TFS 09

121 51 21
                                    

"Everyone makes mistakes in life, but that doesn't mean they have to pay for them the rest of their life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Everyone makes mistakes in life, but that doesn't mean they have to pay for them the rest of their life. Sometimes good person make bad choices. It doesn't mean they are bad."

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

DALAWANG LINGGO nang nagkukunwaring masaya si Elise sa harap ng mga magulang at ibang tao. Nasabi na rin niya sa mga ito na matagal na silang hiwalay ni James. Nalungkot nga ang mga ito at nanghinayang.

          Nadatnan niya ang mga magulang sa living room. Seryoso ang mga mukha. Nang makita siya'y nagtinginan pa ang mga ito sa isa't isa.

          "May gusto ba kayong sabihin sa akin?" tanong niya. Nababasa niya sa mga mukha ng mga ito na parang may gustong sabihin sa kanya.

          "Princess, maupo ka muna," ani ng mommy niya. Sumunod naman siya at naupo sa katapat na couch.

          "Dalawang linggo na rin namin itong pinag-isipan ng daddy mo. And we decided to tell you the whole truth. Ayaw namin na magkaroon pa ng sekretong itinatago para na rin sa ikatatahimik nating lahat," panimula ng mommy niya.

          "Mahal na mahal ka namin, princess, kaya sana ano man ang sabihin namin sa 'yo ay walang magbabago," segunda naman ng daddy niya.

          Sa mga pinagsasabi ng mga ito ay bigla siyang kinabahan. Sa kaseryosohan ng mga mukha ng dalawa ay alam na niyang may mali.

          "Mom, Dad, diretsuhin n'yo na ako. Pinakakaba n'yo ako sa introduction speech ninyo, e."

          Nagtinginan na naman ang dalawa bago muling humarap sa kanya.

          "Patawarin mo kami kung nagsinungaling kami sa 'yo. Hindi totoong 'di namin kilala ang tunay mong ina. Alam namin kung sino at nasaan siya," tila nahihirapang saad ng mommy niya.

         Naikuyom ni Elise ang kanyang mga kamao. Nabahiran din ng galit ang maamo niyang mukha. "Mabuti kung gano'n nang matanong ko naman siya kung bakit niya ako inabandona. Dahil n'yo ako sa kanya ngayon din!"

          Tumayo ang mommy niya at nilapitan siya. Lumuhod ito sa kanyang harapan at hinawakan ang dalawang kamay niya.

          "My princess, bago ka magalit sa kanya ay gusto kong sabihin sa 'yo na isa siyang mabuting tao."

          Natawa nang peke si Elise. "Mabuti?! Nagpapatawa ka ba, Mommy? Paano naging mabuti ang isang tulad niya na inabandona ako?"

          "Malalaman mo rin na lahat ng sinabi ko ay tama kapag nakita mo na siya. Halika na. Umalis na tayo. Pupuntahan natin siya."




TAHIMIK LANG SI Elise habang nasa biyahe sila. Inihanda niya ang mga tanong na gustong ibato sa tunay na ina.

          "We're here," anunsiyo ng mommy niya.

The Four Statements Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon