TFS 07

123 52 14
                                    

"When you've done something wrong, admit it and be sorry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"When you've done something wrong, admit it and be sorry. No one in history has ever choked to death from swallowing his or her pride."

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

NASA ST. LUIZA HOSPITAL si Elise, nakatayo siya sa harap ng pinto na may numerong 202. Nakakuyom ang mga palad habang nakadikit 'yon sa pinto. Ilang minuto na siya sa ganoong sitwasyon. Nag-iipon siya ng lakas ng loob bago iyon tuluyang katukin. Makailang beses siyang nagbuga ng hangin bago ituloy ang pagkatok. Kakatukin na sana niya iyon nang may nagbukas na ng pinto mula sa loob.

          Bumungad sa paningin niya ang gulat na mukha ng kanyang daddy at ni James na nakatayo sa likuran nito.

          Nang makabawi sa pagkagulat ang kanyang daddy ay mabilis siya nitong niyakap. "Elise, my princess." Mababakas sa tono nito ang galak nang makita siya. Kumawala ang ginong sa pagkakayap. "We miss you so much. Lalong-lalo na ang mommy mo."

          Napaiyak bigla si Elise. Napakabuti talaga nito sa kanya. Wala man lang siyang kahit isang sumbat na narinig mula rito. Mas lalo tuloy siyang na-guilty sa ginawa niyang paglalayas.

          "H-how is she?" garalgal ang boses na tanong niya.

          "Maayos na ang kalagayan niya ngayon. Don't worry. Pasok ka na. I'm sure mas lalakas 'yon kapag nakita ka niya. May pupuntahan lang kami sandali ni James," nakangiting saad ng daddy niya.

          Tahimik namang nakatayo si James sa likuran ng ginong at may kislap ang mga matang nakatingin kay Elise. Nang tapunan ni Elise ng tingin ang lalaki ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito.

          Tumango na lang si Elise at pumasok na sa loob ng silid samantalang naglakad naman paalis ang dalawang lalaki.

          Nang makapasok siya sa silid, nakita niya ang kanyang mommy na nakahiga sa hospital bed habang nakapikit ang mga mata. Lumapit siya sa kama at umupo sa silyang naroon sa tabi ng higaan. Halata sa mukha ng ginang ang lungkot. Medyo pumayat na rin itong tingnan. Hinawakan niya ang kamay ng ginang at dinala iyon sa tapat ng labi niya saka hinalikan.

          Dahan-dahan namang nagmulat ng mga mata ang ginang nang maramdaman nitong may humawak at humalik sa kanyang kamay.

          "My Princess Elise, ikaw ba talaga 'yan?"

          Tumango siya saka muling hinalikan ang kamay ng ginang. Nakita niya ang panunubig ng mga mata nito. Nang makita niyang tumulo ang luha sa pisngi ng kanyang mommy ay naging doble ang pagkakasalang naramdaman niya.

           "I-I'm sorry, Mom. I know that I made a big mistake. Patawarin mo po ako kung umalis ako sa atin nang malaman ko ang totoo. Ako ang may kasalanan kung bakit ka narito ngayon sa hospital." Naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi. Tila ayaw nitong paawat. "M-mom . . . p-please forgive me. Pangako 'di ko na ulit 'yon gagawin."

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon