TFS 03

131 53 20
                                    

"You don't always need a plan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You don't always need a plan. Sometimes you just need to breathe, trust, let go, and see what happens." —Mandy Hale

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

TINUTULAK NI ELISE ang pushcart habang tinitingnan niya ang mga naka-display na paninda. Nasa isang supermarket siya. Wala na kasi siyang puwedeng makain sa condo niya kaya naisipan nitong mag-grocery. 

          Kahit ano'ng magustuhan ay kinukuha niya at nilalagay sa cart. Hanggang sa nawili ay dampot na lang siya nang dampot. Nang tingnan ang cart upang suriin kung okay na ba ay biglang nagsalubong ang mga kilay niya. Kaunti na lang ang laman niyon at may kamay na kumukuha ng mga 'yon at nililipat sa isa pa na cart.

          "What you think you're doing, James?" galit at may kalakasang sambit niya nang makita ang ginagawa ng lalaki. Basta na lang ito sumulpot at kinukuha ang pinaghirapan niyang mga grocery items.

          "Kinukuha ko dahil 'di mo naman kailangan ang mga 'to."

          "Kukunin ko ba kung 'di ko kailangan?"

          "Lahat ng 'to ay 'di makabubuti sa kalusugan mo." Tukoy nito sa mga items na nasa kabilang cart. "Mga junk foods ang mga 'to." Inisa-isa nitong tinuro ang malalaki at iba't ibang supot ng tsitsirya. "Mga can goods at cup noodles ang mga 'to. Lahat ng 'to may preservatives. Seriously, Elise? Nasaan na ang 'no to unhealthy foods' na sinabi namin sa 'yo? Ito naman mga chocolates." Tinuro nito ang malalaking bar ng iba't ibang klase ng tsokolate. "Gusto mo bang magka-diabetes? At saka itong mga 'to . . . mga energy drinks, beer and softdrink in cans, and a ream of cigarette." Tiningnan siya nito sa mga mata. "Paborito mo na bang kanta ngayon ang 'Killing Slowly?'"

          "Killing me softly hindi killing slowly. Pambihira ka, James. Gagamit ka na nga lang ng kanta 'di pa tama ang title." Inirapan niya ito sabay talikod.

          Hindi na lang niya ito papansinin. Daig pa nito ang isang ina kung manermon sa kanya. Hindi pa siya tuluyang nakalalayo rito nang hawakan nito ang kanyang kamay at hilahin palabas ng supermarket.

          "What is your problem?" galit niyang saad dito ngunit 'di nakinig ang lalaki sa kanya. "Saan mo ba ako dadalhin, ha? Kita mo na ngang naggo-grocery 'yong tao, e!"

          Huminto ang lalaki sa paglalakad nang tuluyan na silang nakalabas. Hinarap siya nito ngunit 'di binitiwan ang kanyang kamay. "Dadalhin kita sa lugar kung saan puwedeng kumain."

          "Hindi ako gutom at ayaw kong kumain kaya pakawalan mo na ako," pagsisinungaling niya. Ang totoo gutom na gutom na siya. Hindi siya nakapaghapunan at wala rin siyang almusal dahil walang puwedeng makain sa condo niya.

          "I doubt that, Elise. Nag-text sa akin ang mga alaga mo sa tiyan, nagugutom na raw sila." Ang seryoso ng mukha ni James habang sinasabi 'yon.

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon