Kinagabihan ay maaga syang nakatulog.
She wants some total rest.
Naalimpungatan lang sya ng may marinig na kumakalampag sa gate. Tumalima sya.
Agad syang bumangon with lights off. At kitang-kita nya na may umaakayat sa gate na mga lalaki marahil na nakataklob ang mga mukha.
Tama sya.
Kumilos na si Yzac.
Yun lang ang naiisip nyang gagawa noon.
Kaya unti-unti ay kinuha nya na ang bag nya at tinungo ang pinto sa kusina.
Its a good thing na walang pwedeng maging entrance doon mula sa harapan.
Walang oras na dapat masayang dahil naririnig nya ng may kumakalikot sa lock ng pinto although double lock yun. Walang imposible sa magnanais talagang makapasok.
Dahan-dahan nyang isinara ang pinto sa kusina at dali-daling tumungo sa ginawa nyang daanan sabay akyat na doon.
Nasa unang baytang pa lang sya ng may marinig syang tila pagpusngak ng baril.
Gun with a silencer ang hula nya dahil kung hindi ay aagaw na yun ng atensyon mula sa mga kapit-bahay.
For sure nakapasok na ang mga ito kaya dinalian nya ng makapunta sa dulo ng bakod sabay hulog sa bag nya sa kabila.
Hindi imposibleng galugarin ang buong bahay at makita ang hagdang yun kaya napagdesisyunan nya ng tawirin ang sanga ng puno at tumago doon.
Bahala na.
Maya-maya pa nga'y may naaninag na syang nagpa-flashlight at open ang kinaroroonan nya.
Ilawan lang ang parteng yun ay kita na sya kaya buong lakas ng loob na napagdesisyunan nyang makababa ng puno kung saan hindi sya preperada,kung alam nya lang sana'y nagdala na sya ng lubid na pwede nya ng magamit pababa ng puno.
Sign of the cross.
Ang tanging armas nya.
Tapos baba na,unti-unti.
"Ouch!" impit nyang sambit ng tila mapasabit ang braso nya sa
tila nakausling sanga.Mahapdi.
At di man nya makita ay siguradong may mga mumunting dugong lumalabas doon.
"Gasgas lang yan,Zuryana...compared to sa anumang pwedeng mangyari sayo pag-nakuha ka ni Yzac...hindi lang gasgas...," sabi ng isip nya saka ipinagpatuloy ang pagbaba.
"Boss!" narinig nyang sabi ng isa mula sa loob ng bahay.
Buti na lang maliwanag ang buwan...,kahit paano may liwanag syang nagagamit.
Hanggang sa nakababa na sya at sobrang swerteng nakapkap agad yung bag nya.
Umupo sya pasandal sa pader.
She better not move anymore dahil hindi nya alam kung anong nasa tabi nya.
YZAC's P.O.V
Hindi ako masamang tao.
I just want her to be with me.
Love me.
I want her to be my wife.
Sya ang kauna-unahang babaeng minahal ko ng ganito.
And I cant accept rejection right away na hindi gumagawa ng aksyon.
I dont want to get lose.
I want her & I will get her.
By hook or by crook...
BINABASA MO ANG
SUGAR DADDIES SERIES 1: FAR AWAY (Wattys 2019) COMPLETED
RomanceGoing to college is not that easy,sa expenses pa lang malulula ka na...,oo may mga alternative way to study,the only question is what if ginawa mo ng lahat pero kulang pa rin.. Lalo na kung solo mo lang ang buhay... Just like Zurie... ....so come...