ANTON/ART'S P.O.V
Hindi na bago sa akin yung issue ni Kirk kay Zurie,istudyante ko pa lang sila eh naaamoy ko na...
Kaya yung nangyaring nabasa nyo na eh parang wala na sa akin,what affected me is yung moment na nag walk out si Zurie sa kanya just before his kiss landed on her lips.
Hindi naman ako agad naka react dahil nga judges ako at may inaayos pa kami noon.
Madilim sa ibaba,on the spotlight silang dalawa,may mga table lamps lang kami sa taas ng stage.
Ng mapirmahan ko na yung confirmation ng top 10 finalist ay nagpaalam na ako.
"Excuses,rest room muna ko.." syang paalam ko sabay alis.
Pagkababa ko ng stage ay dinukot ko na sa bulsa ko yung phone ko,maliwanag na noon ang dance floor at maingay na ulit kaya lumabas na ako ng venue.
Doon ko na nakita si Kirk na alam kobg naghahanap kay Zurie,malakas din ang pagtawag nya ng paulit-ulit sa pangalan nito.
Nagri - ring ang phone nya pero hindi nya sinasagot....,nga pala,tinawagan ko muna bilang si Art dahil pag yun ang ginagamit ko eh mabilis syang sumasagot,oero iba ngayon...nakailang pa ring na ako eh wala pa rin.
Then,bilang si Anton naman...pero wala rin...
Balik sa num ko as Art,tumipa na lang ako ng mensahe at isinwnd ko sa kanya..
"Asan ka na? Nandito na ako sa harapan ng campus?"
Pero maski yun ay hindi nya sinagot.
Tumungo na ako sa may car park.
First thing in mind ko ang umuwi muna sa condo ko to put on my prosthetics at kunin yung kotseng iniuuwi ko sa villa,isasabay ko na rin yung mga gamit na kailangan kong iuwi.
Since malapit lang naman doon ang condong inuuwian ko wh hindi naman ako natagalan.
After 30 minutes yata ay eto na ako ulit sa kalsada pabalik sa bisinidad ng SMMC...still contacting her.
Im calling her,....pero wala pa rin,until a message pop in.
"PEOPLE'S PARK" text mula kay Zurie Zeinne.
Umilaw ang phone tracker app ko ng magtext sya kaya nakuha ko agad ang location nya.
10 minutes more nga ay ayun na,naandoon na ako..namataan ko na syang nakaupo na lang mag-isa sa isa sa mga benches.
I know she's feeling cold dahil sa suot nya at yakap na rin nya ang sarili.
Tumigil ako sa harapan nya at binusinahan sya ng ilang beses.
Napatingin sya sa kotse na tila ba inaarok kung ako na talaga yun as Art.
"Sumakay ka na!" text ko.
Ilang sandali pa nga'y bumukas na ang passenger seat ko sa unahan,she hops in.
Pinatay ko na ang aircon at o ibinukas nalang bahagya ang mga bintana.
Walang kibuan.
Ako sa daan nakatingin.
Sya,sa labas siguro dahil talikod sya sa akin.
Iniabot ko ng isa kong kamay ang coat na nakasamapay sa sandalan ng inuupuan nya.
"Warm your self." simpleng sabi ko na ginawa naman nya.
"Im sorry,Art...I know youve seen them all,but behind all that sana wag mo namang isipin na nilalandi ang isa man sa kanila....,I gave you my word at tutuparin ko yun...." sabi nya.
BINABASA MO ANG
SUGAR DADDIES SERIES 1: FAR AWAY (Wattys 2019) COMPLETED
RomanceGoing to college is not that easy,sa expenses pa lang malulula ka na...,oo may mga alternative way to study,the only question is what if ginawa mo ng lahat pero kulang pa rin.. Lalo na kung solo mo lang ang buhay... Just like Zurie... ....so come...