92nd Chapter

144 9 8
                                    

7 a.m sharp the next day,ayun na sila ulit ni Genesis sa Negros.

Bacolod City.

Security Training Academy.

The home of the finest & bravest detectives etc.

Marami ng establishimento at mga pribadong tao na doon kumukuha ng security mens etc.,

"Tito...buti naman naligaw ka na dito..." ani ni Yzac na syang naabutan nya sa opisina ng eskwelahan.

"Yung email ko nakuha mo ba..." agad na lumapag sa lamesa nito ang folder na yun.

"Sino ba sya?" tanong ni Yzac.

"Isang simpleng binatang pinagkakautangan ko kahit paano ng buhay ko.." tanging dahilan na agad na naisip ni Anton.

Binuklat-buklat na yun ng huli.

"So what about the last issue na gusto mong sabihin sa akin..."

"Its too complicated..."

"Talaga..,then that means it needs a bottle or two..."

"Looks like..pero wag sa bar nina Sylvan..."

"O.k...,pero bago yan,aasikasuhin ko muna yung kasama ko sa labas...babalik ako.." tumango lang si Yzac sabay labas na ng tiyuhin sa opisina nya.

That's his punishment from his grandfather,to divert his attention at kapalit ng kalayaan at muling pagtitiwala.

And he wants to win that back badly.

"Gene,here..." sabi ni Anton sabay abot ng folder na yun sa binatilyo.

"Ano 'to...?"

"Officially enrolled ka na...,andyan lahat ng kailangan mo dito,sagot ko na from board mo to the very least of expenses.."

"Thank you ha...,hayaan mo gagawin ko yung makakaya ko para mahanap mo na agad yung kakambal ni Ziarra..." tumango lang bahagya si Anton bilang tanda ng pagsang - ayon nito.

"O.k..wait,speaking of Ziarra ha...kontrolin mo sarili mo kung maaari...she's just a minute away from here...Sta. Catalina lang yun..ayan lang..."

"Oo..alam ko,.."

"Pa'no iiwan na kita,..tatawagan na lang kita.." sabay kuha nya ng cell phone.

"Number mo..."

"09774633565" simpleng sagot ni Genesis na nakuha naman agad ng huli.

I need to go...,message me kung may kailangan kang ipaalam sa akin...." nagkamay na lang ang dalawa sabay alis na ni Anton.

May umalalay naman sa binatilyo papunta sa magiging dorm nito sa loob ng eskwelahang yun.

Bumalik naman agad si Anton sa opisina ni Yzac.

Naupo agad.

"Simulan na natin..." untag ni Anton na ikinapabuntong hininga na lang ng huli.

Noon naman may lumapag na envelope sa harap ni Anton.

Tumaas ang kilay ng huli.

"That contains my nightmare.." binuksan nga yun ni Anton.

Tumambad sa kanya ang mga katagang DNA RESULTS na galing sa isang de kalidad na laboratoryo - na  affiliated ng eskwelahan.

"O sino 'tong pangalan ng batang naandito..."

"Anak ko daw..."- oo nga naman,kaya nga may nakalagay na 99.99% of probability eh...malamang!

"Oo nababasa ko,ang ibig kong sabihin kanino,paano..."

SUGAR DADDIES SERIES 1: FAR AWAY (Wattys 2019) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon