TFS 01

165 57 24
                                    

"God doesn't give you the people you want, He gives you the people you need

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"God doesn't give you the people you want, He gives you the people you need. To help you, to hurt you, to leave you, and to make you the person you were meant to be."

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

MAALIWALAS NA KALANGITAN. Bilog na bilog ang buwan at makikita ang nagkikislapang mga bituin na tila inaanyayahan kang sila ay sungkitin. Sa ika-dalawampu't isang palapag ng Hilton Tower, makikita sa may veranda ang isang babaeng nakatingala sa langit. Inililipad ng hangin ang mahaba at alon-alon nitong buhok na kasingkulay ng gabi.

           Tatlong buwan na rin ang lumipas nang umalis siya sa kanilang tahanan upang maranasan kung paano mamuhay nang mag-isa. Upang mahanap niya rin ang kanyang sarili— iyong totoong siya.

          Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niya ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Napangiti siya. Naisip niyang para pala siyang baliw na nagsuot lang ng sleeveless shirt at shorts na hanggang kalahati ng hita niya kahit malamig ang panahon.

         Nanatili pa siya ng ilang sandali roon. Pinagmamasdan ang mga ilaw mula sa mga establisimyento sa katapat at magkabilang panig. Nang nanuot na sa kanyang balat ang lamig ay napagpasyahan niyang pumasok na sa loob.

          Ang makinis at mahahaba niyang mga binti ay natigil sa paghakbang. Nanlaki ang bilugan at kulay brown niyang mga mata. Gulat ang makikita sa hugis-puso niyang mukha nang makita kung sino ang taong nasa living room. Nakaupo ito sa couch habang komportableng nakasandal ang likod sa upuan.

          Inilagay niya ang dalawang kamay sa maliit at makurbang baywang. "How did you get in here?" galit niyang tanong.

          Sa nakalipas na tatlong buwan ay ngayon niya lang ulit ito nakita at basta-basta na lang itong pumasok sa kanyang condo.

          Hindi siya agad nito sinagot. Ang abuhing mga mata nito'y naglakbay sa kanyang kabuuan. Nababanaag niya sa mga mata nito ang pinaghalong lungkot at awa.

          "Huwag mo akong tingnan nang ganyan!" Malakas at may bahid ng galit ang boses niya. Hindi siya nakaaawa para tingnan siya ng gano'n. "Paano ka nakapasok dito?" tanong niyang muli.

          Umupo muna ito nang tuwid bago nagsalita. "First of all, hindi naka-lock ang pinto. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na mag-iingat ka? Always lock the door behind you. Nagkalat ang masasamang damo sa paligid. Kahit pa sabihin nating mahigpit ang seguridad sa building na ito ay hindi ka pa rin dapat maging kampante. Paano kung natiyempuhan ka? Paano kung gawan ka nila ng masama? Paano ku—"

         "Puwede ba?" putol niya sa sasabihin pa nito. Kung ano-ano ang naiisip nito at saka malay ba niyang hindi pala 'yon naka-lock. Sa pagkakatanda niya ay kanya iyong isinara. "Tumigil ka nga sa pagiging advance mag-isip!"

          Bumuntong-hininga ang kaharap at saka siya nito tiningnan sandali. "Second, your room is a mess." Inilibot nito ang tingin sa paligid. Nagkalat ang mga empty cans ng beer, mga junk food wrappers, mga nilamukos na papel, at puno ang ashtray ng cigarette stubs. "Lastly, how many times do I have to tell you that don't smoke and drink alcoholic beverages? Hindi 'yan makabubuti sa kalusugan mo."

          "Iyan lang ba ang ipinunta mo rito? Ang sermonan ako? Kung gano'n, makakaalis ka na. I don't need you here!" pagtataboy niya sa kaharap at ikinumpas pa ang kaliwang kamay.

          Bumuntong-hininga na naman ito. "Listen, Elise. Nag-aalala lang ako sa 'yo. You're ruining your life," mahinahong saad nito. Ang kaninang mga matang naaawa ay napalitan ng pagsusumamo.

          Napangisi siya sa sinabi ng kaharap. "You're worried about me?" Inihakbang niya ang mga paa. "Kung gano'n, makipagbalikan ka sa akin, James. Bumalik ka sa piling ko," saad niya nang nasa harap na siya ng lalaki.

          James Romero was her boyfriend. Nakipaghiwalay ito sa kanya three months ago. Ang araw na umalis siya sa kanilang tahanan ay iyon din ang araw na hiniwalayan siya ng lalaki.

         Nagsimula ang relasyon nila noong nag-aaral pa lang sila ng college. Nag-aaral sila sa parehong unibersidad pero magkaibang kurso.

          Tandang-tanda pa niya kung paano sila unang nagkita. Mahaba noon ang pila sa registrar's office. Ang lalaki ang sinusundan niya, nang ito na sana ang magbabayad ay pinauna siya nito. Simula ng insidenteng iyon ay madalas na silang magkasalubong sa alin mang bahagi ng campus. Hanggang sa nagpakilala na ito sa kanya. First year student siya sa kursong Business Management ng mga panahong 'yon samantalang nasa ikaapat na taon ang lalaki sa kurso nitong General Medicine.

          Naging magkaibigan sila na nauwi sa pagiging magkasintahan. Isang linggo lang itong nanligaw sa kanya ay sinagot na agad niya. Patatagalin pa ba niya kung gustong-gusto rin naman nito ang lalaki.

           Umabot ng anim na taon ang relasyon nila tapos bigla itong makikipaghiwalay sa kanya na wala naman siyang ginawang masama at ang babaw lang ng rason nito.

          "As what I've told you before, Elise, I will only come back to you when you already know how to love yourself."

          "Of course, I love myself!" galit na naman niyang saad. Sino bang tao ang hindi mahal ang sarili?

          Malinaw pa sa kanyang isipan ang mga katagang binitiwan ng lalaki tatlong buwan na ang nakararaan. "You're not capable of loving me, Elise. You're not also deserving to be loved by me because you don't even know how to love yourself." Bumagsak ang panga niya ng mga panahong iyon. Hindi niya maintindihan ang lalaki kung bakit nito 'yon nasabi sa kanya. Mahal niya ang kanyang sarili, iyon ang pagkakaalam niya dahil kung hindi, e, 'di sana'y nagpatiwakal na siya.

          Umiling-iling ang lalaki sa kanya. "No, you don't! Hindi mo totoong mahal ang 'yong sarili dahil kung oo, dapat hininto mo na ang pag-inom at paninigarilyo," seryosong saad nito habang nakatingin sa mga nagkalat na bagay sa sala niya. "Your body is the temple of God. Kaya pakiusap, huwag mo itong sisirain."

          "Stop! Will you?" Palagi na lang itong ganyan sa kanya. Sa tuwing nag-uusap sila'y isinisingit nito ang mga salita ng Diyos.

          Aktibong miyembro ng isang Born Again Ministry ang buong pamilya nito. Inaaya siya nitong magsimba pero madalas siyang umayaw. Noong unang beses siya nitong sinama ay hindi kayang pangalanan ang naging hilatsa ng kanyang mukha.

          Unang beses niyang makakita ng mga taong sumasayaw, tumatalon-talon, ikinakaway ang mga kamay, at sumisigaw ng 'Praise ye the Lord. Hallelujah!' At nang makita niyang umiiyak ang mga nagsisimba at may bumubulong-bulong pa habang humahagulgol ay tatakbo na sana siya palabas ng simbahan nang pigilan siya ni James. Huwag daw siyang matakot at ipikit ang mga mata. Normal daw iyon dahil naramdaman ng mga ito ang presensiya ng Panginoon. Nang sumapit ang pagbibigay ng mensahe ng alagad ng Diyos ay nakatulog siya. Nagulat pa siya noon at mabilis na napatayo nang sumigaw ang pastor ng 'Amen!' Nakahihiya ang nangyaring 'yon sa kanya kaya 'di na siya sumasama pa. Mas lalo lang siyang nagkakasala.

          "Okay, I'll stop," pagsuko ng lalaki at itinaas ang dalawang kamay. Subalit, sa isipan niya ay 'di siya susuko. Mahal na mahal nito si Elise at ayaw niyang masira ang babae. Ang hiwalayan ang babae ang tanging paraang naisip niya upang may matutunan ito.

          "Ano pa ba ang ipinunta mo rito?" tanong ni Elise.

          Sa ikatlong pagkakataon, bumuntong-hininga ang lalaki. "Nandito ako para sabihin sa 'yo na si Mrs. Samaniego- ang mother mo ay dinala kahapon sa St. Luiza Hospital. She has a heart problem." Tiningnan siya ng lalaki diretso sa kanyang mga mata. Sinusubukan nitong basahin kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mga sinabi nito.

           Pakiramdam naman ni Elise, may kutsilyong bumaon sa kanyang puso matapos iyong marinig. Tumalikod siya kay James at humarap sa bintana habang niyayakap ang sariling katawan.

          Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. Pagkatapos, pinilit niya ang sariling humarap muli sa lalaki at sinalubong ang tingin nito. "She's not my mother," saad niya habang iniiling-iling ang ulo.

          Napanganga naman ang lalaki sa sinabi niya.

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon