Chapter 7: Team Up?

40 2 0
                                    

------😊Natasha😊------

Kinalimutan ko na ang nangyari kahapon. Ayoko ng maalala. Kaibigan ko na si Karlos? Paano kung maulit na naman ang nangyari noon. Ewan ko ba, lahat naman siguro may solution sa problema. Ayoko nang maulit yun, ayong-ayoko...

"Hi Nutella"
"H-Hi"
"Parang malungkot ka ata"
"Ha? Ahh hindi, hindi ako malungkot bagong gising lang siguro"
"Ahh ganun, sabay tayo sa recess mamaya ha" kinindatan niya ako.
"Sure!" Ngumiti ako sa kanya.
"Sige punta muna ako sa locker ko, mauna ka nalang susunod ako"
"Okay"

Pumunta na ako classroom, at umupo sa upuan. Nandito na siya si Karlos.
"Hi Karlos" sabi ko.
"Hi, nandito ka na pala" sabi niya
"Ito ohh, mint candy"
"Oy, salamat ha" ginulo niya ang buhok ko.
"Good morning class" dumating na yung teacher. "Okay class we have an upcoming activity and that is Mr & Ms. Highschool"
Nagbubulongan na yung mga kaklase ko. Yung iba parang excited, yung iba parang terrified.

"For "Mr" I will choose......"

Im sure si Lorenz na naman yan, maganda kasi mukha eh. Inggitero lang. Thrilling talaga ang pagka-announce ni Mam, parang may kasamang drum roll.

"Santos"

Tumingin kaming lahat sa kanya, gulat na gulat ako. Si Karlos ang pambato namin? Siya ang representative ng 3rd year? Nanlaki ang mata ko, proud na proud ata ako sa kanya. Pumalakpak ang mga kaklase namin, bilang supporta.

"Now, for the "Ms" I'll choose......."

Si Chloe yan, pero parang gusto ko ako yung mapipili ni teacher. Parang gusto ko maging partner ni Karlos. Hay!! Natasha nag papantasya na naman, imagine pa more!

"Espinosa"

Ako na naman ang pinagtitinginan ng mga kaklase ko. Si Renz parang nagulat, tapos si Chloe parang masaya, ngumiti pa nga siya sa kin. Pumalakpak sila. First time kong sumali sa mga ganitong paligsahan, hindi ko pa to na-try noon. Tumayo si Karlos.

"Mam thanks for choosing us, we'll promise that we will win this section"

Nagsisigawan yung mga kaklase ko. "Go Santos, Go Espinosa" cheer ata nila.

Tumingin na naman siya sa kin at ngumiti. Ba't ba palagi siyang nakangiti? Sabi nga daw ng mama niya na palagi daw siya mag smile para confident siya sa kahit anong problema o pagsubok sa buhay.

[playing: Thinking out loud - Ed Sheeran]

"Masaya ako dahil ikaw ang partner ko" ngumiti na naman siya.
"Thanks, ako rin" ngitian ko rin siya.

Lunch time na.

"Karlos, sabay na tayo mag lunch, kung pwede"
"Sige ba, saan naman dun sa tambayan mo?"
"Kung gusto mo, edi sige"
"Sige dun nalang tayo"
Kinuha niya ang kamay ko, parang may isinusuot siya sa kin na bracelet.
"Para saan toh?" Sabi ko.
"Para sayo, galing to Japan, regalo to sa yo ng mama ko. Salamat daw dahil ikaw ang una kong kaibigan dito sa school"
"Ahh talaga, sabihin mo rin sa mama mo "walang anuman" hehe"
"Tara na!"

Pumunta na kami sa tambayan ko. May kasama na uli ako, bumalik na nga yung dating ako.

"Nutella"
"Bakit?"
"Kilala mo ba si, Jude?"
"Ahh bakit mo naman natanong yan? Ha?"
"Mutual kasi kayo sa facebook, he add me"
"Wag mong i-confirm"
"Bakit naman?"
"Basta, wag lang"
"Sino nga pala si Juliana?"
"Paano mo nalaman yan ha?! Saan mo yan nakuha?! May nagsabi ba sayo niyan?! Sino?!"
"Chill lang Nutella, wag nalang natin yan pag-usapan"
"Tama ka, ang isipin nalang natin ay ang Competition"
"Okay" nag-sigh siya.
"Bukas, 1:30 PM punta ka sa amin okay"
"Bakit naman?"
"Ikaw, "bakit" nalang palagi ang isinasagot mo kada tanong ko" nakasimangot ako.
"Paano naman kasi tanong ka ng tanong hindi ko naman alam yung reason"
"Edi alamin mo!"
"Kaya nga diba "bakit", kasi gusto kong malaman ang reason" napansin niya ta na nakasimangot ako, kaya nag peace sign siya.
"Oy sorry na, wag kanang magalit" sabi niya.
"Ahh basta punta ka bukas sa amin ha!"
"Oo na, oo na"
"Team na tayo ha!"
"Oo, team na tayo!"

Nagpinky swear tapos nagbro-fist kaming dalawa. Team na kami, aangal ba kayo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Rich Kid StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon