umuuwi dahil tumatambay lamang siya sa bar, wala eh, madaming chicks. Inom there, inom here, inom everywhere!

"Uhmm yaya"
"Yes Ms. Natasha?"
"Si ate?"
"Umalis rin, may meeting"

Busy rin. Si ate naman may sariling resort. Natalie Marie Espinosa ang full name ng ate ko. Yep meron siyang resort at yun ay ang "Natalia Maria Resort" madaming tao ang pumunta sa resort niya, lalo na kapag Summer, ting bakasyon marami talagang tao!.

Parang halos lahat ng miyembro ng pamilya namin may sari-sariling racket. Eh ako? Nag-aaral parin, sa totoo lang ako nalang ang nag-aaral, ako kasi ang bunso eh.

Ako nalang parati mag-isa sa mansion. Mabuti pang mag League of Legends muna ako.
13 minutes ako naglaro. Tapos nag log-in sa FB. Oy 1 message, sino kaya?

-Lorenz: bH€ Pun+@ t@y0 s@ /\/\@Ll!-

Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya. Replayan ko nga.

-Me: Jejemon pa more! Hindi kita maintindihan! Kaya kong ano yang sinabi mo sorry nalang-

Pag-open ko sa news feed ko. May nakikita ako ng mga TBH's o yung "To be Honest?"
Halos lahat ng news feed ko puro TBH. Grabe talaga yung mga tao, ni-hindi man lamang nila inisip kung totoo ba yung sinasabi. Hindi man lang sila nagsawa sa mga kasinungalingan hay, nako!

May nag-chat. Si Karlos.

-Karlos: Hi-
-Me: hello-
-Karlos: ano ginagawa mo?-
-Me: nagcha-chat sayu, ano pa ba?!-
-Karlos: k.-
-Me: Hoy! Ang haba ng sinabi ko, "k" lang?!?! Ano toh? Bastosan?!?"-
-Karlos: mahaba ba yon?-
-Me: Oo, bilangin mo yung letters!-
-Karlos: sorry-
-Me: Wow!, ganun lang? Sorry?!?-
-Karlos: ganun kaba talaga ka-seryoso?-
-Me: Wow! Ikaw na nga tong may kasalanan! Ikaw pa nagre-reklamo?!-
-Karlos: hindi na kita maintindihan-
-Me: then intindihin mo!!!!!!-
-Karlos: ?-
-Me: kunyari ka pa na walang alam!! Sus!-
-Karlos: log-out na ako.-
-Me: At gusto mong tumakas ahh!!-
-Karlos: I-feature mo nalang yung drama mo sa MMK at Magpakailanman, K bye!-

Bwiset! Talaga yung Karlos na yun.
*riiiinggg* "oy may nag-text" agad kong binasa yung text.

-Anak mommy mo to, paki-sabi sa mga kapatid mo na hindi muna kami makaka-uwi ng daddy niyo diyan sa Pilipinas, kasi may bagyo dito sa Barcelona at meron ring meeting dito yung daddy niyo. Sabihin mo nalang sa ate at kuya mo nasa susunod na buwan nalang kami uuwi. Love you nak! ❤️😘-

Hindi ko ni-replayan yung text ni mommy sa kin. Parati naman siya ganyan eh, palagi nalang siyang nagpa-pramis hindi naman niya ginagawa. Ika nga nila Promises are meant to be Broken.

Gumulong ako sa higaan ko.
"Wala akong kasama dito..ano kayang gagawin ko"
May kumatok sa pintuan ko.
"Sino yan?"
"Nandito na po sila Ms. Natalie."
Agad akong bumaba.
"Hi ate!!!! Kumusta ka naman? Okay ka lang ba ate?"
"Natasha I just need some rest okay."
"Okay, ate laro muna tayo! Pleaseeee!"
Kinamot niya yung ulo niya.
"Natasha mamaya na, pagod ako"
"Ate, sglit lang naman ehh League of Legends lang!"
"Mamaya na!"
"Please!!!!"
"Please!!!!"
"NATASHA I SAID MAMAYA NA, DI KABA NAKA-INTINDI?!" Sumigaw si ate ng malakas. Parang galit na talaga siya.
"Okay.." Tumakbo ako papunta sa kuwarto ko.

Ganyan naman talaga sila eh, reasoning reasoning reasoning.... Para yatang iniiwasan nila ako. Si kuya naman tulog malamang pagod galing sa bar. May kumatok na naman.
"Arghh sino yan!?"
"Ms. Natasha may bisita po kayo.."
"Sino naman yun!?"
Bumaba nalang ako para makita ko kung sino yang bisita na yan. Si Lorenz Gonzales lang pala.
"Hi bhe"
"Anong "hi bhe"?! Hi bhe mo yang mukha mo"
"Bhe ka na naman nag reply sa kin sa FB, may probs ba? Or in a Complicated relationship na tayo?"
"Anong complicated ni wala nga tayong relationship ehh!!" Pasungit kong sinagot ang tanong niya.
"Oy, si Aling Tasya may boyfriend na! Ayieeee!" Singit ni kuya.
Tumahimik kaming lahat ng 1 minuto.
"Basta umalis ka na, hindi kita gusto"
"Please." Umakyat kaagad ako sa kuwarto ko.

Naglalaro nalang ako ng Dumb Ways to Die. Tapos tinignan ko yung video at napakanta ako.
"🎵Dumb Ways to die! So many Dumb ways to die, Dub ways to di-die🎵"
Naala ko tuloy si ate, teka ano naman ang connection ni ate sa Dumb Ways To Die? Ahh basta naalala ko lang siya. Kumusta naman kaya siya. Bibisitahin ko ba ang kuwarto niya? Baka galt parin yon? Makapag-laptop nga. Nag log-in na naman ako sa FB.
"Oy online naman yung mokong" may one notification.
(Karlos Santos and 724 like your profile picture)
Wow! Andaming nag-like, famous na talaga ako! Hahaha!! Oy may nag-chat bigla. Time check nga muna. Tumingin ako sa relo ko, of course nakarelo ako kahit nasa mansion. 10:23 AM.

Chat:
-Karlos: Hello-
-Me: Mangugulo ka na naman?-
-Karlos: indi-
-Karlos: Dota tayo-
-Me: wala akong Dota, LOL lang-
-Karlos: O sige....-
-Me: anu ginigagawa mo?-
-Karlos: nagcha-chat sayo ano pa ba?-
-Me: bastos ka makapag-salita ahh!-
-Karlos: ikaw nga una nagchat sa kin niyan, hindi naman ako nagreklamo :(-
-Me: ahh talaga sorry ha!!!-
Naglog-out ako at nag selfie! Pagkatapos ko mag selfie agad ko naman ito inapload. Log-in na naman ako.
(Uploading)
Hina naman ang Wifi. Sarap sapakin tong wifi na toh! Buti nalang tapos na mag-upload. 2 notifications agad!

(Karlos Santos commented on your photo)
(Karlos Santos and 43 like your picture)

Ano naman kaya ang kanyang ki-nommemt.
-nice- comment niya.

Okay. Mabuti nalang yung "nice" kesa sa "pangit" diba? Nag scroll down ako sa news feed ko. Bumalagta na naman yang mga TBH at "Thank you sa flood likes". Hayss sawa na talaga ako sa mga ganyan.

May narinig akong ingay, si kuya at yung girlfriend niya nagtatalo na naman. Sumilip ako ewan ko kung bakit.

"Bakit ka ba ganyan ha?!" Sabi ni kuya.
"Nakita kita!!" Sabi ni ate Mae.
"Ano bang nakita mo?!?! Ha!!"
"May kahalikan kang babae sa bar!!"
"Oo meron nga per-" sinampal ni ate Mae si kuya.
"Sa lahat ng ginawa ko sayo, ganito lang ang gawin mo sa kin?!"
"Let me explain first"
"Wala nang explain, sapat na si kin na nakita ko kayong naghahalikan. Now, may I know who's that girl?!"
"S-si Chloe"

Na-shock ako sa sinabi ni kuya, si Chloe kasi kaklase ko. Masungit yun, marami nang nagiging boyfriend, maganda siya pero pag-pumunta sa school, tadtad ng make-up yung mukha.

Nag-aaway parin sila. Kailan kaya matatapos?

When Rich Kid StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon