79th Chapter

145 12 11
                                    

"Hi,...ahmmm Im sorry kung hindi ako nakapunta kahapon...pwede pa naman ngayon diba?...sumama kasing pakiramdam ko..." paliwanag nya agad ng maabutan si Bubbles sa lobby ng AV hall kinabukasan,same time na nagsisimula ang rehearsals ng mga clubs ng school.

"Ay ano ka ba o.k lang yun...sabi ko nga good for 1 week yan...may contest kasing sasalihan ang school at kami yung representative,...intercollegiate...,"

"Ahh..o.k..tara pasok na tayo.."aya nya.

"Ooops by the way...wait,Chams,Ryze..." sabay wagayway nito ng kamay sa paparating pa lang na dalawang babae.

Ilang sandali pa nga at nakalapit na ito sa kanila.

"Zurie,my band mates..si Chamielynne Faye Guevarra at si Ryze Camille Atienza...friendships si Zurie...transferee dito..."

"Hello,nice meeting you..."ani ni Ryze na hindi man lang yata marunong ngumiti.

"Hello..." si Chammie naman sabay beso sa kanya.

"Tara na...." aya na ni Bubbles sa kanila at sabay-sabay na nga silang pumasok.

"Hey,doon ka sa front seat..." bulong ni Bubbles.

"Ha...hindi ba nakakahiya..."

"Nakakahiya....,manonood lang ng rehearsal ano ka ba....'lika nga dun..!"sabay higit nito sa kanya kaya napilitan na itong sumama.

Pina-upo nga sya nito sa unahan.

Maya-maya pa'y napuno na din ang parteng unahang yun ng malaking AV Hall ng St. Martin. Lahat ng naandun ay members yata ng iba't-ibang club,yung iba mag-i-screening.

"So guys,before we start in this second day again let me introduce my self sa mga  new faces natin dito....I am Mie Ledesma,you can call me Ma-Mie,Ate Mie,Mara-mie,Maria Marie,....pero pinakagusto ko sa lahat syempre Ma'am Ledesma,your prof in Arts,Literacy,Music,Physical Education 1 for this semester. So lets begin with the Sweetheart band rehearsal....guys be ready..." noon na nga umakyat sa stage ang tatlong babaeng nakilala nyang kasali doon.

"You have to prepared atleast three songs,for the eliminations,for semi-finals & for the final showdown..." sabi ng maestra nilang si Ms. Ledesma.

Marami pa itong mga instruksyones bago nagsimula ang banda nina Bubbles.

And here are their 3 songs:

1:JUST TAKE MY HEART
        by: Mr. Big

2:WHEN LOVE & HATE COLLIDE
        by: Def Leppard

3:IT'S ALL COMING BACK TO ME NOW by: Celine Dion

Pero sa sarili nilang bersyon bilang banda ang top criteria,kaya importante talaga ang rehearsals na tulad noon.

Aminada ang dalaga,may mga pambihirang boses ang tatlo. Ngunit ng dumating na ang isang may katakarang lalaki na pwedeng pam basketball player ang porma ay umingay ang paligid.

"Sorry guys,Im late..." sabay akyat na nito sa stage.

"Kailan ka ba hindi late....my gulay Rus,2nd sem na...sige na, kayo na ni Ryze..."

"I taught it's the two of us..."

"Katatapos ko lang umirit ng Its All Coming Back....maawa ka naman..." awtomatikong napangiti si Zurie sa inastang yun ni Bubbles.

Sabay ere ulit ng instrumental ng kantang WHEN LOVE & HATE COLLIDE.

In a duet form.

"Mahiya kayo kay Taylor Swift ha...! Ayusin nyong dalawa..." sigaw pa ni Bubbles na gumilid na sabay punta na sa drums set.

SUGAR DADDIES SERIES 1: FAR AWAY (Wattys 2019) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon