70th Chapter

177 10 2
                                    

NATIONAL REHABILITATION CENTER.

For the first time nga eh napadpad silang dalawa doon ni Shannon dahil na rin sa kahilingan ng ina nito sa kanilang dalawa.

"Pangalan ng bibisitahin?" tanong ng officer na nasa info desk na yun.

"Alex Alejandro Narvaez Jr. ho..." sagot ni Shannon.

"Kaano-ano nya kayo?"

"Kapatid nya ho ako..." sabay labas ng i.d na dala nya. Iniabot din ni Zurie ang i.d nya dahil requirements naman talaga bago ka makapasok sa loob.

"Dyan na lang kayo maghintay,...." sabay turo noon sa kanila sa visiting area na agad na nilang tinungo.

Ilang minuto pa nga at naroon ng sadya nila.

All both looking in surprise ng magkita-kita na.

"Shannon..." umpisa ng Kuya nya.

"Kuya....kamusta ka na..." pilit na sambit ng huli.

"O.k lang...kahit paano hindi nakasama ang pagpapadala ni Papa sa akin dito...,kamusta na sila...matagal na kasi yung naging last visit nila eh..."

"They were alright. Infact Kuya...Mom is....mom is pregnant right now...." alam nilang nabigla talaga ang una.

"Wow....,I cant believe them....Shannon uhmm,Im sorry,Im really,really sorry....sana mapatawad mo na ako..."

"Sa akin ka lang ba magso - sorry...?" sabay baling ng tingin kay Zurie.

Napatingin din doon ang huli.

"Im sorry,Zurie...Im really sorry sa mga nagawa ko sayo,sa inyong dalawa at sa buong pamilya natin...ako dapat ang prumoprotekta sa inyong dalawa pero ako pa yata ang wawasak sa inyo....patawarin nyo ako... "

Nagkatinginan na lang ang dalawa.

Pero maya-maya'y binasag na ni Zurie ang mahaba-haba ding katahimikang namayani sa kanilang tatlo.

"Kalimutan na natin yun,Kuya Bong...ang importante eto ka na,...at nakikita naman naming sinusubukan mong maging maayos ang buhay mo..."

"Tama si Zurie,Kuya...sana tuloy-tuloy na yan...sana,wag mo ng balikan ang miserableng ikaw...sana maging Kuya Bong ka ulit na puno ng pangarap...hindi pa naman huli Kuya..." ang pagtulo ng mumunting luha mula sa mga mata ng lalaki ay hindi na natago sa kanilang dalawa.

"Salamat....salamat sa inyong dalawa....atleast ngayon wala na akong mabigat na isipin....pangako ko sa inyong dalawa at kina Mama,kay Papa..at sa magiging soon bagong kapatid natin,aayusin ko na ang buhay ko....gusto ko na kayong makasama...." agad na tumayo ang lalaki at yinakap mula sa likuran ang dalawa sa pinakaimportanteng babae sa buhay nya.

Sinadya ng ubusin ng dalawa ang time limit ng pagbisita upang maka-kwentuhan ang Kuya Bong nila at masaya silang makitang nagbago na ito. Positibo na ulit ang mga pananaw nito sa buhay.

Salamat din daw sa ka penpal nito na sige ang bigay ng advices at words of encouragements dito na kung sino man ay hindi sila nagwaging makilala o ipakilala man lang sa kanila ng huli.

Makikilala din daw nila yun sa tamang panahon.

Dapit hapon na ng napagpasyahan na nilang umuwi. Tapos na rin kasi ang oras ng dalaw.

"Pano yan guys,bababa na ako jan sa susunod na kanto ha...mapapalayo na kayo pag hinatid nyo pa ako..." wika ni Zurie.

"Shan,babalik na ba kayo agad ni Rai sa school dorm nyo.."

"Oo,kailangan na...tatawagan na lang kita ha..kayo nina Mama...2nd sem starts na kasi eh..."

"Oo nga nuh..buhay estudyante na naman tayo...."nagkatinginan na lang ang dalawa at gets nila kung sino ang tahimik kanina pa.

SUGAR DADDIES SERIES 1: FAR AWAY (Wattys 2019) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon